Life you should just enjoy

Life you should just enjoy Please Like ,Follow And Share. "Be Creative"
(And Please Post Your Beautiful Story About Poetry)
-CreatorCapzkie

07/07/2023

Get the amazing combat experience in this immersive sci-fi RPG. Amidst the chaos, a glimmer of hope emerges, igniting an epic saga. Embrace the unknown, for an extraordinary journey awaits you.

07/08/2022

2nd Friday , July 8 2022
"Be proud of what you've done and make sure you doing great"

03/18/2022

"No matter what happen
You are not alone with the Lord wherever you go"

"Spoken Poetry"Pagod na Ako ๐Ÿ’š-Ayaw ko na , Pagod na ako sayo sobra ,Pwede bang matulog? Yung tulog na pang habang buhay ...
01/03/2019

"Spoken Poetry"
Pagod na Ako ๐Ÿ’š
-
Ayaw ko na ,
Pagod na ako sayo sobra ,
Pwede bang matulog? Yung tulog na pang habang buhay na ,
Yung tulog na wala ng gisingan kasi pagod na pagod na ako sayo talaga .
-
Pagod na akong masaktan mo ,
Pagod na akong maiwan mo ,
Pagod na akong baliwalain mo ,
Pagod na akong umiyak sayo .
-
Pagod na ako sa lahat ,
Pagod na ako sayong pagpapanggap ,
Kailan kaya darating ang araw na mararanasan ko rin maging mahalaga ,
Gusto kong maranasan na maging masaya .
-
Yung p**iramdam na kahit may problema ,
Nanjan siya para sabihin sakin na wag ka mag-alala ako na bahala ,
Yung hindi ako magagalit sa kanya kasi pinahahalagahan niya ako ,
Yan lang naman ang hiling ko sayo kasi akala ko malalaman mo .
-
Gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nagawa ,
At maramdaman ang kalayaan na kasama siya ,
Ano bang p**iramdam na maging malaya ,
Sa buhay ko na sayo napunta imbis sa kanya .
-
Gusto ko ng wakasan ang storya kong ito sayo ,
Pagod na akong marinig mga sirmon mo ,
Pagod na akong magpahalaga sayo ,
Wala na akong ginawang matino para sa sayo .
-
Pagod na akong masabihan ng walang kwenta ,
Pagod na ako sayong pagtatrato sakin na hindi mahalaga ,
Sabagay kailan mo kaya nakita ang aking mga ginagawa ,
Kailan mo kaya nakita ang aking mga nagagawa .
-
Yung mga tamang ginagawa ko ,
Yung mga tamang nangyayari sating mundo ,
Yung mga bagay-bagay di mo pinahahalagahan ,
Dahil ayaw mo lang siguro ako sumaya ng lubusan .
-
Wala ng espasyo sayong tabi ,
Wala na akong halaga sayong pagkukubli ,
Sayong pagmamahal na hindi ko maramdaman ,
Yung kahit katabi kita hindi ko maranasan .
-
O baka nasa iba na ,
Nasa ibang tao na minamahal mo na ,
Alam mo nawawalan na ako ng kwenta sayo ,
Nawawala na dahil ayaw mo magsumbong ako .
-
Ayaw mong isumbong kita ,
Kay papa at mama ,
Na ginagawa mo lahat sakin ito ,
Na parang wala na akong kahalagahan sa mundo at sayo .
-
Minsan naiisip mo nalang ,
Na mamatay nalang para hindi na mahirapan ,
Para hindi na rin maranasan ang sobra-sobrang pagkamuhi sayo ,
At pagkasuklam sa tulad mo .
-
Pagod na ako gusto ko ng magpahinga ,
Pagod na ako kasi di na ako makahinga ,
Pagod na ako kasi di mo naman nakikita ,
Ang aking pagpapahalaga at halaga .
-
Kaya gusto ko ng mamatay ,
Gusto ko ng kasiyahan na wala ka habang-buhay ,
Gusto ko ng kalayaan sa iba ,
At sumaya kesa sayo na wala naman akong kwenta.
-
Yung masaya at walang iisiping problema ,
Sa iba na mas liligaya ako ,
Sa iba na mas may kwenta ,
Ako sa buhay na gustong-gusto ko .
-
[Admin]๐Ÿ’˜

"Spoken Poetry"Hate but Love ๐Ÿ’˜-Dalawang salita ,Pero magkaiba ,Magkaibang katangian ,At iisa lang ang kasiguraduhan .-Na...
01/02/2019

