Tulfo Fans

Tulfo Fans Tulfo and Chill

05/10/2024

"Ang buhay ay hindi tungkol sa paghahanap sa iyong sarili, kundi sa paglikha sa iyong sarili." - Ang buhay ay isang walang tigil na paglalakbay ng pag-aaral at pagpapabuti sa sarili.

Ang positibong kaisipan ay may malaking epekto sa ating kapaligiran. Magsilbing inspirasyon at magbigay ng ngiti sa iba
05/28/2023

Ang positibong kaisipan ay may malaking epekto sa ating kapaligiran. Magsilbing inspirasyon at magbigay ng ngiti sa iba

Ang bawat araw ay regalo. Gamitin natin ito upang magpakalat ng ngiti at kasiyahan sa iba. Ang positibong enerhiya ay ka...
05/24/2023

Ang bawat araw ay regalo. Gamitin natin ito upang magpakalat ng ngiti at kasiyahan sa iba. Ang positibong enerhiya ay kahanga-hanga at naglalayo sa atin sa negatibidad.

Sa bawat tibok ng puso ko, ikaw ang tunay na dahilan. Mahal kita nang labis at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo
05/21/2023

Sa bawat tibok ng puso ko, ikaw ang tunay na dahilan. Mahal kita nang labis at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo

Sa mga Taga-Pangasinan, mag-ingat sa pagsakay sa mga rides sa mga perya! Bumagsak sa semento ang biktimang ito matapos m...
11/02/2022

Sa mga Taga-Pangasinan, mag-ingat sa pagsakay sa mga rides sa mga perya!
Bumagsak sa semento ang biktimang ito matapos mahulog sa sinakyang amusement ride sa loob ng isang Carnival sa Urdaneta City, Pangasinan.
Agad dinala sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga sugat. Ayon sa report, dumulas ang inuupuang rides ng biktima kaya siya nahulog.
β€œPanginoon tulongan nmn ang aking anak..yakapin mo xa panginoon alisin mo lahat ng nararamdaman niang sakit sana maging okay ang opera niya,,nd ko kya pag may nangyaring nd maganda ang anak koπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­.” Pahayag ng ina ng biktima na si Marivic Fajardo.

Ang saklap naman nito, Ama at dalawang anak ang patay. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜­LIMANG MAGKAKAMAG-ANAK NA SAKAY NG TRICYCLE, PATAY LAHAT SA A...
10/31/2022

Ang saklap naman nito, Ama at dalawang anak ang patay. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ˜­
LIMANG MAGKAKAMAG-ANAK NA SAKAY NG TRICYCLE, PATAY LAHAT SA AKSIDENTE!
Sabay-sabay na paglalamayan ang limang magkakamag-anak dahil sa malagim na aksidente.
Ang mga biktima ay lulan ng tricycle na minaneho ni Eduardo Burgos at pasahero naman nito ang mga anak nito na sina LJ, 16-anyos at Liam, 8-anyos. Sakay rin ng tricycle ang mag-asawang sina Tranquilino at Zenaida, lahat sila patay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sumalpok sa kotse ang tricycle na sinasakyan na mga biktima. Sa tindi ng lakas ng impact, tumilapon ang ilang biktima at nagtamo pa ng grabeng pinsala sa katawan.
Ang mga biktima ay pauwi na sana sa kanilang bahay galing umano sa isang lamay pero naaksidente sila sa kalsada. Nangyari ito sa Piddig, Ilocos Norte.

INTEL OPERATIVE SA PANGASINAN, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN! Patay matapos pagbabarilin ng lalaking sakay ng motorsiklo an...
10/28/2022

INTEL OPERATIVE SA PANGASINAN, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN!
Patay matapos pagbabarilin ng lalaking sakay ng motorsiklo ang pulis na si Police Staff Sargeant Jeffrey Ignacio. Isang Intel Operative ng Bugallon Police Station.
Pinaulanan ng bala ang kotse na sinasakyan ng biktima sa Barangay Salasa, Bugallon, Pangasinan. Tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang kumitil sa buhay ng biktima.
Ayon sa Pangasinan Police, may one time bigtime warrant of arresst laban sa mga wanted person at kabilang ang biktima sa mga inatasan bilang intel operative. Umiikot umano ang biktima para magsagawa ng mga surveillance.
Tumangging magbigay ng pahayag ang kaanak ng pulis pero naniniwala silang may kinalaman sa trabaho ang dahilan ng pagpatay sa biktim. Bumuo na ng Special Investigation Task Group o SITG Ignacio ang Pangasinan Police para imbestigahan ang kaso. πŸ“·| Bugallon Police

