13/09/2025
๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ: ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข, ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐จ๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ
Itinuturing na pangunahing katuwang ng bansa ang mga g**o sa pagtugon sa lumalalang krisis sa pagbasa at pagkatuto, matapos ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang ARAL Program na nakatuon sa pagbasa, matematika, at agham mula Kindergarten hanggang Grade 10.
Batay sa mga internasyonal na pagsusuri, nakapagtala ang Pilipinas ng mababang resulta: PISA 2018 (Programme for International Student Assessment), isang global study na sumusukat sa kakayahan ng 15-anyos na mag-aaral sa pagbasa, matematika, at agham, kung saan huling puwesto ang bansa; TIMSS 2019 (Trends in International Mathematics and Science Study) na sumusuri sa kakayahan ng Grade 4 at Grade 8 students sa Math at Science, kung saan panghuli rin ang Pilipinas sa 58 bansa; at SEA-PLM (Southeast Asia Primary Learning Metrics), na tumutok sa reading, writing, at numeracy ng Grade 5 pupils sa Southeast Asia, kung saan lumabas na isa sa bawat sampung Pilipinong mag-aaral ay hindi marunong bumasa.
Dagdag pa rito, 24โ30% ng mga Filipino graduates ang muling natukoy na hindi functionally literate matapos ang rebisyon ng PSA sa pamantayan noong 2024.
Ayon kay Division Education Supervisor Mary Therese C. Castro, malaking bahagi ng solusyon ang dedikasyon ng mga g**o sa pagpapatupad ng programa. โNapakalaki ng ginagampanan ng g**o sa prosesong ito. Mayroon tayong mga estudyanteng hindi matututo kung walang nagtuturo sa kanila, at dito pumapasok ang pagiging committed ni teacher. Ang g**o ang nakakaalam kung anong estratehiya ang angkop para sa bawat indibidwal na mag-aaral,โ paliwanag niya.
Sa tala ng DepEd, sa pagitan ng BOSY at EOSY ng 2024โ2025, umabot sa 22% ang itinaas ng bilang ng mga mag-aaral na โgrade-level readers.โ Gayunman, may mga paaralang nakaranas ng pag-atras mula 3 hanggang 54 percentage points, bagay na nagpatunay na mahalaga ang konsistenteng implementasyon ng mga g**o.
Ang ARAL Program ay nakatuon sa Reading at Mathematics (Grades 1โ10), Science (Grades 3โ10), at foundational skills para sa Kindergarten. Bahagi rin nito ang paggamit ng Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) upang masukat ang antas ng pagbasa ng bawat mag-aaral mula low emerging reader hanggang grade-level reader.
Ipinapakita ng mga datos na ang krisis sa literasiya ay totoo at talamak, at ang pinakamabisang tugon dito ay ang aktibong papel ng mga g**o sa pagpili at paggamit ng angkop na estratehiya para sa bawat mag-aaral.
Sa kanilang malasakit at dedikasyon, nakasalalay ang pag-angat ng antas ng pagbasa at ang kinabukasan ng kabataang Pilipino.
โ๏ธ: ๐๐๐๐ ๐๐๐ข๐ซ๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐
๐ท: ๐๐๐ฒ๐ง๐๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐จ๐ง
๐ป: ๐๐๐๐ฒ๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐ฌ๐ข๐๐จ