Ang Aghamanon

  • Home
  • Ang Aghamanon

Ang Aghamanon "Panulat ang mabisang sandata"
Opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School sa Filipino

Ang Aghamanon ay isa sa opisyal na pahayagan ng Rizal National Science High School. Layunin nitong magbigay ng mga napapanahong impormasyon at opinyon sa tulong ng ilang piling mag-aaral ng naturang paaralan.

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, mula Setye...
24/09/2025

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, mula Setyembre 25-27, Huwebes hanggang Sabado, alinsunod sa banta ng Tropical Cyclone Opong (Bualoi) sa CALABARZON at pagtaas ng RED ALERT batay sa DILG Codix.

Mag-ingat at manatiling alerto, RiScians!

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, bukas, Set...
22/09/2025

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, bukas, Setyembre 23, alinsunod sa Heavy Rainfall Warning No.8 ng Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA).

Kaugnay nito, pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na mag-ingat at maging handa sa posibleng panganib at epekto ng masamang panahon na dulot ng bagyo.

Manatiling ligtas, RiScians!

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, sa Lunes, ...
21/09/2025

PASADA BALITA: Sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang lahat ng antas ng klase, publiko at pribado, sa Lunes, Setyembre 22, alinsunod sa pagtaas ng Red Alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa banta ng Bagyong Nando.

Inaasahang tatama ang naturang bagyo sa kalupaan ng CALABARZON na magdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan sa mga susunod na araw.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—•๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—”! Nag-uwi ng karangalan ang ilang miyembro ng Ang Aghamanon matapos magtagumpay sa District ...
06/09/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—•๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—”!

Nag-uwi ng karangalan ang ilang miyembro ng Ang Aghamanon matapos magtagumpay sa District Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Binangonan Elementary School (BES) mula Setyembre 2-5.

Mga mag-aaral na nagkamit ng parangal:

๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ฉ๐—œ๐——๐—จ๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Jelaine Orain
PAGSULAT NG BALITA | Ikalawang Pwesto

Ervin Azarcon
PAGSULAT NG ISPORTS | Ikatlong Pwesto

Lyle Da-anoy
PAGSULAT NG AGTEK | Ikaapat na Pwesto

Jaden Baltazar
PAGSULAT NG LATHALAIN | Ikapitong Pwesto

Miko Dela Cruz
PAGSULAT NG EDITORYAL | Unang Pwesto

Shanelle Hinolan
PAGSULAT NG KOLUM | Ikaapat na Pwesto

Soyon Cinco
PAGKUHA NG LARAWAN | Ikatlong Pwesto

Jessa Julian
PAGWAWASTO NG BALITA | Ikaapat na Pwesto

Princess Anne Catap
MOBILE JOURNALISM | Unang Pwesto

๐—š๐—ฅ๐—ข๐—จ๐—ฃ ๐—–๐—”๐—ง๐—˜๐—š๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

ONLINE PUBLISHING | Best Group
Cassandra Marie Reyes
Danica Johanna Dolor
Eds Johan Maycacayan
Emman Noelle Celajes
Sandrick Espiritu Santo

COLLABORATIVE DESKTOP PUBLISHING | Best Group
Elijah Dan Sinquenco
Ericka Santos
Joemme Coquial
Kim Claudine Dado
Phoebe Lodriguito
Rhosamaria Sto Tomas
Sophia Chua

RADIO SCRIPTWRITING AND BROADCASTING | Best Group
Ann Azela Shiloh Varias
Ario Iรฑigo Burgos
Czarina Jade Maligalig
Janine Franchesca Medina
Karl Cyril Malabriga
Matthew Capisanan
Virgie Antonette Lerona

๐—ก๐—”๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—ข๐—ž

Ricka Mae Dolem
PAGGUHIT NG KARTUN

๐ŸŽจ: Aerith Castro at Ruwis Simora

DSPC '25, opisyal nang binuksanSinimulan ngayong araw ang 2025 District School Press Conference (DSPC) sa Binangonan Ele...
02/09/2025

DSPC '25, opisyal nang binuksan

Sinimulan ngayong araw ang 2025 District School Press Conference (DSPC) sa Binangonan Elementary School (BES) upang bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mamamahayag sa nasabing distrito na ipamalas ang kanilang husay sa larangan ng peryodismo.

