18/06/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ญ.๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฎ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ด๐ฎ๐ฆ๐ฐ๐ถ
Balik-eskuwela na ang 1,261 na mag-aaral ng Legazpi City Science High School (LegaSci) noong Lunes, Hunyo 16, sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2025โ2026 at patuloy na Oplan Balik Eskwela ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa tala ng Records Office, 693 sa mga bilang na ito ay mag-aaral mula sa Junior High School at 568 naman mula sa Senior High School, na sinalubong agad ng isang Opening Program na inorganisa ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa umaga.
Gaya ng nakagawian tuwing Lunes sa paaralan, isinagawa ang flag ceremony sa covered court sa ganap na alas-7 ng umaga, na tumagal ng halos 30 minuto.
Kasunod ng flag ceremony, agad naghandog ng piling awitin ang The Argentum Chorale at Cuerdas Legasay Rondalla, ang opisyal na choir at rondalla ng paaralan.
Pagkatapos nito, bumalik ang mga mag-aaral sa kanilang mga silid-aralan para sa pagpapakilala, pag-uusap sa mga gawain sa klase, at paghahanda sa pagpapatuloy ng Opening Program sa hapon.
Ayon kay Florence Orinoco, pangulo ng SSLG, pinaghandaan nila ang okasyon sa pamamagitan ng hazard mapping, pagdisenyo ng entablado at freedom wall, at maagang pag-abiso at pagpili sa mga performers.
โNag-provide ang SSLG ng section placards na inilagay sa unahan ng bawat linya sa flag ceremony, at naka-station din ang mga Grade Level Representatives kasama ang kanilang respective grade levels para ma-ensure ang organization,โ pahayag ni Orinoco.
โAt para naman sa executive officers, naka-standby lang kami para mag-assist at mag-guide sa mga students, lalo na sa mga transferees, na naghahanap ng kani-kanilang linya at classrooms,โ dagdag niya.
Lagpas alas-3 ng hapon na nang sinimulan ang ikalawang bahagi ng programa sa pamamagitan ng isang simpleng โBring Meโ game, na sinundan ng dance performance ng bagong tatag na Sindak Urayon Dance Troupe.
Sumunod dito ang pagtatanghal ng mga bandang Raderie at Lumine, na binubuo ng ilang mga Citinista mula Baitang 8 at 11.
Gayunpaman, maagang tinapos ang programa nang maantala ang ikalawang kanta ng huling banda dahil lumagpas na ito sa curfew ng paaralan.
Sa huli, nagpahayag ng kasiyahan ang ilang Citinista sa maayos at organisadong pagbubukas ng klase, na kanilang itinuring na isang โkaaya-ayang karanasan.โ
โAs a graduating student na ilang opening of classes na ang pinagdaanan, ang fulfilling na โyung last one na mararanasan ko ay ganto kasaya at ka-memorable,โ ani Quirah Pelo, mag-aaral ng STEM 12 โ Tesla.
โNamangha po ako sa mga ipinakitang talento ng mga Citinista tulad ng pagkanta at pagsasayawโat malaki po ang tiwala ko na malayo ang aking mararating sa tulong ng LegaSci,โ kuwento ni Anton Brutas, isang transferee mula Baitang 11.
Ayon sa school calendar na inilabas ng DepEd noong Abril, inaasahang tatagal ang taong panuruan hanggang Marso 2026, na may kabuuang 197 araw ng pasok.
Kumpara sa nakaraang taon, mas marami ang mga nakapag-enroll ngayong 2025 dahil sa pagdagdag ng isa pang seksyon sa Baitang 11 sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand.
๐๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ณ๐จ๐ฐ๐ต ๐๐ฐ๐ฎ๐ข๐ฏ๐ฐ / ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ข๐บ๐ข
๐๐ธ๐ช๐ฏ๐ข๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฐ๐ด๐ฆ๐ฑ๐ฉ ๐๐ป๐ช๐ญ ๐๐ถ๐ฆ๐ฏ๐ข / ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ข๐บ๐ข
๐๐๐จ๐๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฌ๐: https://www.deped.gov.ph/2025/04/15/april-15-2025-do-012-s-2025-multi-year-implementing-guidelines-on-the-school-calendar-and-activities/ | ๐ท๐ช๐ข ๐๐ฆ๐ฑ๐๐ฅ ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด