23/12/2025
Harsh truth I learned at 30+
Hindi lahat ng Pasko masaya.
Dati, ang saya ng Pasko, maraming regalo, kumpletong pamilya, tawanan sa hapag, at walang iniintinding problema. Pero habang tumatanda ka, mapapansin mong unti unti silang nababawasan. Wala na si lola. Wala na si Tatay. Tahimik na ang bahay. Yung dating puno ng tawa, ngayon puno ng alaala.
Masaya ka pa rin pero may halong lungkot. Dahil habang pinipilit mong maging present sa Pasko, iniisip mo rin yung mga taong wala na. Yung mga planong hindi natupad. Yung mga taong iniwan ka o kailangan mong iwan.
At doon mo marerealize:
Ang tunay na halaga ng Pasko ay hindi lang sa saya, kundi sa lakas ng loob na ipagdiwang ito kahit may kirot. Kahit mag isa ka.
Minsan, ang pinaka regalo mo sa sarili ay ang pagtanggap. 👍