
20/07/2025
‘PARA SA DIYOS AT PILIPINAS NATING MAHAL’
Kinilala ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa natatanging ambag ng himpilan sa nagdaang 2025 midterm elections.
Ayon sa partido, malaki ang naging papel ng SMNI sa paghahatid ng totoong balita para sa mga Pilipino.
Pinasalamatan din ng PDP ang network dahil hindi ito natakot sa paniniil ng pamahalaan at sa pagiging isang ‘dissenting voice’ kumpara sa ibang news organizations.
Umaasa ang PDP na hindi titigil ang SMNI na katawanin ang nagkakaisang boses ng sambayanang Pilipino. | via MJ Mondejar