12/17/2025
I beg to DISAGREE that teaching here in Jumerika is a SCAM!
A STORY depends on the STORYTELLER!
In my almost 6 solid years teaching here in the US (Middle and High School), I can say na mas maraming magagandang bagay ang nangyari sa personal and professional growth ko kaysa sa mga challenges na eventually ay naghubog sa akin:
1. Nakaalis ako sa sistema na akala ko noon ay magbibigay ng pag-asa sa akin, yun pala ang dudurog sa passion ko bilang isang g**o;
2. Nakakilala ako ng mga taong nagbigay sa akin ng ibang perspective sa buhay, na mas malawak ang mundo at maraming opportunities na nag-aantay sa iyo;
3. Mas natuto ako araw-araw at naimprove ko ang sarili, di tulad noon na wala, stagnant, at wala nang pag-asa na umasenso o maibigay man lang ang kailangan sa aking classroom;
4. Pagdating sa financial, hindi na ako namomroblema kung saan kukuha ng pang-araw-araw na gastusin para sa pamilya;
5. Naexperience ko ang mga bagay na saka ko lang naexperience pag mangutang sa mga bangko noon sa Pinas, tulad ng shopping, eat out, gala, pampaayos ng bahay, at marami pang iba;
6. At higit sa lahat, maipapatayo ko na ang bahay na malapit sa kalsada para sa aking mga magulang (matagal na pangarap ni mama at papa) Sa wakas, hindi na bubuhatin si Mama ng maraming tao pababa ng bundok pag may check-up siya. Hindi na mahihirapan si Papa na umakyat at bumaba ng bundok pag mamamalengke siya.
Thankful ako kay Lord, dahil sa pagsasakripisyo ko dito sa Jumerika, lahat ng mga pangarap ko para sa sarili at sa pamilya ay natutupad na. Mahirap, pero kinakaya! π₯ΊππͺπΌπ¨βπ«π©π»βπ«ππΌπΊπΈβ€οΈππΈπ§Ώπͺ¬