Earth WatchPh Digital

Earth WatchPh Digital Our commitment is to deliver reliable and timely information not only about disasters, but all major events and happenings around the world.

From breaking news, we strive to keep every Filipino informed, aware, and prepared.

LOOK: MORNING SKIES ACROSS VISAYAS LIGHT UP IN VIBRANT COLORSEarly this morning, residents in parts of the Visayas, incl...
17/01/2026

LOOK: MORNING SKIES ACROSS VISAYAS LIGHT UP IN VIBRANT COLORS

Early this morning, residents in parts of the Visayas, including Negros Occidental, Bohol, and Cebu, were greeted by unusual sky colors ranging from red and orange to bluish-gray.

The striking hues were caused by the sun rising low on the horizon, with its light passing through thick clouds and high moisture. These clouds and moisture are partly enhanced by the outer bands of Tropical Storm Ada, which is currently east of the Visayas over the Philippine Sea.

The red and orange skies appear as sunlight scatters through the storm’s clouds, while the gray or bluish tones indicate denser cloud cover, limiting direct sunlight.

Weather experts emphasize that this is a normal atmospheric phenomenon intensified by the storm and is not a sign of fires, explosions, or any other hazardous event.

January 17, 2026

πŸ“· | via Ian Zane Esparaga/GMA Regional TV/ Jairo Gardon/Jay M.

LOOK: THE SKY TURN PURPLE IN CEBU? πŸ’œAng kakaibang kulay ube ng kalangitan na namataan sa Cebu ay maaaring dulot ng kombi...
17/01/2026

LOOK: THE SKY TURN PURPLE IN CEBU? πŸ’œ

Ang kakaibang kulay ube ng kalangitan na namataan sa Cebu ay maaaring dulot ng kombinasyon ng makapal na ulap, maagang sikat ng araw, at pagre-reflect ng liwanag sa himpapawid.

Kapag mababa pa ang araw sa umaga, mas humahaba ang dinaanan ng liwanag nito sa atmospera, dahilan para maghalo ang bughaw, p**a, at lila na kulay.

Mas napapatingkad ang ganitong kulay kapag may makakapal na ulap at mataas ang moisture sa hangin, gaya ng kondisyon sa ibabaw ng Mactan Channel nitong madaling araw. Dagdag pa rito ang ilaw mula sa lungsod at tulay na nag-aambag sa mas matingkad na kulay na nakikita sa kalangitan.

Isang natural at panandaliang tanawin na bihirang masilayan, lalo na sa mga oras bago tuluyang sumikat ang araw.

πŸ“· | Ian Zane Esparaga / GMA Regional TV

BAGYONG ADA BAHAGYANG LUMAKAS SIGNAL NO.2 AT 1 NAKATAAS PARIN SA EASTERN VISAYAS AT BICOL REGION.Patuloy ang paglakas ng...
16/01/2026

BAGYONG ADA BAHAGYANG LUMAKAS SIGNAL NO.2 AT 1 NAKATAAS PARIN SA EASTERN VISAYAS AT BICOL REGION.

Patuloy ang paglakas ng Tropical Storm AdaPH habang nasa Philippine Sea, silangan ng Bicol Region. As of 4:00 AM, January 17, may lakas ito ng hangin na 85 km/h, bugso hanggang 105 km/h, at kumikilos west-northwest sa bilis na 20 km/h.

🧭 TRACK NG BAGYO ADA

- Ngayong araw (Jan 17): Kumikilos pa-west northwest hanggang northwest
- Mamayang hapon hanggang madaling-araw ng Linggo: Maaaring dumaan malapit o halos tumama sa Catanduanes
- Bukas (Jan 18): Unti-unting liliko pa-hilaga at babagal ang galaw habang nasa silangan ng Southern Luzon
- May posibilidad ng landfall sa Bicol Region kung bahagyang lilihis pa-kanluran ang track
- Posible pang magbago ang direksyon sa mga susunod na bulletin

🌬️ Wind Signals

- Signal No. 2: Silangang Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, bahagi ng Eastern Samar at Samar
- Signal No. 1: Silangang Quezon, Marinduque, Camarines Norte, Masbate, Leyte, Southern Leyte, hilagang Cebu, at Dinagat Islands

🌧️ Mga Posibleng Epekto

- Malalakas na hangin at tuloy-tuloy na pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas
- Storm surge hanggang 2.0 metro sa mga mabababang baybayin
- Mapanganib ang paglalayag, lalo na sa silangang baybayin ng Southern Luzon at Visayas, na may alon na aabot hanggang 5.5 metro

πŸ“Œ Paalala
Hindi inaalis ang posibilidad na lumakas pa bilang Severe Tropical Storm. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng LGUs at PAGASA.

