11/18/2025
SENATE PRES. SOTTO SINABING WALA SILANG PAKIALAM SA IDARAOS NA RALLY DAHIL MAS MAHALAGA ANG KANILANG TRABAHO
Iginiit ni Senate President Tito Sotto na mananatiling bukas at operational ang Senado kahit isagawa ang planong tatlong-araw na nationwide rally na pangungunahan ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay Sotto, hindi nila isasakripisyo ang legislative work para lamang makiayon sa mga aktibidad sa labas ng Senado.
“Yes, may pasok kami. Wala kaming pakialam doon sa mga rally. Yung trabaho namin ang pinakamahalaga," mariing pahayag ng lider ng Senado.