"Spoken Poetry"
Hate but Love ๐Ÿ’˜
-
Dalawang salita ,
Pero magkaiba ,
Magkaibang katangian ,
At iisa lang ang kasiguraduhan .
-
Na kahit ayaw mo sa kanya ,
Mahal mo parin siya ,
Na kahit ilang beses kang awayin siya ,
Hindi niya iisipin yun kasi mahal ka rin niya .
-
Na kahit ilang ulit mo pa siyang sabihan na tumigil kana ,
Di niya p**ikinggan kasi mahal ka niya ,
Kahit ilang beses siyang magpasaway sayo ,
Di naman siya hihinto dahil mahal ka niya sigurado .
-
Kahit madismaya ka ,
Minsan sa kanya ,
Di siya papatinag sa dismaya ,
Kasi sobrang mahal ka niyang talaga .
-
Lahat ng ginagawa niyang kalokohan sayo ,
Nagugustuhan mo kasi mahal mo ,
Kahit ayaw mo naman ,
Kasi ayaw niyang malaman ,
Na gusto mo rin siya diba .
-
Na tinatago mo sa kanya ,
Ang iyong nadarama ,
Na mahal na mahal mo rin siya ,
Kahit makulit siya kahit papansin siya at wala siyang magawa ,
Mahal mo siya kahit ganun siya .
-
Kahit ganun ugali niya ,
Ugali na niya talaga ang mang-inis ng iba ,
Yan ang pagkakakilala mo sa kanya ,
Kaya nainlove ka .
-
Na-fall ka sa mga pinaggagagawa niya sayo ,
Sa mga birong ayaw mo ,
Sa mga pang-aasar na ayaw mo ,
Sa mga harot niyang kinakikiligan mo .
-
Hirap magtago diba ,
Ng damdamin sa kanya ,
Ng pagmamahal mo para sa kanya ,
Na siya lang ang nagpapasaya sayo diba .
-
Kaya wag mo nang pakawalan pa ,
Ang taong gaya niya ,
Na kahit nabwibwiset kana ,
Nanjan parin siya para p**iligin ka .
-
At nanjan siya dahil mahal ka niya ,
Mahal niyo ang isa't-isa ,
Kahit na nagkakahiyaan pa kayong dalawa ,
Di rin magtatagal yan at magiging kayo nang dalawa .
-
Basta magsabihan ,
Kayo nang katotohan ,
Na mahal niyo pareho ang isa't -isa ,
Na magmamahalan kayong dalawa .
-
[Kim Shai Linceฤ]๐Ÿ˜

"Spoken Poetry"Darating ๐Ÿพ-Salitang mahirap paniwalaan ,Salitang gumugulo saking isipan ,Salitang naglalaro sa ulo ko ,Sa...
01/01/2019

"Spoken Poetry"
Darating ๐Ÿพ
-
Salitang mahirap paniwalaan ,
Salitang gumugulo saking isipan ,
Salitang naglalaro sa ulo ko ,
Salitang ayaw kung maranasan sayo .
-
Kasi diba nangako ka sakin ,
Nangako kang darating ,
Pero hindi pala ,wala pala ,
Pinaniwala mo ako sa wala .
-
Nakakawalang-ganang maghintay alam mo ba yan?
Naniwala ako sa kahibangan mo nang ganun-ganun lang ,
Sinungaling ka nagsinungaling ka sakin ,
Ilang oras ako naghintay pero di ka dumating .
-
Di ka sumipot nagp**ita at nagparamdam ,
Sa akin pero wala ka naman ,
Walang ikaw na akala ko ay mayayakap ko ,
Walang ikaw na hahagkan ako .
-
Walang ikaw na hahalik sakin ,
Walang ikaw kasi dika dumating ,
Nangako kang darating ,
Antagal kong naghintay pero wala ka parin .
-
Sabi mo na dito lang ako hahantayin ka ,
Pero wala ,wala kang kwenta ,
Siguro di ako mahalaga ,
Dahil may iba kana .
-
Inisip ko tuloy na ,
May sorpresa ka ,
Pero wala pala ,
Nagkamali ako sayo sa .
-
Pagaakalang bigla kang darating ,
Pero wala talaga kaya dito na ito natatapos kasi isa kang malaking sinungaling .
-
[Admin]๐Ÿš

"Spoken Poetry"Love For Hate ๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜-Diko alam kung saan magsisimula ,Sa ayaw ko na o sa mahal ko pa ,Naguguluhan utak ko ,Ku...
01/01/2019

