Feng shui chicago center

Feng shui chicago center feng shui consultation, space clearing and school for professional practitioner and entry level!

12/31/2022
12/21/2022

Para po sa mga bagong followers ng Pinoy Majica, at para na rin po sa mga darating pa, hayaan nyo pong magpakilala po muli ako sa inyo upang higit ninyong maunawaan kung ano ang kawawaan ng Page na ito.

Ang Pinoy Majica ay nagtuturo po ng mga kaalamang esetoriko kung saan nakapaloob ang mga karunungang Wiccan (paggawa ng mga spells at rituals), esoteric knowledge (law of attraction, spirituality, paranormal and spirit world), at pati ng mga simpleng gabay sa buhay para maging maayos ang pagtahak natin sa mundong ito. Sa Pinoy Majica, WALA PONG PILITAN NA NANGYAYARI RITO. Nasa inyo po iyan kung gagawin or ia-apply ninyo sa mga buhay ninyo ang mga aral na mababasa ninyo rito. WALA RIN PONG BENTAHAN NA NAGAGANAP RITO gaya ng mga nirituwalang dahon ng laurel or kandila. Tayo ay nagbabahagian ng kaalaman rito ng libre. NASA INYO NA PO IYAN KUNG ISUSUBO NINYO AT KAKAININ, O ISUSUKA NINYO.

WELCOME NA WELCOME po ang lahat sa Pinoy Majica. Sa mga naniniwala, SO MOTE IT BE! Pero sa mga hindi naman po, huwag po nating kutyain, pagtawanan, or tawaging scam o budol ang mga aral na matutunghayan ninyo sa page na ito. Ang mga ritual at aral na mababasa po ninyo rito ay nakapaloob sa matandang katuruan na wala pa tayo, andyan na. Tanging mga mulat lamang ang isip sa mundo ng espirituwal ang makakabatid nito. Ang wiccan ay hindi para sa lahat. Kung paanong hindi naman lahat ay biniyayaan ng pare-parehong talento gaya ng pagsusulat, pagkanta, o pag-arte. Ang wiccan ay isang TALENTO AT PARAAN NG PAMUMUHAY NG ILAN. KAYA SA MGA HINDI NANINIWALA AT ANG TANGING GUMAGANA LAMANG SA UTAK NILA AY IYONG LEFT HEMISPHERE NITO, WALA PO KAYONG KARAPATAN NA HUSGAHAN KAMING MGA WICCAN. Dahil ito ang paniniwala namin. At hindi na namin kasalanan kung hindi ito abot ng sentido kumon ninyo. Dahil gaya nga ng sabi ko, HINDI LAHAT NG TAO AY PARA SA GANITONG LARANGAN.

Para rin po sa kaalaman ninyo, lalo na sa mga basher, hindi pa po uso ang page, may PINOY MAJICA na po. Nagstart po ang Pinoy Majica noon pang 2008-2009. Ang gamit ko pa noon ay website at blog.

Ako po ay hindi magtuturo ng mga bagay na hindi ko alam. Ako po ay nag-apprentice sa mga kilala kong psychic, healer at fortune/tarot reader. Kaya lahat po ng ibinabahagi ko rito ay alam ko.

Gusto ko lang rin po sanang ipaunawa sa inyo mga ka-Majica na, Ang mga pampasuwerte tips at iba pang aral na ibinabahagi natin sa Pinoy Majica ay pawang mga gabay lamang. Nasa inyo pa rin kung susundin ninyo ito at ia-apply ng maayos sa inyong mga buhay. Lagi rin tatandaan na ang mga pampasuwerte na inyong nababasa sa Pinoy Majica ay bahagi lamang ng mga bagay na dapat mong gawin kung nais mong may mabago sa iyong buhay. Hindi dapat mawawala ang POSITIBONG KAISIPAN, MALINIS NA HANGARIN AT INTENSIYON, MABUTING KALOOBAN, PANANALIG SA MAYKAPAL, at higit sa lahat, PAGGAWA AT PAGSUSUMIKAP. Lagi ninyong tatandaan, NASA DIYOS ANG AWA PERO NASA ATIN ANG GAWA. Hindi mo maaaring iasa lang lahat sa mga pampasuwerte ang iyong buhay. Ang mga pampasuwerte tip ay makatutulong upang malinang ang iyong PAG-ASA AT POSITIBONG PANANAW, DAMDAMIN, AT KAISIPAN na sa gitna ng mga pagsubok at iyong paghihirap, may magandang mangyayari sa iyong buhay. Magsisilbi itong fuel upang magsumikap ka pa sa buhay. Hanapin mo rin ang iyong SUWERTE. Dahil ang suwerte ang bunga ng POSITIBONG KAISIPAN, PANANAMPALATAYA, MABUTING GAWA, AT PAGSUSUMIKAP. Isa pa, hindi rin gagana ang mga pampasuwerte kung ikaw ay puno ng NEGATIBO sa iyong kaisipan at katawan. Ang mga negative energy na ito ay nagsisilbing BLOCKAGE upang hindi malayang makadaloy ang positive energy patungo sa iyo. Sa lohikal na paliwanag, kung negatibo ka mag-isip, maaapektuhan nito ang iyong determinasyon at pag-asa upang kumilos ka at magsumikap. Kaya importante na bago ang lahat, MAGLINIS KA MUNA NG IYONG SARILI. Alisin ang lahat ng NEGATIBO SA IYONG ISIP AT BUHAY. Sabi nga sa Bible, maglinis muna tayo ng ating mga sarili bago tayo humarap sa Diyos upang marinig niya ang ating mga panalangin.

Malaya po ninyong galugarin ang page na ito. Marami po kayong mababasa rito na patotoo sa mga aral na naibahagi at ibinabahagi natin mula sa mga ka-Majica na sumubok. Kaya hindi kami BULAAN.

Kaya mga ka-Majica, ikarangal mo kung isa kang Wiccan. Dahil iyan ay regalo ng Diyos. Hindi lahat ng tao ay inclined sa spiritual world. Oo hahamakin ka ng mga mangmang, pero tandaan, ang mabisang panlaban sa kanila ay ang ating mga GAWA.

Blessed be, mga ka-Majica!

12/21/2022
12/20/2022
12/20/2022

Address

Chicago, IL

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Feng shui chicago center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Feng shui chicago center:

Share