January 17 2026 5:AM UPDATE
Earth WatchPh Digital

Reference Dost PAGASA

BAGYONG ADA NAPANATILI ANG LAKAS, SIGNAL NO 1 NAKATAAS PARIN SA BICOL, VISAYAS AT ILANG PARTE NG MINDANAO.Patuloy na kum...
16/01/2026

BAGYONG ADA NAPANATILI ANG LAKAS, SIGNAL NO 1 NAKATAAS PARIN SA BICOL, VISAYAS AT ILANG PARTE NG MINDANAO.

Patuloy na kumikilos pahilaga ang Tropical Storm ADA habang nasa Philippine Sea, silangan ng Eastern Visayas. Bandang 10:00 AM, ang sentro nito ay tinatayang 325 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar, taglay ang lakas ng hangin na 65 km/h, pagbugsong aabot sa 80 km/h, at presyur na 998 hPa, habang kumikilos northward sa bilis na 15 km/h.

Malawak ang saklaw ng hangin ni ADA, na umaabot hanggang 400 km mula sa sentro. Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, at hilagang-silangang Mindanao, kung saan posible ang malakas na hangin na may minimal hanggang minor na pinsala.

WIND SIGNAL NO.1

Eastern Camarines Norte: Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Daet, Talisay, Vinzons
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Eastern Masbate: Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, City of Masbate, Baleno, Aroroy
Islands: Ticao, Burias
Northern Samar
Samar
Eastern Samar
Biliran
Northern and central Leyte
Eastern Southern Leyte
3. Mindanao:
Dinagat Islands
Siargao – Bucas Grande Islands

Ayon sa PAGASA, ang pinakamataas na signal na maaaring itaas habang dumaraan si ADA ay Signal No. 2.

Bukod sa hangin, inaasahan ang malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng baha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga apektadong lugar. Mayroon ding minimal hanggang katamtamang storm surge na posibleng umabot sa 2.0 metro sa mabababang baybayin ng Bicol, Eastern Visayas, at Dinagat Islands sa loob ng 48 oras.

Sa karagatan, maalon hanggang maalon na dagat ang mararanasan, na may alon na maaaring umabot sa 4.0 metro sa ilang silangan at hilagang baybayin; kaya mahigpit na pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot.

Sa pagtataya ng PAGASA, mananatiling tropical storm si ADA habang nasa silangan ng Visayas at Southern Luzon, posibleng dumaan malapit sa Eastern at Northern Samar at Catanduanes, at maaaring humina bilang tropical depression sa mga susunod na araw.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumubaybay sa mga susunod na babala.

January 16 ,2026/11AM UPDATE
Earth WatchPh Digital

Reference Dost Pagasa

LOOK: SOUTHERN LUZON, VISAYAS, NORTHERN MINDANAO NATAKPAN NG MAKAPAL NA KAULAPAN DAHIL SA BAGYONG ADA.Patuloy na tinatak...
16/01/2026

LOOK: SOUTHERN LUZON, VISAYAS, NORTHERN MINDANAO NATAKPAN NG MAKAPAL NA KAULAPAN DAHIL SA BAGYONG ADA.

Patuloy na tinatakpan ng makapal at malawak na ulap ang , , at dulot ng Bagyong Ada, na nagdadala ng tuluy-tuloy na pag-ulan at masamang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Inaasahan ang panaka-nakang malakas na ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking komunidad.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng kinauukulang ahensya.

