04/30/2026
Hindi dapat napuputol ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno dahil lang sa hindi nabayarang cloud server.
Kung totoo na 12 government digital systems ang na-disable dahil sa kakulangan sa pondo, hindi ito simpleng technical issue—ito ay usapin ng planning, prioritization, at accountability.
Sa panahon ngayon, ang digital infrastructure ay hindi na luho. Ito ay pangunahing serbisyo, kasinghalaga ng kuryente, tubig, at internet. Kapag bumagsak ang mga sistemang ito, apektado ang milyun-milyong Pilipino na umaasa sa mabilis at maayos na serbisyo mula sa gobyerno.
Kailangang tiyakin ng pamahalaan na ang mga kritikal na digital services ay may sapat, tuloy-tuloy, at maayos na pondong nakalaan. Hindi dapat naaantala ang serbisyo publiko dahil sa mga pagkukulang na maaari namang mapaghandaan.
Ang digital transformation ay hindi lang tungkol sa paglikha ng mga online system—ito ay tungkol sa pagpapanatili ng mga ito para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Again this government sucks!
WALANG PAMBAYAD NG CLOUD SERVER?
DICT Usec. David Almirol Jr. admitted before the Senate that multiple government digital systems were taken offline due to lack of funding, highlighting vulnerabilities in the country’s eGov infrastructure.
Sen. Bam Aquino pressed the issue, calling it “insane” that essential digital services could be halted over unpaid cloud server costs. | Jason M.