MAGKAIBIGAN NA SAKAY NG MOTORSIKLO, PATAY SA PAGSEMPLANG AT NAGULUNGAN PA NG SUV!SUV NA NASA TAMANG LINYA NG KALSADA, KA...
10/27/2022

MAGKAIBIGAN NA SAKAY NG MOTORSIKLO, PATAY SA PAGSEMPLANG AT NAGULUNGAN PA NG SUV!
SUV NA NASA TAMANG LINYA NG KALSADA, KAKASUHAN!
Patay ang magkaibigan na kinilalang sina John Michael Cupino, 24-anyos at Mary Vic Divinagracia, 28-anyos matapos maaksidente sakay ng motorsiklo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima nang sumemplang sila sa kalsada. Napunta ang mga biktima sa kabilang linya ng kalsada, sakto naman na paparating ang isang SUV. Matinding sugat ang tinamo ng dalawang biktima matapos magulungan pa ng SUV.
Ayon sa pulisya, nasa kustodiya nila ang driver ng SUV na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. Nangyari ito sa Orion, Bataan. Photos| Orion Police

17-ANYOS NA ESTUDYANTE NA PAPASOK SA PAARALAN, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG KOTSE!BIKTIMA, NAGPOSITIBO PA SA COVID-19 KAY...
10/25/2022

17-ANYOS NA ESTUDYANTE NA PAPASOK SA PAARALAN, PATAY MATAPOS MASAGASAAN NG KOTSE!
BIKTIMA, NAGPOSITIBO PA SA COVID-19 KAYA KINAINGAILANG I-CREMATE
Hindi na matutupad ang pangarap na maging enhinyero na 17-anyos na grade 12 student na si Ronald Reagan Barba Jr. matapos siyang masawi sa aksidente.
Ayon sa ina ng biktima, kalalabas lang ni Ronald Reagan para pumasok sa paaralan. Aksidente umanong nahulog ng biktima ang dalang damit sa kalsada.
Binalikan ng biktima ang nahulog na damit nang bigla siyang masagasaan ng kotse na mabilis ang patakbo. Tumilapon ang biktima at tumama pa ulo sa semento. Doble ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima lalot hindi na nila nagawang paglamayan pa ang labi ni Ronald Reagan matapos itong i-cremate. Nagpositibo umano sa COVID-19 ang biktima sabi ng ospital.
Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa driver ng kotse. Nangyari ito sa Mariveles, Bataan.

3-KATAO PATAY SA SALPUKAN NG BUS AT OIL TANKER! DRIVER, NAKATULOG UMANO HABANG NAGMAMANEHO!Base sa kuha ng CCTV Camera, ...
10/23/2022

3-KATAO PATAY SA SALPUKAN NG BUS AT OIL TANKER! DRIVER, NAKATULOG UMANO HABANG NAGMAMANEHO!
Base sa kuha ng CCTV Camera, patungo sana ang bus sa isang linya ng kalsada nang biglang banggain ng humaharurot na oil tanker mula sa kabilang lane.
Wasak ang harapan ng dalawang sasakyan. Nasawi sa insidente ang mga driver ng dalawang sasakyan kasama ang pahinante ng oil tanker na nagtamo ng matinding sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Dalawa naman sa apatnapung pasahero ng bus ang kritikal. Sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya, posibleng nakatulog ang driver ng tanker kaya ito napunta sa linya ng bus.
Sugatan ang iba pa kabilang ang Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang posibleng pagsasampa ng civil liability sa kumpanya ng oil tanker. Nangyari ito sa Abucay, Bataan. Via| Abucay Police

Address

Phoenix, AZ
32654

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tulfo Fans posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share