Sasaklawin ng nasabing patimpalak ang iba't ibang individual at group categories na magaganap mula Setyembre 2 hanggang 5.

Inaasahang magiging matibay na pundasyon ang DSPC upang mahasa pa ang kakayahan ng mga batang mamamahayag at magsilbing paghahanda sa nalalapit na mas malaking patimpalak na gaganapin sa susunod na buwan.

Isinulat ni: Jelaine Orain
Kuha ni: Soyon Cinco

Ngayong Agosto 30, ipinagdiriwang natin ang National Press Freedom Day bilang paggunita kay Marcelo H. del Pilar o โ€œPlar...
30/08/2025

Ngayong Agosto 30, ipinagdiriwang natin ang National Press Freedom Day bilang paggunita kay Marcelo H. del Pilar o โ€œPlaridel,โ€ na kinikilalang Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas at isinilang noong Agosto 30, 1850.

Hindi lamang ito pag-alala sa kaniyang ambag, kundi pagpapatibay ng kahalagahan ng malayang pamamahayag bilang haligi ng demokrasya at katotohanan.

Sa bisa ng Republic Act No. 11699 na nilagdaan noong Abril 13, 2022, idineklara itong isang working holiday. Itinakda rin ng batas na pangunahan ng DepEd, CHED, at TESDA ang mga paaralan sa pagsasagawa ng mga gawaing nagbubukas-kamalayan sa kahalagahan ng pamamahayag at sa laban kontra karahasan sa mga mamamahayag.

Sa pamamagitan nito, taon-taon inaalala ng bansa ang mahalagang papel ng midya sa pagpapanatili ng katarungan, pananagutan, at karapatan ng mamamayan na malaman ang katotohanan.

โœ๐Ÿผ: Danica Johanna Dolor
๐ŸŽจ: Cassandra Marie Reyes

Ngayong araw, sabay-sabay nating gunitain ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan na kasa...
25/08/2025

Ngayong araw, sabay-sabay nating gunitain ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan na kasalukuyan nating tinatamasa. Ating bigyang pagpupugay ang bawat bayaning lumaban noon at ang mga lumalaban hanggang sa kasalukuyang panahon.

Nawa'y manalaytay pa rin sa atin ang pagmamahal sa ating bayan at ang pagkilala sa ating kalayaan at mga karapatan sa kasalukuyan.

Bilang pagbibigay gunita sa mga bayani, ito ay ginugunita tuwing huling Lunes ng Agosto, alinsunod sa Republic Act 9492.

โœ๐Ÿป: Dariana Aysha Magno
๐ŸŽจ: Joemme Coquial

Ngayong araw, ginugunita ng buong bansa ang ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ bilang pag-alala sa buhay at sakripisyo ni Senador Benigno ...
21/08/2025

Ngayong araw, ginugunita ng buong bansa ang ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ bilang pag-alala sa buhay at sakripisyo ni Senador Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr., na kilala bilang isa sa mga pangunahing tinig ng oposisyon noong panahon ng diktadura.

Patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagsisilbing paalala ng kahalagahan ng tapang, katotohanan, at demokrasya ang tanyag na pahayag ni Ninoy na "The Filipino is worth dying for." Para sa maraming Pilipino, ang kanyang kamatayan ay hindi naging wakas kundi simula ng mas malawak na panawagan para sa pagbabago.

