Instant Balita

Instant Balita Ang site ng masa, para sa masa. Instant Balita is not affiliated with any content creator. FOR PROMOTIONS/COLLABS! EMAIL US: [email protected]

ISANG GINANG, NAKAIPON NG ₱160,500 SA LOOB NG ISANG TAON SA PAGTITINDA LANG NG ICE CANDY! 🧊💰Tunay nga ang kasabihang “Ka...
06/19/2025

ISANG GINANG, NAKAIPON NG ₱160,500 SA LOOB NG ISANG TAON SA PAGTITINDA LANG NG ICE CANDY! 🧊💰
Tunay nga ang kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
Patunay rito si Ginang Moreno mula Marinduque na nakaipon ng ₱160,500 sa loob ng isang taon—sa simpleng pagtitinda lamang ng ice candy!

Araw-araw habang nagbabantay ng kanilang tindahan, gumagawa si Moreno ng ice candy—dalawang kaserola: isang mango flavor at isang buko flavor.

👉 Sa bawat kaserola, nakakagawa siya ng 165 piraso ng ice candy, na ibinebenta sa halagang ₱5 bawat isa.
👉 Ang kita niya kada kaserola ay ₱400, kaya umaabot sa ₱800 ang kinikita niya sa dalawang kaserola bawat araw.

📌 Para siguradong may naiipon siya:

₱500 agad niyang inilalagay sa isang lata bilang ipon.

₱300 naman ang itinatabi niya para pambayad sa kuryente at iba pang gastusin.

Hinihikayat niya ang kapwa ina:
“Kaya niyo rin makaipon. Sipag, tiyaga, at disiplina lang talaga pagdating sa pera,”
ani ni Moreno sa kanyang viral na post.

Isang paalala na kahit maliit ang puhunan, basta’t may determinasyon, makakarating sa malaking tagumpay. 💪

via Instant Balita

VIRAL NGAYON ANG ISANG PAMILYANG KUMAIN SA MANG INASAL NA PARANG MAY KASAMANG KATULONG NA SUMUSUNOD SA BAWAT GALAW NILA....
06/19/2025

VIRAL NGAYON ANG ISANG PAMILYANG KUMAIN SA MANG INASAL NA PARANG MAY KASAMANG KATULONG NA SUMUSUNOD SA BAWAT GALAW NILA.

Sa isang post ng netizen, isinulat niya:

“Grabe naman ang pamilyang ito. Oo, fast food restaurant ito at may crew na tagalinis, pero hindi ibig sabihin nito na may lisensiya na tayong magkalat, magtapon ng inumin, o sadyaing ihulog ang mga plato.

Mukha silang may kaya, pero ang ugali nila sobrang bastos. Kawawa ang mga crew.”

This is a reminder to every Ka-Balita out there to stop glorifying entitlement & start teaching empathy. Clean as you go not just because it helps others, but because it says a lot about who you are even when no one's watching.

via Instant Balita

BABAE HINDI CHINA-CHAT NG KANYANG BOYFRIEND, SINEPARATE ANG LAMAN NG KOPIKOTrending ngayon sa social media si Marilyn Ca...
06/18/2025

BABAE HINDI CHINA-CHAT NG KANYANG BOYFRIEND, SINEPARATE ANG LAMAN NG KOPIKO

Trending ngayon sa social media si Marilyn Cabajes matapos niyang gawin ang hindi inaasahan: imbes na makipag-chat sa ibang lalaki habang abala sa trabaho ang kanyang boyfriend, nagdesisyon siyang ihiwalay ang mga sangkap ng Kopiko bilang libangan.

Ayon sa mga netizens, umabot daw ng tatlong araw bago niya tuluyang napaghiwa-hiwalay ang kape, asukal, at iba pang laman ng instant coffee mix.

Ang dahilan? Loyalty. Hindi raw siya nang-chat ng kahit sino habang hinihintay ang reply ng kanyang nobyo—Kopiko lang ang nilandi niya.

Dagdag pa ng ilan, "Gwapo naman pala kasi ang boyfriend ni Marilyn… kaya tiis-tiis muna!"

via Instant Balita

LOOK: ISANG LE***AN IN LOVE WITH A TRANS, THEIR LOVE BEARED! TRANS ♥Sinong mag-aasam na ang babaeng may pusong lalaki, a...
04/03/2025

LOOK: ISANG LE***AN IN LOVE WITH A TRANS, THEIR LOVE BEARED! TRANS ♥

Sinong mag-aasam na ang babaeng may pusong lalaki, ay mahuhulog sa lalaking may pusong babae? Ito ang love story nina Andeng at Jackie.

