04/09/2026
Hindi patama kung hindi ka tinamaan 🐊
“NAWA’Y MABULOK SA PINAKAMALALIM NA HUKAY NG IMPYERNO”
Ibinahagi ng veteran actor na si Edu Manzano ang kanyang “panalangin” laban sa mga tiwaling opisyal, sa gitna ng mainit na usapin sa korapsyon, ghost projects at flood control anomalies habang patuloy ang epekto ng pagbaha sa maraming komunidad.
Sa kanyang social media post na pinamagatang “A Prayer for the Corrupt!”, sinabi ni Manzano:
“May every peso you stole become a witness against you. May every ghost project haunt you.”
Dagdag pa niya:
“May every flooded home, every displaced family, and every life lost remind the country of what your greed has done.”
Pinuna rin niya ang umano’y paggamit ng impluwensiya, katahimikan at mga tagapagtanggol upang umiwas sa pananagutan.
“You may escape accountability here. But hell has no VIP entrance, no political padrino, no special treatment, and absolutely no bail.”
Dumating ang pahayag habang patuloy ang panawagan para sa masusing imbestigasyon at pananagutan sa mga alegasyon ng katiwalian sa flood control at iba pang proyektong pinondohan ng bayan.