JANUARY 16, 2026
Earth WatchPh Digital

πŸ“·Zoom Earth

πŒπ€π˜ 𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐀 πŒπ€π†-π‹πŽπŽπ π’πˆ 𝐀𝐃𝐀 πŸŒ€πŸŒ§οΈBase sa ECMWF, GFS, at AI weather models, may posibilidad na umikot o mag-loop ang gala...
15/01/2026

πŒπ€π˜ 𝐂𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐀 πŒπ€π†-π‹πŽπŽπ π’πˆ 𝐀𝐃𝐀 πŸŒ€πŸŒ§οΈ

Base sa ECMWF, GFS, at AI weather models, may posibilidad na umikot o mag-loop ang galaw ng bagyong ( ) sa mga susunod na araw habang nasa karagatan pa rin.

Kung mangyari ito, mananatili ang impluwensya ng bagyo kaya posibleng magtagal ang pag-ulan, lalo na sa Bicol Region, sa Visayas at ilang parte ng Mindanao..

Dahil sa tuloy-tuloy na ulan, tumataas ang panganib ng:
β€’ pagbaha
β€’ pagguho ng lupa
β€’ lahar flow sa paligid ng Bulkang Mayon sa Albay, lalo na kapag malakas at sunod-sunod ang ulan

Pinapayuhan ang mga nasa silangang bahagi ng bansa na manatiling alerto at patuloy na mag-monitor. Stay safe everyone!

Reference: ECMWF/GFS/Ai models

πŸŒ€ TD ADA BAHAGYANG LUMAKAS, POSIBLENG MAGING TROPICAL STORM; SILANGANG NG BANSA NAKAAAPEKTO NA.Bahagyang lumakas ang Tro...
14/01/2026

πŸŒ€ TD ADA BAHAGYANG LUMAKAS, POSIBLENG MAGING TROPICAL STORM; SILANGANG NG BANSA NAKAAAPEKTO NA.

Bahagyang lumakas ang Tropical Depression AdaPH habang patuloy na
kumikilos sa Philippine Sea sa silangan ng Mindanao, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 4 ng PAGASA na inilabas alas-5 ng umaga, Enero 15, 2026.

πŸ“ Lokasyon ng Sentro (4:00 AM):
Tinatayang nasa 385 km East-Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o 465 km silangan ng Surigao City, taglay ang lakas na 55 km/h na hangin at bugso na umaabot sa 70 km/h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20 km/h, at ang malalakas na hangin ay umaabot hanggang 400 km mula sa sentro.

⚠️ TCWS NO. 1 NAKATAAS
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Luzon:
β€’ Sorsogon
β€’ Southeastern Albay (Rapu-Rapu, Manito, Legazpi City)
Visayas:
β€’ Northern Samar, Samar, Eastern Samar
β€’ Eastern Biliran
β€’ Eastern Leyte (kasama ang Tacloban City at karatig bayan)
β€’ Eastern Southern Leyte
Mindanao:
β€’ Dinagat Islands
β€’ Surigao del Norte
β€’ Surigao del Sur

πŸ‘‰ Epekto: Minimal hanggang minor na pinsala mula sa malalakas na hangin
πŸ‘‰ Pinakamataas na posibleng signal: TCWS No. 2

🌧 IBA PANG HAZARDS
β€’ Malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng baha at landslide, lalo na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao
β€’ Malalakas hanggang gale-force na hangin dulot ng Amihan at outer rainbands ng ADA, inaasahan sa Bicol, Visayas, Caraga, at silangan at hilagang Luzon mula ngayon hanggang Sabado

🌊 KONDISYON SA KARAGATAN
β€’ Rough seas hanggang 4.0 metro:
– Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Siargao, Dinagat
β€’ Hanggang 3.5 metro:
– Albay, Sorsogon, Aurora, Isabela, Camarines Norte, Surigao del Sur
β€’ Hanggang 3.0 metro:
– Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Davao Oriental
🚫 Pinapayuhan ang maliliit na sasakyang-dagat na huwag pumalaot, lalo na ang mga motorbanca.

🧭 TRACK AT INTENSITY OUTLOOK
β€’ Patuloy na kikilos pa-northwest ang ADA hanggang Linggo (Enero 18)
β€’ Inaasahang lilihis pa-north-northeast pagsapit ng Lunes (Enero 19)
β€’ Posibleng dumaan malapit sa Eastern Samar at Northern Samar sa Biyernes hanggang Sabado madaling-araw
β€’ Inaasahang malapit na pagdaan o posibleng landfall sa Catanduanes sa Linggo
β€’ Maaaring maging ganap na Tropical Storm ngayong araw at patuloy pang lalakas habang nasa karagatan

⚠️ Binibigyang-diin ng PAGASA na maaari pa ring makaranas ng malalakas na ulan at hangin kahit sa labas ng forecast track, depende sa galaw ng bagyo.