Nagsimula raw ang lahat nang sumali ang trans na ito sa isang pageant, at doon nabighani si Andeng sa Ka-Gwapa ni Jackie.
Hindi rin daw madali ang journey ng kanilang relasyon. Maraming diskriminasyon, at maging ang mga hukom ng mga kapitbahay ni Marites.

Sa kabila ng lahat ng hamon na iyon ay nananatili silang nakatayo at matatag at ngayon ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan sa isang cute na Panganay.

Ang pag-ibig ay hindi nangangailangan ng isang partikular na Kasarian hangga't mahal mo ang isang tao na ang lahat ay mahalaga anuman ang iyong Gender orientation. PANALO talaga ang TRUE LOVE! LIVE!

via Instant Balita

LOOK: NADISMAYA ANG ISANG BABAE MATAPOS MA MEET ANG KANYANG ONLINE BOYFRIENDNADISMAYA ang isang babae matapos nilang mag...
04/01/2025

LOOK: NADISMAYA ANG ISANG BABAE MATAPOS MA MEET ANG KANYANG ONLINE BOYFRIEND

NADISMAYA ang isang babae matapos nilang magkita nang personal ng kanyang boyfriend na nakilala niya online sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Sheila, inakala niyang may mala-Korean na hitsura ang kanyang boyfriend, at ipinagmamalaki pa raw niya ito sa kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging isang "expectation vs. reality" moment ang kanilang pagkikita.

Pagkatapos ng kanilang meet-up, agad daw niyang hiniwalayan ang lalaki at nag-post pa ng caption: "Sana lumaban naman kayo ng patas."

Maganda naman talaga ang babae—solid ang face card!

Ikaw, naka-experience ka na rin ba ng ganitong "wow mali" moment?
Mag-comment sa section!

VIA: Instant Balita

TINGNAN: DALAWANG LALAKI NANG-HOLD UP, NA-BU-G-B0G.Viral ngayon ang isang video ng dalawang lalaki na nang-hold up sa ta...
03/29/2025

TINGNAN: DALAWANG LALAKI NANG-HOLD UP, NA-BU-G-B0G.

Viral ngayon ang isang video ng dalawang lalaki na nang-hold up sa tatlong babae, nang hindi nila alam na isa sa kanilang mga biktima ay isang MMA fighter.

Nabug-b0-g ang mukha ng holdaper matapos itong pagtulungan at bugbugin ng biktima. Marami sa mga netizens ang nagbigay ng komento ukol dito.

via Instant Balita

LOOK: ISANG PAMILYA NA NAKIKI-NOUD NG TV SA KAPITBAHAY, PINAGSARHAN NG MAY-ARI NG BAHAY!Isang netizen ang nag-upload ng ...
03/29/2025

LOOK: ISANG PAMILYA NA NAKIKI-NOUD NG TV SA KAPITBAHAY, PINAGSARHAN NG MAY-ARI NG BAHAY!

Isang netizen ang nag-upload ng isang video kung saan nakunan niya ang isang pamilya na masaya habang nanonood ng TV sa labas ng bahay ng kanilang kapitbahay.

Ngunit bigla silang pinasara ng bintana at pinto ng may-ari ng bahay, kaya't nasaktan ang uploader ng video sa kanyang nasaksihan.

Makikita sa video na humingi pa ng tawad ang tatay ng pamilya sa may-ari ng bahay, marahil dahil sa pangambang nakaka-abala sila o nasesermonan, kaya sila pinasara.

Walang nagawa ang pamilya kundi umuwi na malungkot, at humingi ng tawad ang tatay sa kanyang mga anak, na nagsabi ng, "Pasensya na kung hindi ko kayo mabibigyan ng maganda at maayos na buhay."

Para sa ating mga Ka-Balita, sana maging mahinahon tayo. Huwag naman sana nating gawing masama ang mga simpleng bagay tulad ng panonood ng pelikula ng ating mga kapitbahay na nais lang makapag-relax. Ang ganitong pangyayari ay nagpapaalala sa atin ng ating mga alaala sa kabataan, pero nakakalungkot na nangyayari pa rin ito sa kasalukuyan. Ano ang inyong opinyon tungkol dito? Magkomento tayo para magkaroon ng makulay na diskusyon.

via Instant Balita

MANLILIGAW NA LALAKI, PINA-SIGN NG RULES AND REGULATIONS CONTRACT NG KANYANG NILILIGAWANViral ngayon sa Social Media ang...
03/25/2025

MANLILIGAW NA LALAKI, PINA-SIGN NG RULES AND REGULATIONS CONTRACT NG KANYANG NILILIGAWAN

Viral ngayon sa Social Media ang video ng magkasintahan matapos ipapirma ng babae ang kanyang nobyo ng RULES AND REGULATIONS CONTRACT.

