07/16/2026
Marami akong nababasa at napapanood na nagrereklamo na tumaas ang bills nila sa kuryente. Marami rin ang nagsasabi na pareho lang naman daw ang konsumo nila at wala naman silang nadagdag na appliances, kaya nagtataka sila kung bakit mas mataas ang e-bill nila.
Simple lang ang explanation ko rito. Malaking factor ang panahon o season.
Halimbawa, kapag tag-ulan o mas malamig ang panahon (karaniwan mula August hanggang March or May sa Pilipinas), hindi natin masyadong napapansin pero kadalasan mas kaunti ang paggamit natin ng kuryente. Hindi gaanong ginagamit ang electric fan o air conditioner dahil malamig na ang panahon.
Pero pagdating ng summer, doon kadalasang tumataas ang electric bill. Kahit pakiramdam natin pareho lang ang konsumo, mas madalas at mas matagal nating ginagamit ang electric fan, air conditioner, refrigerator, at iba pang appliances dahil sa matinding init.
Bukod pa rito, kapag summer, mas maraming consumers ang gumagamit ng kuryente nang sabay-sabay. Dahil tumataas ang demand sa electricity, mas mahal din ang cost ng pag-produce o pagkuha ng kuryente, at maaari itong makaapekto sa generation charge na bahagi ng inyong electric bill.
Hindi ibig sabihin nito na laging may panloloko ang electric company. Mas magandang tingnan ninyo ang mga e-bills ninyo sa loob ng isang taon at ikumpara ang bawat buwan. Mapapansin ninyo kung aling mga buwan ang karaniwang mas mataas ang bill at kung kailan ito bumababa.
Kapag naiintindihan natin kung paano naaapektuhan ng season at demand ang ating electric bill, mas madali nating maunawaan kung bakit nagbabago ang halaga nito, kaysa agad isipin na may mali o magreklamo nang hindi muna tinitingnan ang buong sitwasyon.