03/05/2025
10 years of FRIENDSHIP issue.
Madame din naman ako naging Friends sa eskwelahan nung nag aaral pa ako at noong nagtatrabaho na ako, but they come and go. Mapili ako sa friends. Mas gugustuhin ko pa yung prangka na FRIEND kaysa sa plastik. Yung friend na kayang sabihin sayo yung totoo kahit alam nyang masasaktan ka lalo na kapag mali na yung nagagawa mo. Yung hindi etotolerate yung kag*g*han mo. Pero at the end of the day laging andyan pa rin para sayo. May isa lang na BESTFRIEND ko talaga na simula pa noong highschool hanggang ngayon ay BESTFRIEND (Elene) ko pa din. Mula noong 2007 hanggang ngayon 2025. So this 2025 magiging 18 years na friendahip namin. May mga tampuhan at samaan ng loob din naman kmi. Yung last umabot pa ng ilang taon bago kmi ngka communication ulit noong ngka anak na ako. Pero hanggang ngayon same pa din kami. Tinatawanan na lang namin yung mga nangyari. Wala naman nadadaan sa maayos na usapan. Kapag mahal mo ang kaibigan mo pagsabihan mo. Mas maigi na kung may tampuhan man manahimik muna. Give space or have some space para maging kalmado ang isip at damdamin.
“Every person is different but it is your choice or decision who you will be and who you want to be around you.”
❤️ Always choose PEACE of MIND