
05/12/2025
Nasaan na ang bagong Pilipinas?
Nasaan na ang pangako nila?
Bakit may nagugutom pa rin?
Bakit may naghihirap pa rin?
Hanggang salita nalang ba?
Tama na, hindi na ito TAMA.
May karapatan ka piliin ang maayos na lider at may prinsipyo para sa bayan. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit ang pangako nilang bagong Pilipinas ay nauna ng nagpaalam.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ninyo sinayang ang karapatan para sa ating kinabukasan. Nagbulag-bulagan kayo para sa pera, para sa mga salita nila na hanggang salita nalang. Cash assistance na limitado lang ang nakatatanggap, libreng gamot na kailangan mo pang pumila ng matagal para lang mabigyan, pampublikong ospital na pili lang ang natatanggap.
Ang sigaw ng mga taong walang boses ay hindi "tulong" kundi "pagbabago" gusto nila ng lider na may prinsipyo, hindi bumibili ng boto. Lider na hindi madaya, hindi magnanakaw, hindi kumikitil ng buhay, at marunong sa larangan ng politika. Lider na hindi lang maasahan kundi iniisip din ang bawat mamamayan, may plano hindi lang para sarili kundi para sa lahat at sa ating bansa.
Ang totoong lider may puso, marunong makinig, marunong makiramdam, at handang magsakripisyo para sa bayan. Hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa gawa.
Wag na sana natin paabutin sa puntong
mas marami ang magutom, maghirap, mawalan ng boses, dahil sa kapabayaan ng mga nakaupo sa gobyerno.
Mga taong naninirahan sa lansangan na dapat ay mayroong mas maayos na tirahan.
Hindi namamalimos ng pera para sa kanilang hapunan dahil ito naman ay galing sa kaban ng bayan. Galaw ng trapiko na mas mabilis at hindi na kailangan ma huli at mawalan ng trabaho ang ating mga empleyado. Transportasyon na hindi na kailangan makipag-laban ng ating mga tsuper para lang sa kanilang pamilya at pinagkakakitaan. Sasakyan na hindi lang kayang bigyan ng trabaho ang bawat Pilipino kundi hindi rin pabigat sa ating Inang kalikasan.
Matuldukan na sana ang iyong pagkakamali sa pagpili ng lider.
Ngayon, sana mas maayos na, mas matalino, at may prinsipyo na Pagboto. Hindi lang para sa sarili, sa pamilya, edukasyon, kundi sa bawat Pilipino.
Pilipinas, hindi pa huli ang lahat.
Pilipinas, ikaw naman.