10/04/2025
Ito mga lodi, punto por punto i-rebutt natin itong comment ni Lodi.
Sabi niya,
“There thousands of crypto projects that have more use cases and are more advanced na wala sa Pi.”
- Oo, maraming ganyan lodi punong-puno ng features. Pero tol, features don’t build movements, people do.
At sino lang ba ang project na nakaipon ng 60M+ users bago pa mag-open network? Hindi need ng Pi na makipag flex sa tech side lodi, dahil ang branding niya ay tao. Kasi kahit gaano ka-advance ang project mo, kung walang gumagamit nito, para ka lang nag-develop sa vacuum.
“Mahihirapan ang Pi adoption dahil maraming pagpipilian.”
- Totoo yan lodi, maraming pagpipilian.
Pero kung ang Pi pa rin ang una nilang napagmulatan, una nilang pinaniwalaan, at una nilang ni-refer sa tropa...
ibig sabihin si Pi ang may pinakamalakas na hatak.
Choices don’t weaken adoption lodi, they highlight loyalty. Kaya kahit may libo-libong options pa diyan na pagpilian, kung ang Pi pinili ng masa, malinaw kung sino ang tunay na magiging paborito.
“Baguhan lang ang kumakapit sa Pi kasi naipaliwanag sa kanila ng maayos.”
- Yes lodi, and that’s the brilliance of it.
Crypto isn’t about being complicated. It’s about being understood. Kung kaya mong ipaliwanag sa masa ang value ng digital asset nang hindi umiikot ang mga mata nila, ibig sabihin nun ikaw ang tunay na ready sa mass adoption. At si Pi? Siya ang crypto translator ng third world. Di kailangan ng whitepaper muna kundi kailangan muna maintindihan.
“Yung matatagal sa crypto, hindi nag-stick sa Pi explore sila ng iba for earning and use case.”
-Normal yan lodi, go lang. Explore ‘til you drop.
Pero huwag kalimutan, ang una mong na-mine, ang una mong referral link, ang una mong naabangan na KYC... si Pi. Open network na tayo ngayon. At habang ikaw nag-iikot, sila steady lang, nagpahinog sa sarili.
“Imagine mo may mga baguhan na nag-hype na gagawing reserve currency ni Trump si Pi… which is malabo.”
- Oo naman lodi meron yan, memes are memes. Hypes are Hypes. Pero hindi porke may meme o hype, ibig sabihin walang laman. Dogecoin nga puro kalokohan pero naka-Twitter pa. Sa case ni Pi, hindi naman tayo umaasa sa meme at hype para sumikat. Umaasa tayo sa millions of people na consistent nagta-tap araw araw. Meme and Hype is bonus nalang yan lodi, movement ang core dito.
“Even Binance doubts to list Pi dahil sa China and Vietnam ponzi-related issues.”
- Correction lodi, galing sa Bybit ang allegation na yan at hanggang allegation lang yan. Walang ugnayan ang Binance sa Pi Network regarding sa listing. Walang exchanges pinuntahan ang Pi lodi para magpa-list.
Self-listing yung ginawa ng mga exchanges sa Pi lodi.
Hindi mo kailangan hintayin ang Binance para sabihing "real ka." Kapag may 5 exchange na nagsabing 'let’s go,'
ibig sabihin hindi haka-haka ang value lodi, meron talagang market.
Pang baguhan si Pi? Sige, tanggap. Pero siya rin ang naging tulay ng milyon-milyon sa Web3. At kung hindi mo makita ang power niyan, baka tech ka lang tumitingin hindi sa community. And sa mundo ng crypto lodi, adoption beats ambition, every time.
At syempre ako lang naman to, LATHALA 😎