26/05/2025
Ang batang ito ay mas mataas ang edad kesa sa kaklaseng niyang babae, siya ay may matataas na marka, siya ang bida na atleta sa kanyang unibersidad, hanggang sa inakusahan siya ng kaklase niyang babae ng panggagahasa.
Siya ay gumugol ng 6 na taon sa bilangguan at 5 taon sa probasyon, nawala ang kanyang scholarship, nawalan siya ng pagkakataong makapagtapos, nawalan ng respeto sa kanya ang mga kaklase nya, ngunit ang mas masahol pa, nawala ang kanyang kinabukasan .
Ngayon, lumalabas na ang dalagang nag-akusa sa kanya ng panggagahasa ay umamin sa huli na walang katotohanan ang lahat. Ibig kong sabihin, hindi siya kailanman nang-aabuso sa kanya.
Ang batang ito ay inosente , siya ay nakulong ng 6 na taon para sa isang bagay na hindi niya ginawa, ang kanyang karera sa sports ay bumagsak, at kung gusto niyang maghanap ng trabaho, walang kumukuha sa isang taong may kriminal na rekord .
Nawala ang LAHAT ng pangarap ng batang ito.
Ano kaya ang nangyari sa babaeng nagsumbong sa kanya?
Talagang wala.. Hindi man lang nagmulta,at higit sa lahat hindi din naparusahan..
Sa tingin mo ba ito ay normal? Sa palagay mo ba ito ay patas?
Ang isang tao na maling nag-akusa ng panggagahasa sa iba ay dapat man lang maparusahan at managot din sa batas...
Ang isang tao na sumira sa buhay ng iba ay hindi maaaring hindi mapaparusahan.