KaChibog

KaChibog Simple life, food, cooking & mukbang. Eating mostly with bare hands. ALL PHOTOS & VIDEOS ARE MINE

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡ΊπŸ‡Έ

08/11/2025

Habang tumatanda ka na, isa na sa nakakapagpasaya sa'yo ang magtanim at namnamin ang iyong mga naani. Lalo na kapag na-miss mo yung mga gulay na hindi mo mahanap o mabili sa grocery stores ng ibang bansa.

07/05/2025

St. Louis Style Spareribs, Smoked BBQ Baked Beans, Macaroni Salad and Potato Salad for JULY 4TH (Independence Day)!πŸ‡ΊπŸ‡²πŸ‡΅πŸ‡­πŸŽ‰πŸ§¨πŸŽ†πŸŽ‡

01/27/2025

Crispy Pork Belly (Lechon Kawali) and SautΓ©ed Chayote and Carrots with Chicken MUKBANG

01/05/2025

8Β°C dito ngayon at umuulan pa kaya napakasarap humigop ng mainit na sabaw ng Sinigang. Kain po tayo, mga Kachibog!πŸ™‚

01/02/2025

New Year's Feast for 3.πŸ˜…

Cold days and cozy evenings.πŸ‡ΊπŸ‡²
12/04/2024

Cold days and cozy evenings.πŸ‡ΊπŸ‡²

07/10/2024

Bicol Style Dinuguan - Isa sa mga paborito koπŸ™‚. Anong gusto nyong pagkaluto nito? Kortado o smooth & creamy? Kain na po tayo.πŸ™‚

07/04/2024

Pritong Talong, Tokwa at Tinapa (Fried Eggplant, Fried Tofu and Smoked Fish) - Minsan masarap din yung walang seasoning ang pagkain basta may masarap na sawsawan.🀀

06/27/2024

Laing at Pritong Bangus (Taro Leaves in Coconut Milk and Fried Milkfish) - Namiss ko kumain nito, sobra.🀀 Anong gusto ninyong pagkaluto ng Laing? Yung dry na nagmamantika o yung saucy na marami pang gatΓ’? Ako, yung sakto lang. Nagmamantika na may gatΓ’ pang makikita. Kain na po tayo.πŸ™‚

06/18/2024

Goldilocks Siomai, Homemade Lumpia and Gulaman Drink - Ito yung pangtawid gutom ko noon nung nagtatrabaho pa ako sa Manila pag petsa de peligro na. P35 lang noon ang 4 pieces siomai with Gulaman Drink na. Yung mga nagbebenta sa mga bangketa lang. Ano naman ang sa inyo?πŸ˜…

06/16/2024

Lechon Kawali (Crispy Pork Belly) and Ginisang Munggo (SauteΓ©d Mung Beans) - Maulan maghapon kaya napaluto nito. Ano ang madalas ninyong niluluto kapag tag-ulan? Kain na po tayo.πŸ™‚

06/06/2024

Filipino Street Food (Kikiam, Fish Balls, Hotdogs & Gulaman Drink) - Nakakamiss din yung magtusok-tusok at kumain nito sa tabing kalsada. Yung homemade fishball dati ay P.50 lang, P1 naman pag kikiam.πŸ˜… Magkano na kaya per piece nito ngayon sa 'pinas?

Address

Florida City, FL

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KaChibog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share