Bilang pagkilala, idineklara ang Agosto 21 bilang special non-working holiday sa bisa ng Republic Act No. 9256 na nilagdaan noong 2004. Sa pamamagitan nito, taon-taon inaalala ng bansa ang kontribusyon ni Ninoy sa muling pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Isinulat ni: Jelaine P. Orain
Idinisenyo ni: Aerith Castro

Nasikwat ng RNSHS Arnis Team ang 34 na medalyaโ€”apat na ginto, 15 pilak, at 15 tansoโ€”sa Palarong Pambayan 2025 matapos ma...
16/08/2025

Nasikwat ng RNSHS Arnis Team ang 34 na medalyaโ€”apat na ginto, 15 pilak, at 15 tansoโ€”sa Palarong Pambayan 2025 matapos magwagi sa lahat ng anyo at full contact events na ginanap ngayong Agosto 16 sa Mahabang Parang Elementary School. Kinabibilangan nina Latrell Galagate, Timothy Gutierrez, Derrell Caramat, Chris Rollon, at Ram Membrebe ang boys team at nina Zyrell Matutis, Christiana Plata, Ericka Pangilinan, Ava Leses, at Ashlie Wilth naman ang girls team. Natamo nina Galagate, Rollon, Plata, at Pangilinan ang apat na ginto mula sa full contact event.

๐Ÿ“ท Florence Aragoncillo
โœ’๏ธ Danica Dolor

Bumulsa ng tansong medalya ang Spartans tandem na sina Francis Alimagno at James Bolajo sa Men's Badminton Doubles sa Pa...
16/08/2025

Bumulsa ng tansong medalya ang Spartans tandem na sina Francis Alimagno at James Bolajo sa Men's Badminton Doubles sa Palarong Pambayan 2025 na ginanap sa Vicente Madrigal Integrated School ngayong araw, Agosto 16. Dinomina ng dalawa ang kanilang unang laban ngunit nabigong manalo sa kamay ng BCC sa semifinals. Sa kasalukuyan, ito na ang pang-anim na medalyang naiuuwi ng Spartans sa nasabing palaro.

๐Ÿ“ท Rheana Ojascastro, William Baquiran
โœ’๏ธ Karl Malabriga

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Sen. Erwin Tulfo, pinangunahan ang hubileo ng mga lingkod-bayanPinasinayaan ni Senator Erwin Tulfo ngayong araw...
16/08/2025

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก: Sen. Erwin Tulfo, pinangunahan ang hubileo ng mga lingkod-bayan

Pinasinayaan ni Senator Erwin Tulfo ngayong araw ang โ€œJubilee: Celebration for Government Officialsโ€ sa Sta. Ursula Parish Church, Binangonan, Rizal.

Nagtipon ang mga bagong nailuklok na opisyales sa ibaโ€™t ibang bayan ng Rizal upang patibayin ang kanilang panunungkulan sa bayan.

Sa mensahe ni Tulfo, binigyang-diin niya ang gampanin ng gobyerno bilang sandigan ng mamamayan.

โ€œTayo dapat ang huling takbuhan ng mga inaapi, ng mga minamaliitโ€”bilang mga lingkod-bayan, let us remember that government service is public service.โ€

๐Ÿ“ท Jelaine Orain
โœ’๏ธ Dane Diaz, Jelaine Orain

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Nagdagdag ng apat na medalya ang RNSHS Chess Team sa medal tally ng Spartans sa Palarong Pambayan 2025. Nakapa...
16/08/2025

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Nagdagdag ng apat na medalya ang RNSHS Chess Team sa medal tally ng Spartans sa Palarong Pambayan 2025. Nakapag-ambag sina Cyrus Andres at Airey Liwag ng dalawang ginto para gawing tatlo ang gintong medalya ng Spartans sa kasalukuyan. Samantala, nasungkit ni Cid Lanbert Campos ang unang pilak ng Spartans at sinundan naman ito ni Michaela Chiuco ng isa pa.

๐Ÿ“ท Chasetine Castillo
โœ’๏ธ Karl Malabriga

Address

J. P. Street

1940

Opening Hours

Monday 07:00 - 21:00
Tuesday 07:00 - 21:00
Wednesday 07:00 - 21:00
Thursday 07:00 - 21:00
Friday 07:00 - 21:00
Saturday 08:00 - 20:00
Sunday 08:00 - 18:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Aghamanon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Aghamanon:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share