
10/03/2025
Mahirap magbuntis.
Yung katawan mong halos hindi na sayo...
Yung sakit na hindi na mabilang...
Yung emosyon na rollercoaster araw-araw.
Mahirap manganak.
Yung buhay mong nakataya para sa buhay na nasa sinapupunan mo.
Yung kirot na hindi kayang ilarawan-- pero titiisin para lang may mayakap na munting anghel.
Mahirap maging ina.
Yung pagod na walang katapusan...
Yung kalat na hindi matapos-tapos...
Yung puyat na parang wala nang babawi...
Yung minsan... nakakalimutan mo na rin kung sino ka bago ka naging nanay.
Pero mas nagiging magaan...
kapag may asawa kang hindi lang "kasama" -- kundi kakampi.
Yung tumutulong, hindi lang nanonood.
Yung nakikinig, hindi lang nagmamasid.
Yung naglalambing, kahit gulo-gulo na ang buhok mo at may gatas pa sa damit.
Hindi namin hinihingi ang perpekto...
Ang hinihingi lang namin ay maramdaman na hindi kami nag-iisa.
Salamat sa mga asawang tumatayong sandalan.
Kasi ang pinakamalakas na ina...
May lalaking tahimik na sumusuporta sa likod niya. ❤️
(Ccto)