05/01/2025
Tamayo:
“Bakit hindi pa kayo nangangampanya? Hindi na delikado ang kampanya ngayon. Wala naman kalaban ang nasa itaas; magiging mapayapa ito. Ang gusto lang naman nila ay manguna ang kanyang asawa. Marami namang konsehal ang kailangang iboto sa walo. Kung gusto n’yo, samahan ko kayo bukas sa house-to-house campaign.”
(Napagkasunduan ng grupo na magsisimula ang kampanya sa April 8, kasama si Tamayo.)
Ito ang huling sinabi ni Modesto Tamayo
bago siya dinukot ng puting van at walang awang binugbog at pinagsasaksak ng 45 beses, ayon sa autopsy ng SOCO PNP.
Ngunit bakit, kung malakas na sila o walang kalaban, ay nagawa pa nilang paslangin ang isang taong walang laban? Ganito na ba ang gusto nating mangyari sa bagong Pres. Quirino? Wala nang demokrasya, wala nang tatakbo, dahil sa pera at ayuda ay ayos lang pumatay?
Marahil iyon din ang rason ng mga hired killer: pumatay para may maipakain sa kanilang pamilya.
Ganoon na ba tayo kahirap, at buhay na ang kapalit ng ating kinakain?
Sana'y hindi pa. Ang diyos ang ating gabay.
Hustisya ang sigaw ni Tamayo.
tayong mga taga
BAGUMBAYAN, KALANAWI UNO, KALANAWI 2, KATIKO, ROMUALDEZ ,TUAL, TINAUNGAN, TUATO, POBLACION, SUBEN, CENTRAL MANGILALA, MANGELEN, ESTRELLA, BANNAWAG, MALINGON, BAYAWA, PEDTUBO, SINAKULAY, SAN JOSE.
ay iisa kayat magkaisa upang
makapagbigay hustisya sa ating kababayan at kadugo upang hindi na ito maulit pa.
Wag nating gawing sandata ang pera ng eleksyon sa pagkitil ng buhay. Walang sinuman ang may karapatang pumatay ng inosente kahit kayo ay nasa kapangyarihan, matatapang, malakas, at mayaman.
May apat na lumalaban sa darating na halalan. Ibigay po natin ang boto sa kanila, dahil ang kanilang tagumpay ay tagumpay rin ng susunod na henerasyon ng mga lider sa ating bayan.
Makakamit ang hustisya ni Tamayo sa nalalapit na panahon. May mabuting pusong kamag-anak siya na lumalaban ngayon upang pabagsakin ang mga mamamatay-tao.
Wag kayong matakot bumoto, dahil ang Diyos ay nasa ating likuran at gumagabay.
Ang ating magigiting na bagong kapulisan ay tapat sa tungkulin at mga tapat na sundalo ay kakampi natin sa kabutihan. Paalisin natin ang mga salot sa Pres. Quirino ngayong halalan.
Wag natin kalimutan na
Kinasuhan nila ng Obstruction of Justice ang apat sa Team Vice Mayor Villa, at dinagdagan pa ng kasong Unjust Vexation ang mga konsehal.
Mga bagay kanilang ginawa sa Team Vice Mayor Villa. bukod sa hinarang ng mga tangke upang hindi makapag file at pambubugbug sa mga independent candidate upang hindi makapag rehistro.
1. Sinunog ang mga kabuhayan.
2. Sinisira ang mga poster.
3. Tinatakot ang mga tao.
4. Illegal na nire-raid ang mga bahay.
5. Pinatay ang mga inosente na ngayon ay naghahanap ng hustisya.
6. Paninira ng puri—dahil lang daw sa pera. at naghihirap ang kalaban sa kampaniya.
kahirapan sa buhay ng kalaban ba ang basihan upang sila ay abusuhin?.
lahat ng ito dahil sa pag file nila ng candidacy na kagustuhan naman ng kanilang mga supporters. ngunit ganon paman ang pang haharass, silay nagpatuloy lumalaban at hindi nagpatinag kahit sila ay nahihirapan. May dignidad at tapang habang hinarap ang mga hamon.
Habang may lumalaban, doon tayo bumoto.
Hayaan n’yong ipanalo ng masasama ang eleksyon ng may bahid ng dugo. Ngunit tayo ay mananalo ng may dangal, takot sa diyos at puso sa kapwa.
Hindi gumaganti ng masama ang Team Vice Mayor Villa , dahil sila ay makadiyos at makatao.
Sa husgado at konseho ang dapat mag labanan.
dahil yan ang politiko.
Wag kalimutan ang mga lumalaban!
Vote Straight!
TEAM VICE MAYOR VILLA