17/12/2025
𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐮𝐫𝐞𝐚𝐮: 𝐔𝐒, 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧, 𝐚𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬, 𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐧 𝐋𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐢𝐧𝐚
Ngayong ika-17 ng Disyembre, dumalo ang National Security Bureau (NSB) at Ministry of National Defense (MND) sa Legislative Yuan upang mag-ulat hinggil sa banta mula sa China at sa kalagayan ng kahandaan ng Taiwan Armed Forces.
Ayon sa NSB, patuloy na tumataas ang banta ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) sa rehiyon ng Indo-Pacific. Bilang tugon, pinapalakas ng Estados Unidos at ng mga kaalyado nito ang kakayahan sa joint deterrence sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa militar. Pinagtibay din ng US, Japan, at Philippines ang kooperasyon, kabilang ang pag-deploy ng anti-ship missile network sa First Island Chain, upang mapahusay ang kontrol sa karagatan.
Batay sa ulat ng NSB, hanggang ika-15 ng Disyembre, lumampas na sa 3,570 ang bilang ng mga PLA aircraft na pumasok sa kalapit na himpapawid ng Taiwan, mas mataas kaysa sa 3,070 noong 2024 — isang bagong rekord. Naitala rin ang 39 joint combat readiness patrols ng PLA, na tinataya bilang pagsubok sa early warning at response capabilities ng Taiwan sa senaryo ng Taiwan Strait.
Binanggit din ng NSB na ngayong taon, unang beses na nagdaos ang China ng dual aircraft carrier operations sa Western Pacific, at nagkaroon ng insidente gaya ng water cannon attack ng Chinese Coast Guard sa Philippine government vessel at radar lock ng J-15 fighter jets sa Japanese F-15 aircraft. Dahil dito, pinalakas ng US at ng kanilang mga kaalyado ang pagtutulungan para sa depensa sa First Island Chain.
Ipinahayag ng NSB na sa pamamagitan ng joint exercises, nag-deploy ang US ng Typhon at NMESIS missile systems sa Japan at Philippines. Nagplano rin ang Japan ng HVGP glide missiles para sa island defense, habang ang Philippines ay naglagay ng BrahMos anti-ship missiles, na malaki ang naitutulong sa kontrol ng karagatan sa First Island Chain. Ayon kay NSB Director Tsai Ming-yen, binigyang-diin ng bagong US National Security Strategy na ang Indo-Pacific ay pangunahing kompetisyon global, at ang “denial defense” concept ay nakatutok sa First Island Chain, upang palakasin ang kakayahan ng allies at hadlangan ang expansion ng China.
Tungkol naman sa kahandaan ng Taiwan Armed Forces, sinabi ng MND na pinagsama-sama nila ang iba't ibang Intelligence, Surveillance and Reconnaissance (ISR) at Communications/Computers (C2) systems para magkaroon ng common operational picture at masubaybayan ang aktibidad ng PLA sa paligid ng Taiwan. Sa normal na panahon, ang hukbo ay naglalagay ng sea at air assets batay sa early warning indicators. Kapag nag-anunsyo ang China ng multi-dimensional military action sa Taiwan Strait, agad na binubuksan ang National Armed Forces Response Center, pinapalakas ang alert status at isinasagawa ang immediate readiness exercises.
Dagdag pa ng MND, kung biglaang umatake ang kaaway, gagawa ang mga yunit ng operasyon kahit walang utos, sa ilalim ng decentralized command guidance. Ayon kay Defense Minister Ko Li-hung, layunin nila na maging pamilyar ang lahat ng yunit sa kanilang tungkulin sa ilalim ng decentralized command, para sa agarang response sa biglaang insidente.
Pinagtibay ng MND na ang pagtataguyod ng kapayapaan sa Taiwan Strait ay nakabatay sa asymmetric capabilities, defense resilience, reserve forces, at gray-zone response. Ipinapakita rin ng Taiwan ang kakayahang depensahan ang sarili sa pamamagitan ng Taiwan Shield program at countermeasures laban sa unmanned vehicles, bilang pagpapakita ng determinasyon sa self-defense.
Photo source: National Security Bureau