Everyday Fun Learning

Everyday Fun Learning Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Everyday Fun Learning, Digital creator, California City, CA.

🌈✨ Let’s Learn Together, Little by Little!
📚 Fun facts, cool lessons, and amazing stories from all subjects!
🎶✏️ Every day is a new adventure in learning!
💡 Follow and grow your brain the fun way! 🧠💖

10/05/2025
10/03/2025
10/03/2025

🛑 Self-Inking Stamp – Free Layout Design! 🛑
https://s.shopee.ph/8V01eYwWTX

💌 Customize your stamp for FREE!
🖋️ Durable | Clear Print | Long-lasting Ink
🎁 Perfect for offices, teachers, business, and personal use!

💡 FREE layout design – just send your details after ordering!
🚚 Fast delivery | 💯 Quality guaranteed

📦 Order now and get your personalized stamp hassle-free!

10/03/2025
9 PARTS OF SPEECH
10/03/2025

9 PARTS OF SPEECH

Mary Jane Aves Ely ‼️CONTINUATIONParang nagslow mo bigla sa paningin ko yung mga ngiti niya.Habang papunta na ako ng kus...
10/02/2025

Mary Jane Aves Ely ‼️CONTINUATION

Parang nagslow mo bigla sa paningin ko yung mga ngiti niya.

Habang papunta na ako ng kusina bigla kong naalalang may kukunin pa pala akong baso sa kwarto. Kaya sinundan ko ang anak ko.

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto kung saan ang anak ko, biglang may yumanig.

Una, akala ko may dumaan lang na malaking truck sa labas. Maya-maya, lumakas ang pag-uga. Gumalaw ang mga dingding. Yung baso na kukunin ko sana ay biglang nahulog, pumutok ang ilaw at biglang dumilim.

“MAAAA!!”

Narinig ko ang sigaw ni Eli, ang anak ko sumigaw sa takot. Tumakbo ako papunta sa kanya at agad ko siyang niyakap, buti na lang sinundan ko siya sa kwarto.

Tinakpan ko ang katawan niya habang nakikita kong unti-unting gumuguho ang kisame. Ang lakas ng lindol.

“Panginoon…” bulong ko, nanginginig, “iligtas Mo ang anak ko… kahit ako na lang…”

Bumigay ang sahig sa ilalim namin. Bumagsak kami sa ikalawang palapag, kasama ng mga bato, kahoy, at basag na salamin. Masakit. Nakakabingi ang mga sigawan. Makapal ang alikabok. Naramdaman ko pa rin ang katawan ni Eli sa ilalim ng mga braso ko.

“Huwag kang umiyak, anak… andito si Mama…”

Bulong ko sa anak ko. Hindi ko na maigalaw ang kaliwang paa ko. May bumagsak yata sa akin. Ang hirap huminga. Madilim. Mainit. Mabigat. Bawat segundo parang isang taon sa sobrang bagal.

Lumipas ang minuto. Walang sumisigaw. Walang tumutulong. Kinapa ko ang anak ko. Kinabahan ako nung wala akong marinig na kung ano. Hanggang sa…

“Mama, gising ka lang po ha… gising ka lang…”

Sobrang tuwa ng puso ko noong narinig ko ang boses ng anak ko. Parang wala akong maramdamang sakit sa kalahating katawan ko nung marinig kong nagsalita ang anak ko.

“Shhh… andito lang ako…”

Sa isip ko, alam kong hindi ko alam kung makakalabas pa kami. Pero kahit anong mangyari, ang importante sa akin, makalabas siya. Siya ang buhay ko.

“Panginoon…” pabulong kong dasal, “Kung may isa Kang ililigtas, siya na lang. Anak ko na lang please…”

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming naipit. Pero sa gitna ng katahimikan, may narinig akong kaluskos. Mga sigaw. May liwanag.

“May tao dito!”

Doon ko binuhos ang huling lakas ko. Nanghihina na ako, pero naramdaman ko na lang na inangat nila si Eli. Umiiyak siya, pero ligtas. Buo at buhay. May konting sugat pero ang importante ligtas.

