10/15/2025
The Standing Boy of Nagasaki ay isang makasaysayang larawan na kinunan sa Nagasaki Japan noong 1945 ilang sandali matapos ang Atomic Bombing sa lungsod na iyon noong August 9. Ito ay nakunan ng American Photographer na si Joe o Donell, na nagdokumento ng resulta sa pambobomba. 💣
Ang larawan ay isang batang lalaki na nasa 10 taon gulang kasama ang kanyang namatay na kapatid na lalaki na nakatali sa kanyang likod, naghihintay ng kanyang turn sa crematorium.
Napansin siya ng isang sundalo at hiniling na ibaba ang patay na bata na ito para hindi siya mapagod.
Sagot niya: Hindi siya mabigat, kapatid ko siya.
Naintindihan naman ng sundalo.
Nang turn na niya, matatag siyang tumayo pinagmasdan ang bangkay ng kanyang kapatid na nakalagay sa apoy, napakagat labi ito na dumudugo, ngunit hindi siya umiyak.
Minsan tinatamaan tayo ng buhay ng pain na hindi natin akalain makakayanan natin. Hindi umiyak ang bata, hindi dahil hindi siya nakakaramdam ng sakit, kundi maaga siyang natuto ng lakas ng loob.
Simula noon ang imaheng ito ay naging simbolo ng pagkakaisa sa Japan.
Let this be our motto: "hindi siya mabigat, kapatid ko siya. He's my brother, she's my sister."
If he falls, raise him. kahit pagod ka tulungan mo siya. at kung mahina ang support niya, at kung nagkamali siya, patawarin mo siya dahil hindi siya mabigat kapatid mo siya. At kung iwanan siya ng mundo buhatin mo siya sa iyong likuran.
Ang lakas ay hindi tungkol sa pagpapangap na maayos ang lahat, ito ay tungkol sa pagtayo ng mataas kapag ang lahat sa paligid mo ay bumagsak. 💯