πŸ“’ PAALALA SA PUBLIKO
Pinapayuhan ang mga residente sa flood at landslide-prone areas na maging alerto at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan. Patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather advisories at tropical cyclone bulletins mula sa PAGASA.

January 15,2026
Earth WatchPh Digital

Source Dost PAGASA

BAGYONG ADA INAASAHANG LALAKAS PA SA SUSUNOD NA 24 ORAS BILANG TROPICAL STORMπŸŒ€Inaasahan ang malakas na ulan, hangin, at ...
14/01/2026

BAGYONG ADA INAASAHANG LALAKAS PA SA SUSUNOD NA 24 ORAS BILANG TROPICAL STORMπŸŒ€

Inaasahan ang malakas na ulan, hangin, at mataas na alon dahil sa papalapit na bagyong ADA. Mula Hilagang Luzon hanggang Bicol, CALABARZON, Visayas, at Caraga.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong 14 Enero 2026, ang Tropical Depression Ada ay matatagpuan 545 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at gumagalaw pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h. May dala itong hangin na umaabot sa 45 km/h at bugso ng hanggang 55 km/h.

Pinakamataas na wind signal na maaaring itaas ay Signal No. 2, habang sa ibang lugar ay Signal No. 1 lang. Asahan ang minimal hanggang minor na epekto sa mga apektadong lugar.

WIND SIGNAL NO.1
Northern Samar,
Samar
Eastern Samar
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur

Sa dagat, may maalon hanggang napaka-alon na kondisyon, na maaaring umabot ang taas ng alon hanggang 4 metro sa ilang baybayin. Pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot.

Ayon sa forecast, tutungo pa-hilagang-kanluran ang ADA sa loob ng tatlong araw. Posibleng dumaan o mag-landfall ito sa Eastern Visayas sa Biyernes o Sabado, at sa Catanduanes sa weekend. Inaasahan ding lakas-lakasin ito at magiging Tropical Storm sa loob ng 24 oras habang nasa Philippine Sea.

JANUARY 14, 2026
Earth WatchPh Digital

Source: Dost PAGASA

MGA LUGAR POSIBLENG APEKTADO NG BAGYONG ADAπŸŒ€Nasa ilalim ng Alert Level (900 km diameter ng Tropical Cyclone ADA) ang ila...
14/01/2026

MGA LUGAR POSIBLENG APEKTADO NG BAGYONG ADAπŸŒ€

Nasa ilalim ng Alert Level (900 km diameter ng Tropical Cyclone ADA) ang ilang lalawigan sa bansa. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto dahil sa posibleng malalakas na ulan, bugso ng hangin, at pagbaha sa mga susunod na oras o araw.

πŸ“ Mga Lalawigang Apektado:

Quezon, Camarines Sur, Bohol, Albay, Surigao del Norte, Biliran, Samar, Romblon, Isabela, Leyte, Agusan del Sur, Northern Samar, Eastern Samar, Negros Oriental, Southern Leyte, Antique, Iloilo, Bulacan, Dinagat Islands, Misamis Oriental.

Batangas, Davao Oriental, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Cebu, Masbate, Oriental Mindoro, Laguna, Guimaras, Aklan, Bukidnon, Catanduanes, Capiz, Negros Occidental, Sorsogon, Rizal, Aurora, Camarines Norte, Davao de Oro, Marinduque, Camiguin, Nueva Vizcaya, Quirino, at Nueva Ecija.

KEEP MONITORING FOR MORE UPDATES

SIGNAL  #1 NAKATAAS NA SA ILANG PARTE NG MINDANAO AT EASTERN VISAYAS, BAGYONG ADA POSIBLENG AABOT SA TS CATEGORY.Patuloy...
14/01/2026

SIGNAL #1 NAKATAAS NA SA ILANG PARTE NG MINDANAO AT EASTERN VISAYAS, BAGYONG ADA POSIBLENG AABOT SA TS CATEGORY.