"Spoken Poetry"
Love For Hate ๐Ÿ˜ต๐Ÿ˜
-
Diko alam kung saan magsisimula ,
Sa ayaw ko na o sa mahal ko pa ,
Naguguluhan utak ko ,
Kung alin sa dalawang ito .
-
Hirap mamili kung alin ,
Ang mas uunahin ,
Pero sisimulan ko na ,
Lang sa ayaw ko na .
-
Sa hindi ko nagustuhan ,
Sa puro kasinungalingan ,
Sa mga bagay-bagay na diko malaman ,
Kung tunay ba talaga o gawa-gawa lang .
-
Talagang ganyan ,
Maraming hirap at nahihirapan ,
Kung alin ang ayaw o gusto ,
Yun lang ang paraan para maging totoo .
-
Masakit magkamali ,
Masakit kapag mali ,
Ang ginagawa kong ito ,
Di ko na kasi alam kung seryoso o biro nalang lahat ng ito .
-
Itong nasa paligid ko ,
Itong mga nakikita ko ,
Nakakasawa kayang pumili kung ayaw ko na ,
O gusto ko pa .
-
Gusto ko pa na sumugal ,
Sumugal sa buhay para tumagal ,
Tumagal ang aking katayuan sa mundong ito ,
Sa mapaglarong mundo .
-
Mahal ko pa ,
Mahal ko pa ang iyong halaga ,
Mahal ko pa ,
Ang iyong pagtyatyaga .
-
Mahal ko pa ang iyong ugali ,
Mahal ko pa ang iyong sarili ,
Kesa sa iba ,
Kesa sa ibang mga ayaw magpahalaga .
-
Nang damdaming minsan ,
Ding nasasaktan ,
Sobra kasi magmahal kaya nasasaktan ,
Pero isa rin yan sa mga idea kung bakit marami tayong alam .
-
Nalalaman lang ito ,
Kapag ika'y sumuko ,
Na at titigil na ,
Sa iyong imahinasyon diba .
-
[Admin]โŽ

"Spoken Poetry"Bakit Ako Lagi ๐Ÿ”ช-Bakit ako lagi ,Bakit puro hirap at hapdi ,Nalang ang nararamdaman ko sayo ,Sawang-sawa ...
12/31/2018

"Spoken Poetry"
Bakit Ako Lagi ๐Ÿ”ช
-
Bakit ako lagi ,
Bakit puro hirap at hapdi ,
Nalang ang nararamdaman ko sayo ,
Sawang-sawa na nga ako .
-
Pwede bang tama na ,
Pwedeng hinto ka muna ,
Kasi araw-araw nalang lagi ,
Akong nagpap**ita ng tama kahit na mali ,
-
Maling-mali talaga na nakilala ka ,
Maling-mali talaga ako sayo kasi akala ko iba ka ,
Pero hindi pala ,
Tinago mo lang pala ,
-
Ang mga kasinungalingan mo ,
Ang mga sinabi mo na akala ko totoo ,
Mali talaga ako ,
Sa pagkilala sa katauhan mo .
-
Kaya tama na p**iusap ,
Tigilan na natin ang pagpapanggap ,
Na ito nakakasawa na ,
Nakakainis na .
-
Bakit ako lagi ,
Ang pina-iinis mo ,
Lagi ka nalang ganyan sakin at parati ,
Nalang rin ako nayayamot sayo .
-
Pwedeng tumigil kana ,
Nakaka-irita na ,
Nakakawalang-gana kana alam mo ba yun ,
Nakaka-panghina ka ng laman alam mo ba yun .
-
O baka hindi ,
Sa araw-araw nating magkasama ako nalang palagi ,
Pahinga ka muna kahit saglit lang ,
Pwede ba na umayos ka manlang .
-
Kahit ilang oras minuto o segundo lang p**iusap ,
Para makapagpahinga rin ako sa masaklap ,
Na pangyayaring ito sa buhay ko ,
Kung alam mo lang pagod na talaga ako .
-
Kaya kung didinggin mo ako ,
Nagpapasalamat na ko sayo ,
Diko na kasi kaya ,
Kaya salamat talaga .
-
[Admin]๐ŸŽƒ

"Spoken Poetry"Handang Alagaan ๐Ÿ’‘-Kung minsan bat ang kulit mo ,Kung minsan bat anlakas ng pang-asar mo ,Kung minsan man ...
12/30/2018

"Spoken Poetry"
Handang Alagaan ๐Ÿ’‘
-
Kung minsan bat ang kulit mo ,
Kung minsan bat anlakas ng pang-asar mo ,
Kung minsan man ay ginagalit mo ko ,
Pero minsan naiinis ako sayo .
-
Hindi dahil sa nakakainis ka ,
Kundi sa mahal kita kahit ganyan ka ,
Kahit mahirapan man ako ,
Lumalakas naman kapag kasama mo ko .
-
Este kasama kita kahit saan ,
Kahit ano mangyari sayo lang ako magmamahal ,
Hahagkan kita kahit nahihirapan ka rin ,
Aalagaan kita kahit nagkakasakit ka rin .
-
Lagi akong nandirito sa tabi mo ,
Hinding-hindi aalis sa piling mo ,
Kahit magkagulo ang mundo natin ,
Kahit puro balakid ang harapin natin .
-
Hindi hihinto at titigil and puso't isip ko ,
Sa mga sandaling malungkot tayo ,
Tayo lang ang magkaramay ,
Sa hirap o ginhawa ikaw lamang habang-buhay.
-
Kahit ako'y buhay pa ,
Tandaan mo na ,
Di ako lilisan at iwan ka ,
Di ako aalis at tatalikuran ka .
-
Kasi mahal kita ,
Mahal na mahal kita ,
Ayokong pabayaan ang katulad mo ,
Tayong dalawa lang ang magkasama yan ang tandaan mo .
-
Aalalay lamang sayo ,
Yan ang aking pangako ,
Hanggang sa dulo ,
At hanggang sa huling hininga ko .
-
[Admin]๐Ÿ’›

