01/01/2026
Sa loob ng Isang Dekada na nakasama ko kayo sa trabaho , sa isang bubong ng bahay , sa kainan pagkakagaling sa trabaho , magsimba at galaan paminsan minsan... hindi ko naramdaman yong lungkot kasi may mga Ate na tinuriing kong kapatid❤️❤️❤️
Pasinsya na kayo at di ko man lang kayo naihatid sa pag uwi ninyo dahil alam naman ninyo na may trabaho ako nakahit gustong gusto ko kayong ihatid🥲
Saktong January 1 , 2026 na magbagong taon akong mag isa at pag uwi ko ng bhay wala na me kasabay o kaya wala na akong madadatnan sa bhay🥲
Wala na akong matatawag na teng... ipagluto mo nga ako , yong tipong darating ka sa bhay may nakahain na pagkain at masasarap ng ulam , desert at malamig na inumin , bilihan mo nga ako , pasampay o isilong yong damit ko, mag linis ng bhay na halos di ko na nagagawa at higit sa lahat yong maghihilot o magpupunas ng langis sa likod ko pag may nararamdaman akong sakit🥲
Dahil sa inyong dalawang Ate ko ... sa loob ng isang dekada nabago ang buhay ko sa trabaho , dami akong nalaman , natutunan mula sa inyo at di ninyo ako pinabayaan sa trabaho ko at kong ano man mayroon ako sa pwesto ko ngayon ay kong hindi dahil sa tulong ninyo... kaya maraming maraming salamat sa lahat lahat teng.. kayo parin dalawa ang Ate ko forever❤️❤️❤️
Pero alam ko at naniniwala ako na ang lahat ng ito ay may dahilan at para sa inyo Ate ko may magbubukas ng panibagong pinto na naghihintay para sa tuloy tuloy ng pagsulong ng pamilya.. Mahal na mahal ko kayo teng at habang nandito ako di ako hihinto na maghanap ng bagong oportunidad para sa inyo at palagi kayong kasama sa Panalangin ko. 😇🙏🙏🙏
To God be the Glory and forever😇All the best and Godbless😇🙏🙏🙏
See you around in this world lalo na sa Pilipinas🥰❤️