11/05/2025
Bawal ang korapsi
IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS SA CEBU
Hinikayat ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro si Cebu Gov. Pam Baricuatro na ibahagi kung may nalalaman siyang impormasyon tungkol sa flood control projects sa kaniyang probinsya.
Kasunod ito ng pahayag ng gobernadora na binabaha sila kahit mahigit P26 bilyon ang pondong inilaan para sa flood control sa Cebu.
"'Yan po ang dahilan kung bakit po nagpapaimbestiga ang Pres. Marcos Jr.," sabi ni Castro.
"Pagtulung-tulungan po nating mahanap ang dapat na mapanagot sa mga maanomalyang flood control projects."