17/12/2025
STATEMENT OF REP. PAOLO “PULONG” DUTERTE
Wala pa gani nakasuhan ang mastermind sa halos ₱1 TRILLION nga korupsyon, may panibago na namang bilyon-bilyong piso ang biglang lumitaw—sa gastos ng taumbayan.
Ganito na lang ba palagi?
Habang wala pang nananagot, dinadagdagan pa ang discretionary funds, pinalalaki sa bicam, pinalulusot sa dilim, at ipinapasa sa publiko ang bayarin.
Gaano ba kalaki ang sikmurang kayang lumunok ng ganitong kalaking pera—na walang malinaw na paliwanag, walang malinaw na pananagutan?
Kung seryoso kayo sa laban kontra korupsyon, simulan ninyo sa paniningil sa mga tunay na salarin, hindi sa paglikha ng panibagong pondo na puwedeng abusuhin.
Hindi puwedeng habang may ₱1 trillion na hindi pa napapanagot, may bagong ₱63.9 billion na ibinubuhos na parang walang bukas.
The Filipino people are not stupid. Kita na nila ang pattern. Nawala nga ang pondo sa flood control,nilipat nman sa AICS na ginagawang political weapon ng mga kaalyado ng palasyo.
Buti lang sana kung napupunta lahat sa ating mga kababayan, ang masama pa eh sa experience natin on the ground ay sobra sa kalahati pa ang nawawala sa orihinal na pinangako na matatanggap ng taumbayan.
Enough. Ika nga ng isang bangag, MAHIYA NAMAN KAYO!!!
Ang pera ng bayan ay hindi walang katapusang balon para sa inyong kapritso.
At hindi namin hahayaang malunod sa katahimikan ang tanong ng taumbayan:
UNSA DIAY KALALOM INYONG BULSA?