08/20/2026
Dear MomSheiwerte Vlog,
Ang AUNTIE na NAKALIMUTAN
Nang mamatay ang kapatid ko, naiwan sa akin ang kanyang mga ANAK.
Wala akong ibang naisip kundi ang mga pamangkin ko.
“Dito na kayo sa bahay ko. Huwag kayong mag-alala. Mag-aaral kayo at aalagaan ko kayo.”
Simula noon, itinuring ko silang parang sarili kong mga anak.
Ako ang nagbayad ng kanilang mga gastusin sa paaralan. Ako ang nagbibigay ng allowance nila. Ako ang nagpapadala ng pambili ng pagkain at meryenda. Ako rin ang bumibili ng kanilang mga damit.
Maging ang internet at kuryente sa bahay, ako ang sumasagot.
Maraming gabi na pinipilit kong pagkasyahin ang maliit kong kinikita para lamang walang magkulang sa kanila.
Kapag may gusto silang bilhin para sa school, sinusubukan kong ibigay.
Kapag may sakit sila, ako ang nag-aalaga.
Kapag may problema sila, ako ang unang nandiyan.
Hindi ko kailanman naisip na kailangan nila akong bayaran.
Ang gusto ko lang ay maging maayos ang buhay nila. Yung iba NANGAKO nun na di ako TATALIKURAN at sila naman daw ang BAHALA sa akin pag TUMANDA na AKO.
Lumipas ang mga taon.
Nagkaroon na sila ng kanya kanyang buhay, Yung iba yumaman at yung iba sapat lang.
At ako?
Habang sila ay umaangat, unti-unti naman akong bumagsak.
Nawala ang kabuhayan ko. Dumating ang panahon na ako naman ang nangangailangan ng tulong.
Isang araw, naisip kong tawagan ang mga pamangkin ko.
“Mga ANAK”… baka puwedeng humingi muna ako ng kaunting tulong. Kailangan ko lang talaga ngayon.”
Tahimik sa kabilang linya.
May mga dahilan.
Hanggang sa dumating ang araw na hindi na nila ako PINAPANSIN.
Nakikita ko sila sa social media—naghahanda sa bawat OKASIYON kasama mga taong kailanman ay HINDI NAKATULONG sa kanila nung MAHIRAP pa SILA. Nasa bakasyon at masasayang buhay.
At ako, mag-isa sa bahay na minsang naging tahanan nila.
Napaisip ako.
“Noong walang-wala sila, ako ang naging sandalan nila. Ngayong mayroon na sila, bakit parang hindi na nila ako kilala?”
Hindi ko pinagsisihan ang pagpapalaki sa kanila.
Hindi ko rin pinagsisihan ang lahat ng isinakripisyo ko.
Ang masakit lang ay hindi nila naalala kung sino ang nandiyan noong panahong wala silang MAKAPITAN at MALAPITAN.
Isang gabi, habang nakaupo ako sa harap ng bahay, tumingin ako sa langit at nagsabi:
“Hindi ko kayo pinalaki para suklian ninyo ang lahat ng ginawa ko.
Pinalaki ko kayo dahil mahal ko kayo.”
Huminga ako nang malalim.
“Pero sana, kahit minsan, naalala ninyo ang tiyahin na tumayo bilang magulang ninyo noong wala na ang magulang ninyo.”
At sa huli, natutunan kong hindi lahat ng taong minahal at tinulungan natin ay mananatili sa tabi natin kapag tayo naman ang nangangailangan.
Minsan, ang pinakamalaking sakit ay hindi ang pagkawala ng pera.
Ang pinakamalaking sakit ay ang makalimutan ng mga taong minsang ipinaglaban mo at inaruga.
Pero sa kabila ng lahat, pinili kong magpatawad.
Dahil kahit tinalikuran nila ako…
hindi ko hahayaang ang ginawa nila ang magbago sa taong naging ako para sa kanila…
SA MGA MAKAKABASA NETO, Ano po masasabi niyo sa kuwento ng ating CHAT SENDER? Mag iwan po ng commento at payo.