
09/17/2025
Mga bagay na kinagulat ng aking katawan nung una akong nagpunta dito sa JumerikaπͺπΌππΌπΊπΈπβ€οΈπ¨βπ«π©π»βπ«π€πΈπ§Ώ
1. Dumating ako nuon ng December so Winter na, grabe ang bitak ng mga labi ko. Needed ng chap stick or lip balm pala para di magbitak bitak ang soft na lips char! π
2. Super nakaka dry ng skin ang hangin dito. So dapat palaging may dalang lotion;
3. Ang dandruff grabe! Yung mga anti dandruff na shampoo sa pinas ay di epeyktib. So ang ginagamit ko ngayon ay Nizoral Shampoo, and so far epeyktib naman;
4. Nung sumakit ang ingrown ko, ay grabe, wala akong makitang mura at malapit na magaling maglinis ng kuku. So dapat, nagdala pala ako ng panlinis pagpumunta ng US;
5. Bibihira ang magaling na mag haircut dito sa US, sa Walmart na ata pinaka mura na nakita ko pero hindi ako satisfied sa gupit tulad ng pinas hehe. Wala rin akong nakikitang nagrerebond ng buhok dito sa amin, ewan ko lang sa ibang state;
6. Wag maglalakad sa labas ng walang proteksyon tuwing winter kasi nakaka nosebleed. Unang lingo ko nuon, naglalakad ako papunta school at hindi ko namamalayan na dumudugo na pala ilong ko akala ko dahil sa kaka English, dahil sa malamig na panahon pala π
7. Grabe, hindi ka pagpapawisan dito unless mag woworkout ka. Tsaka lang ako pinagpawisan nuon, nung nakita ko ang chat ng aking fren sabi niya "Kumusta kana fren?" hehe pinagpawisan ako kasi alam ko na ang kasunod na chat nun. Haha
8. Wag kang lalabas ng basa ang buhok tuwing winter, kung ayaw mong maging Elsa pagdating ng school. Charoot. Nakaksakit kasi ng ulo pag basa ang buhok at naglakad sa labas;
9. Akala ko, kikinis nuon ang aking mukha, nagka breakout ako kasi nanibago ako sa panahon at klima. Dapat palaging may moisturizer kang dala pampahid sa mukha;
10. Grabe, ambilis kung mag gain ng weight dito. Yung mga pagkain kasi ay ewan ko ba kung anong meron bakit ganun. Puro fastfood kasi lahat ng kinakain ko. Kaya ngaun, dun nalang tau sa mga gulay at rice of course!
γviralγ·fypγ·γviralγ·alγ·
γ