Patuloy na binabantayan ang Bagyong ADA na inaasahang magdadala ng malalakas na bugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa dahil sa kombinasyon ng bagyo at Northeast Monsoon o Amihan.

Ang sentro ng Tropical Depression ADA ay tinatayang matatagpuan sa layong 635 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Ito ay kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h. Sa kasalukuyan, taglay nito ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at may bugso ng hangin na umaabot sa 55 km/h.

Ayon sa ulat, minimal hanggang minor na epekto lamang ang inaasahan sa mga lugar na nasa ilalim ng Wind Signal No. 1, habang Wind Signal No. 2 ang pinakamataas na posibleng itaas habang dumaraan ang bagyo. Mas ramdam ang lakas ng hangin sa mga baybayin at kabundukan.

WIND SIGNAL NO 1
β€’Northern Samar
β€’Samar
β€’Eastern Samar
β€’Dinagat Islands
β€’Surigao del Norte
β€’Surigao del Sur

Simula ngayon hanggang Biyernes, inaasahang makakaranas ng malakas hanggang halos gale-force na hangin ang Hilagang at Silangang Luzon, Bicol Region, CALABARZON, Mindoro, Romblon, Visayas at Caraga.
Kasabay nito, inaasahang magiging maalon hanggang napakaalon ang karagatan, lalo na sa silangang bahagi ng bansa. Dahil dito, pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot para sa kaligtasan.

Batay sa forecast, kikilos si ADA pahilagang-kanluran at posibleng dumaan malapit o mag-landfall sa Eastern Visayas sa Enero 16 hanggang 17, bago tumungo sa Catanduanes at tuluyang lumihis pa-northeast. Inaasahang lalakas ito bilang Tropical Storm sa loob ng 24 oras.

πŸ“Œ Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at sumubaybay sa mga susunod na weather bulletin ng PAGASA.

DOST PAGASA

BAGYONG ADA IS HERE, UNANG BAGYO NGAYONG 2026Bandang 8:00 ng umaga ngayong araw, Enero 14, ang binabantayang sama ng pan...
14/01/2026

BAGYONG ADA IS HERE, UNANG BAGYO NGAYONG 2026

Bandang 8:00 ng umaga ngayong araw, Enero 14, ang binabantayang sama ng panahon ay ganap nang naging Tropical Depression at pinangalanang , ayon sa PAGASA.

Patuloy itong mino-monitor dahil maaari itong magdulot ng pag-ulan at pagbugso ng hangin sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Ang susunod na Tropical Cyclone Bulletin ay ilalabas simula 11:00 ng umaga ngayong araw, kung saan ilalahad ang pinakabagong impormasyon hinggil sa lakas, galaw, at posibleng epekto ng bagyo.

πŸ“·DOST PAGASA

13/01/2026

LPA BAGYO NA PER JMA AT MATAAS NARIN MAGING BAGYO' NGAYONG ARAW PER PAGASA.

LPA nasa Silangan ng Mindanao ganap ng Tropical Depression Per Japan Meteorological Agency (JMA), Samantala ayon naman sa PAGASA mataas na rin ang tsansang maging ganap na bagyo ngayong araw. As of 3:00 AM, ito ay nasa humigit-kumulang 755 km silangan ng Davao City.

Base sa wind forecast map, maaari itong lumakas habang papalapit sa bansa at magdala ng malalakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa silangang bahagi ng Pilipinas hanggang weekend.

Kung maging ganap na bagyo na ito sa PAGASA tatawaging itong local name na "ADA".

πŸ“ Pinakamalapit na pagdaan: Biyernes hanggang Sabado sa – area, bago posibleng kumurba pa-hilaga at lumayo sa kalupaan.

🌧️ Posibleng maapektuhan: , , , , , at ilang bahagi ng dahil sa pinagsamang epekto ng bagyo, amihan, at shear line.

⚠️ Bagama’t mahina pa ang hangin, ang malawakang ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha at landslide, lalo na sa mga mababang lugar at bulubundukin.

January 14,2026
Earth WatchPh Digital

Reference PAGASA/JMA

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Earth WatchPh Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Earth WatchPh Digital:

Share