"Spoken Poetry"Maskara ๐Ÿ‘บ-Maskara na sumisimbolo sa pagtatago ng katotohanan ,Sa pagkakailang hindi dapat nila malaman ,A...
12/29/2018

"Spoken Poetry"
Maskara ๐Ÿ‘บ
-
Maskara na sumisimbolo sa pagtatago ng katotohanan ,
Sa pagkakailang hindi dapat nila malaman ,
Ang iyong pagbabalat-kayo ,
Ang pagsisinungaling sa ibang tao .
-
Sinasadya mo lang ba ,
Talaga na umiwas sa ibang tao ,
O dahil ba sa ,
Nagtatago ka lang sa mga nagawa mo .
-
Mga maling ginagawa mo't ,
Kaya ka nagagalit kasi hindi nila nakakalimutan ,
Talagang nakakatakot ,
Nga ang mag-tago ng walang pagaalinlangan .
-
Na maging sinungaling ,
Sa iba at para di rin masangkot ,
Para di masisi sa mga maling ,
Nagawa mo di ka ba nalulungkot .
-
O sadyang manhid ka lang ,
Yung walang p**i ,
Walang nararamdaman ,
O baka kasi .
-
Di mo kaya na harapin ,
Sabagay di ka nga maka-abante ,
Kaya iyan napala mo puro hangin ,
At di kaya akuin ang mali .
-
Talagang mali ka ,
Mali lahat ng pinaggagagawa mo ,
Pinagmumukhang tanga ,
Mo lang sarili mo .
-
Di ka ba nahihiya sa iba ,
Sila hirap na tapos ikaw pasarap lang ,
Ano masaya ba ? na maging walang kwenta sa kanilang harapan .
-
Masama ka palang ehemplo ,
Sa itsurang ipinap**ita mo't ,
Mga ugali mo ,
Na minsan maramot .
-
Din alam mo kung bakit ,
Kasi puro ka ,
Puro pasakit ,
Lang ang iyong dala .
-
Wag ka ng magkaila pa ,
Sarili mo lang ,
Sarili mo lang iniisip mo diba ,
At sila nahihirapan .
-
Na di mo ba maramdaman na tinataboy kana ,
Dina-down at inaapakan kana ,
Wala parin sayong talab ,
Iba ka talaga iba ka sa lahat .
-
[Admin]โ›„

"Spoken Poetry"Landas ๐Ÿƒ-Minsan liko-liko Minsan bako-bako ,Minsan diretsoMinsan di mo alam kung san ka tutungo .-Saan ng...
12/28/2018

"Spoken Poetry"
Landas ๐Ÿƒ
-
Minsan liko-liko
Minsan bako-bako ,
Minsan diretso
Minsan di mo alam kung san ka tutungo .
-
Saan nga ba pupunta ang daang ito
Daang di mo alam kung madadaanan mo ,
Nang maayos kung nasa ayos lang
Nasa tama ang mga paraan .
-
Na gagawin at kung panu mo pagbubutihin
Palalalimin ang kaisipan na di kayang liparin ng hangin ,
Di mawawasak ng bagyo
Di magugulo ng kahit na sino .
-
Alam nila na kaya mo yan
Kakayanin mo kahit may problema man ,
Wag ka lang titigil sa pagtahak ng landas mo
Tiyak na magiging tanyag ka sa ibang tao .
-
Sa ibang mga hahanga sayo
Sa iba na tinuturing kang mahusay na ehemplo ,
Na ipagmamalaki mo hanggang huli
Di ka malulungkot at magsisisi .
-
Sa tinahak mong landas
Sa tinahak mong walang ahas ,
Na tutuklaw sa pagkatao mo
At sa pagkamakatao't makadiyos mo .
-
Isipin mo na kaya mo yan
Malalampasan mo yan ,
Landas mo yan
Kaya wag mo susukuan magpakailanman.
-
[Admin]๐Ÿ’ฎ

Address

Manila, UT
1234

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life you should just enjoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life you should just enjoy:

Share

Category