06/17/2025
Mahika ng Kandila
Maraming Kristiyano ang sindi ng sindi ng kandila, mula binyag hanggang sa bawa't kaarawan, at kapag may hinihiling sa simbahan o sumasama sa prusisyon, subali't hindi pinapansin o tinitignan man lang kung anong kulay ng usok ang lumalabas?!
Mabuti pa ang ibang kultura, lalo na ang ilang mga katutubo, na sa pagsunog ng kanilang mga bangkay, gumagamit ng suló!
Pero, sa mga Kristiyano, nakakita na ba kayo ng kandilang sinisindihan sa lamay o burol?! Wala! Puro pekeng ilaw na malamlam.
Sa Undas na lang o sa paggunita ng kaarawan, kamatayan, o anibersaryo, saka sila muling nagsisindi ng kandila.
Mabuti pa nga sa pagpili ng Papa sa Vatican, kahit drama lang, e kinikilala ang kaibahan ng kulay puti sa kulay itim na usok.
Sa totoo lang, may kaibahan ang sagot sa iyong panalangin o paggunita, depende sa kulay ng usok ng kandilang sinindihan — kung ito'y puti o itim.
Nandiyan magpapahiwatig ang mga pwersang hindi nakikita, kung may kabutihan ba o kasamaang bumabalot.
Kaya, dapat maging mapagmatyag.
Sana nga lang, sa burol ng bawa't mandarambong at pulpolitiko, at sa lamay ng mga halang ang bitukang sasakang sakang, o kaya'y sa mga retokada o pisat na blondina, may mag sindi rin ng kandila.
Sa tingin ninyo, ano kaya ang kulay ng usok na lalabas sa kanila?
For more information on this and much more, Subscribe Watch Like Comment Share and Click the Bell for notifications and updates of the channel on YT!
*K YT
YT
YT
Nickstradamus
Nickstradamus Ikalawang Pahina
Nick Nañgit - NCN Law
Nick Nañgit
😯🕯️🔥