09/25/2025
Ung nakibasa lang ako uminit pa ulo ko πππ
βINLAWS KO NA MAKIKITULOG LANG DAW NG ILANG ARAW SA BAHAY PERO SILA PA ANGβ¦β
Magkkwento lang ako ng kaunti dito, ganito po kasi yun itong asawa ko na nasa abroad wala man lang pasabi, bigla na lang isang gabi, may kumatok sa pinto, pagbukas ko, ayun na buong inlaws ko, bitbit lahat ng bag, gamit, parang naglipat bahay. Sabi daw makikitira lang saglit sa bahay kasi nirerenovate daw yung bahay nila. Ako naman, napa oo na lang biglaan lahat eh.
Pero ayun pala, hindi totoo. Wala na silang bahay. Ito pa, alam yun ng asawa ko pero never akong sinabihan. So ayun, tumira sila ng buong pamilya dito, parang ako pa yung bisita sa bahay na nirerentahan ko na ako ang nagbabayad. As in sila pa yung nagdidikta kung anong uulamin at lulutuin ko, anong oras kami kakain at matutulog.
Hindi rin pwedeng ako ang mauna sa ligo, pagkain, o kahit sa pagtulog. Parang ako yung nakikitira na bahay. Everyday, sobrang nakakastress. Yung tipong gusto ko lang magrelax o kumain ng noodles sa dis oras ng gabi, pero bawal daw kasi βmay oras ng pagkain.β Excuse me, bahay ko βto diba. Pero parang ako pa yung nasisisi pag di ako sumunod. Kaya sabi ko sa sarili ko enough na.
Hindi ako nagdrama, hindi ako nakipagtalakan. Tahimik lang ako nag empake, tapos umalis. Walang nakanotice sa kanila na ilang araw na akong hindi umuuwi. Literal, invisible ako sa bahay. Kaya nung dumating yung landlord para maningil ng upa, sila ang nadatnan. Ang ending, sila ang siningil, tinawagan ako ng asawa ko na bibigyan daw niya ako ng pera bayaran ko daw yung landlord at balik bahay ako.
Di daw nya ako susustentuhan kapag umalis ako ng tuluyan, pinapili ko sya pamilya nya o ako walang sagot alam ko naman kung sino pipiliin. Di ako umuwi, may maliit na bed space don ako nakatira ngayon pero di ko alam anong mangyayari samin mag asawa. Pamilya parin kasi hanggang ngayon ang priority niya hindi ako.