24/11/2025
Darating talaga ‘yung punto sa buhay mo na babasagin ka ng mundo.
Hindi dahil gusto kang sirain, kundi para ipakita sayo kung sino ka kapag wala na lahat.
Yung heartbreak na ‘di mo akalaing kakayanin mo.
Yung pagkatalo na sumira sa pride mo.
Yung mga gabing hindi mo alam kung saan ka kukuha ng lakas.
Lahat ‘yan, hindi aksidente.
Kasi minsan, kailangan mo munang madurog para makilala mo kung gaano ka katatag.
Para malaman mo kung sino ‘yung totoo — at kung sino lang ‘yung nandoon nung maganda pa buhay mo.
After mo malagpasan ‘yung phase na ‘yon, promise…
Hindi ka na magiging pareho.
Mas tahimik, mas matalino, mas mapanuri — pero mas buo.
Minsan, ‘yung pagkasira mo…
‘Yun pala ang simula ng tunay mong pagbangon.
CTTO