12/04/2025
“Dati, laro lang… hanggang naging toxic. Kwento ng isang ex-tryhard.”
2019, nasa 7.4k MMR na ko.
Malapit na, pero parang ang layo pa rin.
Parang kaka-10k lang ata ni Abed nun.
Bigla akong tinamaan ng lungkot. Nawalan ng gana.
Simula 2007 nagdo-Dota na ko… pero bakit nga ba talaga?
Minsan, parang nakalimutan ko na kung bakit ako naglaro.
Di naman para maging pro.
Hindi rin para sa milyon.
Kundi para sa tropa.
Yung dayo, pustahan, trashtalk, stapahan,
yung pakiramdam na may community ka.
Na belong ka kahit saan ka man mapunta.
Pero habang tumataas ang MMR ko,
pa-toxic na rin nang pa-toxic yung Dota… pati ako naging toxic.
Laging tryhard. Gusto manalo. Gusto may mapatunayan.
Pero kapalit nun, nawala yung saya.
Paglipat ko sa California, parang unti-unting nawala lahat 'yun.
Dito, iba na ang trip ng mga tao, Valorant, LoL.
Lahat busy. Walang oras. Walang kulitan.
Ngayon, 2025.
Ang dami nang mas magaling.
Parang nangangalawang na ko.
Pero di na ko nakikipagsabayan.
Gusto ko na lang maglaro para tumawa ulit.
Para makipag-bonding.
Kasi 'yun talaga ang dahilan kung ba’t ako nagtagal sa Dota…
at kung ba’t ako naging gamer in the first place.
Tianpogii — ex-tryhard. Still playing, this time for joy.
CTTO, Hiniram ko lang ‘tong meme