Sinubukan pa nilang ilabas ako. Halos wala na akong malay. Sabi ng nag-assist sa akin, sa pwesto namin swerte raw na hindi tinamaan ang likod ko. Parang may humarang. Parang may pumigil para hindi matamaan ang spinal cord ko.

Nang makalabas ako at makausap ang isa sa mga sumagip sa amin, sinabi niya,

“Ma’am, parang himala, ‘yung buong paligid niyo gumuho. Hindi maganda ang pwesto niyo, pero sa mismong parte kung nasaan kayo, parang may humarang para hindi kayo tuluyang matabunan”.

Doon ako napaiyak.

Hindi ko na kailangan ng paliwanag.

Alam ko kung sino ang nagligtas sa amin.

Ngayon, may pilat pa rin ang binti ko. May trauma pa rin si Eli sa lindol. Hindi pa rin ako makapaniwalang ligtas ako. Bawat yakap ng anak ko sa akin ay paalala na may Diyos na nakikinig. At sa gitna ng lahat ng pagyanig, Siya ang naging kanlungan ko. Hindi ako iniligtas dahil malakas ako. Iniligtas Niya ako dahil mahal Niya ako.

Jessa
20**

NIYAKAP KAMI NG LANGIT

Pagkatapos namin gumawa ng assignments ng anak ko, sabi ko mauna na siya sa kwarto habang may inaayos pa ako. Anim na taong gulang pa lang siya, makulit, malambing, at sobrang likot. Pero kahit gano’n siya, siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa buhay, siya na lang ang meron ako.

“Anak, pakibukas na rin ang aircon sa kwarto ha.”
“Opo, Mama!” sagot niya habang tumatakbo-takbo pa sa sala, papasok ng kwarto.

Ngumiti ako. Sa kabila ng pagod at hirap sa trabaho, sa tuwing tinitingnan ko siya, parang gumagaan lahat. Parang nagslow mo bigla…

[Read the full confession in the comment section below… 👇🏻 ]

10/02/2025

9 PARTS OF SPEECH
9 na BAHAGI NG PANANALITA

🧩 1. Noun – Pangngalan

👉 Words that name a person, place, thing, or idea.
📘 Halimbawa: teacher (g**o), school (paaralan), love (pag-ibig)



🗣️ 2. Pronoun – Panghalip

👉 Words used in place of a noun.
📘 Halimbawa: he (siya), they (sila), this (ito)



💬 3. Verb – Pandiwa

👉 Words that show action or state of being.
📘 Halimbawa: run (tumakbo), eat (kumain), is (ay)



🎨 4. Adjective – Pang-uri

👉 Words that describe nouns or pronouns.
📘 Halimbawa: beautiful (maganda), tall (matangkad), kind (mabait)



⚡ 5. Adverb – Pang-abay

👉 Words that describe a verb, adjective, or another adverb.
📘 Halimbawa: quickly (mabilis), very (lubos), yesterday (kahapon)



🧭 6. Preposition – Pang-ukol

👉 Words that show relationship between a noun/pronoun and other words in the sentence.
📘 Halimbawa: in (sa), on (sa ibabaw ng), under (sa ilalim ng)



🔗 7. Conjunction – Pangatnig

👉 Words that connect words, phrases, or clauses.
📘 Halimbawa: and (at), but (ngunit), because (dahil)



💭 8. Interjection – Pangdamdam

👉 Words that show strong emotion or sudden feeling.
📘 Halimbawa: Wow! (Aba!), Ouch! (Aray!), Oh! (Ay!)



🧍‍♀️ 9. Article – Pantukoy

👉 Words used to introduce a noun.
📘 Halimbawa: a, an, the (ang, si, ni)

Tandaan: EVERYDAY FUN LEARNING is always here for you! Aral ng mabuti 🫶🏽

12/19/2023

Reminder:

Be STRONG!

Our FAITH can lead others to God 🥰

11/28/2023

Address

California City, CA

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Everyday Fun Learning posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share