Ayon pa sa balita, kung makagawa ng paglabag sa isa sa mga rules and regulations, kailangang magbayad ng penalty ang lalaki.

Sa isang post, sinabi ni FJ TERUEL: "Makaka away ka pa, kikita ka pa ng pera."

via Instant Balita

LOOK: MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY SA MGA MAHIHIRAP, VIRAL NGAYON SA SOCIAL MEDIALabis ...
03/25/2025

LOOK: MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY SA MGA MAHIHIRAP, VIRAL NGAYON SA SOCIAL MEDIA

Labis na nakakataba ng puso at nakakatuwa ang mga taong nagbibigay at tumutulong sa mga nangangailangan. Ang mga ganitong tao ang mas lalong pinagpapala at binibiyayaan ng Panginoon.

Katulad na lamang ng mag-asawang namimigay ng bahay para sa mga mahihirap at ngayon ay viral na sa social media ang kanilang pagtulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Ronal Casil, naglilibot umano sa probinsya ng Bohol ang mag-asawang sina Terrence at Beth Martin upang tumulong sa mga walang tirahan.

Ayon kay Ronald, marami ng natulungan ang mag-asawa at umabot na sa 65 na bahay na ang kanilang naipamigay at gusto pa raw nilang dagdagan ang mga ito.

Bukod sa pamimigay ng bahay ay may mga pinag-aaral din ang mag-asawa.

“Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla,” sabi ni Ronald.

Bukod sa bahay, namimigay din sila ng “kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay.”

Basahin ang buong post sa ibaba:

"ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol.

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan.

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.

Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at please Subscribe to A Foreigner in the Philippines!"

Source: Ronald Casil | Facebook

LOOK: ISANG CHEATER NA LALAKI LOUD AND PROUD PA SA SOCIAL MEDIAViral ngayon ang isang video ng isang lalaki na nahuling ...
03/24/2025

LOOK: ISANG CHEATER NA LALAKI LOUD AND PROUD PA SA SOCIAL MEDIA

Viral ngayon ang isang video ng isang lalaki na nahuling nagluko sa kanyang girlfriend.

Sa isang post ni Six Ela, nag-caption siya:

"Opo, cheater ako pero pakinggan niyo ako!"

Nag-cheat ako dahil hindi ko na nararamdaman ang excitement at na-bore ako dahil wala nang spice ang relasyon namin. Sa tingin ko, normal lang na mag-cheat minsan, pero ang mahalaga, sa huli, pipiliin mo pa rin ang nauna. Mga bruh, paki-normalize na lang ito kasi valid naman."

Ikaw, ka-Balita, ano ang opinyon mo tungkol sa isyung ito? Gusto naming marinig ang iyong mga saloobin sa comment section.

via Instant Balita

Pulis, na-inlove sa isang transwoman: ‘We will continue building our dreams together”Ang LGBTQ+ community (le***an, gay,...
03/24/2025

Pulis, na-inlove sa isang transwoman: ‘We will continue building our dreams together”

Ang LGBTQ+ community (le***an, gay, bisexual, transgender, q***r, at iba pa) ay mas tanggap na ngayong panahon kumpara noon.

Ngunit hindi ibig sabihin ay 100% na itong tanggap ng publiko.

Marami pa ring mga magulang ang hindi matanggap ang katotohanang hindi ’straight’ ang kanilang anak. Kung minsan nga ay nagagawa pa nilang itakwil ang mga ito.

Samantala, tila marami ang natuwa sa kwento ng isang pulis na na-inlove sa isang transwoman.

Sa page na PUBLIKO, ibinahagi ng transwoman na si Louise ang kanilang mga larawan ng kanyang kasintahang pulis.

Ipinagmalaki rin siya ng pulis nang dalhin siya nito sa isang event kung saan kasama rin ng ibang mga pulis ang kani-kanilang mga partner.

“As what they said, love conquers all. Yes absolutely true,” sabi ni Louise.

Kwento ni Louise, nagsimula ang kanilang love story noong sila ay mga studyante pa lamang.

“We both conquer every challenges that comes, hindi madali pero kinaya. Our relationship is one of those extra special. Why did i say extra special? A pulis men fell in love with a transwoman,” kwento niya.

“YES! I am a transwoman but he accepted me for who I am not because of my gender. We've started from an empty box, as in walang-wala. Pareha kming estudyante ng nagsimula, allowance lng ang meron. Nag di-date sa simpleng lugar basta lng may oras kming dalawa para sa isa't isa,” dagdag ni Louise.

"May mga pagkakataon din na binabatikos ang aming relasyon but then at the end of the day we both choose to stay with each other."

Aniya, noong una ay nagdududa siya kung talagang mamahalin siya ng pulis.

“At first, nag hesitate ako if this man will love me unconditionally but fortunately di nya ko binigo sa mga expectations ko sa kanya. HE TRULY LOVE ME UNCONDITIONALLY!” she happily announced, sharing their photos together....

“As a transwoman, di madali makahanap ng sabi nga “totoong magmamahal at tatanggap” sa atin. May mga agam-agam na baka ganito ng ang habol, ganito ganyan.. sa mga kapwa ko transwoman lift your voice be heard, may karapatan din tayong magmahal at mahalin ng totoo. Di lng natin namamalayan nandyan lng pala ang tinadhana sa atin ng Diyos.”

Umabot na sa anim na taon ang pagsasama ng dalawa.

"Be patient, katulad ko mararanasan mo din magkaroon ng 6 long yrs in a relationship (i know 6 yrs is not that long pero para sa amin ng partner ko, we've been together for a very long long journey)..

"Recently, we are now enjoying the company of each other, enjoying all this little things na naipundar namin together and we will continue building our dreams together not just a couple but being the best partner..

"Before i end this long echus melet i would end this with a quote, 'believe and you will have it'."

via Instant Balita

LOOK: ANAK NG BASURERO, IPINAGMALAKI ANG KANYANG AMANG NAPAGTAPOS SIYA NG PAG-AARALResponsibilidad ng mga magulang na al...
03/24/2025

LOOK: ANAK NG BASURERO, IPINAGMALAKI ANG KANYANG AMANG NAPAGTAPOS SIYA NG PAG-AARAL

Responsibilidad ng mga magulang na alagaan at pag-aralin ang kanilang mga anak. Kaya naman nakakahanga ang mga magulang na nagsusumikap mapatapos lamang nila ang kanilang mga anak sa pag-aaral.

Kahit na anong hirap at sakripisyo ay kaya nilang tiisin alang-alang sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Ito ang ipinamalas ng isang tatay na napagtapos ang kanyang anak dahil sa pagbabasura.

Sa Facebook post ni Junnel Gemida, ipinagmalaki niya ang kanyang ama na napagtapos siya sa pag-aaral kahit na ito ay isang basurero lamang.

“Flex ko lang tatay ko kahit basurero siya napagraduate niya ako,” post ni Junnel.

Humanga ang mga netizens sa mag-ama kaya agad na nag-viral ang post ni Junnel.

Umabot sa 69k reactions at 41k shares ang post ni Junnel.

Kinilala ang ama ni Junnel na si tatay Juanito, 51-anyos.

Dati umanong family driver si tatay Juanito, ngunit dahil sa paglabo ng kanyang mga mata ay napilitan itong tumigil sa kanyang trabaho.

Aniya, may mga panahon dati na kailangan niyang itigil ang pagmamaneho dahil hindi na niya makita ang mga sasakyan na nasa harapan niya.

Nagpresintang umalis si tatay Juanito sa kanyang trabaho bilang family driver dahil baka maaksidente pa siya.

Naging mahirap din ang paghahanap niya ng ibang trabaho dahil sa malabo niyang mata.

Isa namang janitres ang asawa ni tatay Juanito na si nanay Conrada na kanyang katulong sa pagpapa-aral ng kanilang dalawang anak.

Ayon kay tatay, wala siyang ibang hinihiling kundi makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

“Kaya nga lahat ginagawa ko itaguyod ko anak ko,” sabi ni tatay Juanito.

“Payo ko sa anak ko…pagbutihan niya ang pag-aaral…yan lang imamana ko sa inyo,” dagdag ni tatay.

Sa pagtatapos ni Junnel sa University of Caloocan City, nangako siya na tutulungan niya ang kanyang mga magulang at gagawin ang lahat upang makahanap agad ng trabaho.

“Iniisip ko lang i-motivate ko lang yung sarili ko na…magsisikap talaga ako para sa tatay ko. Gagawin ko talaga lahat para maka-graduate,” sabi ni Junnel.

“Sinabi ko sa sarili ko pag nakapagtapos talaga ako maghahanap talaga ako ng trabaho para matulungan sila,” dagdag niya.

Address

36 W 138th Street
New York, NY
10037

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Instant Balita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category