Dalumat

Dalumat Opisyal na Pahayagan ng San Pablo City Science Integrated High School sa Wikang Filipino.

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”Ipinapakilala ang mga pananaw, panukala, at konkretong hakbang ng mga kandidatong mula sa Part...
15/02/2026

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”

Ipinapakilala ang mga pananaw, panukala, at konkretong hakbang ng mga kandidatong mula sa Partidong ๐™ƒ๐™„๐™๐˜ผ๐™”๐˜ผ ng ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฎ (๐—•๐—ž๐——) na buong pusong nagnanais maglingkod sa darating na Hirang 2026.

Ngayong Pebrero 16, 2026, muling masasaksihan ang lakas ng tinig ng kabataang SciHighโ€”kung saan ang bawat boto ay hindi lamang marka sa balota, kundi paninindigan para sa mas maayos at mas makabuluhang pamumuno.

๐Ÿค Makinig nang bukas ang isipan.
๐Ÿ“Œ Suriin ang plataporma.
โœ… Bumoto nang may paninindigan.


๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”Ipinakikilala ang mga lupon ng mag-aaral na handang manguna, makinig, at magsakatuparan ng mak...
15/02/2026

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”

Ipinakikilala ang mga lupon ng mag-aaral na handang manguna, makinig, at magsakatuparan ng makabuluhang paglilingkod para sa komunidad ng SciHigh. Sila ang mga inaasahang maging bagong mukha ng pamumuno sa ๐˜ฝ๐™–๐™ง๐™ ๐™–๐™™๐™– ๐™†๐™ค๐™ฃ๐™ฉ๐™ง๐™– ๐˜ฟ๐™ง๐™ค๐™œ๐™– (๐˜ฝ๐™†๐˜ฟ), kasama ang mga dedikadong kinatawan mula sa Partidong ๐™ƒ๐™„๐™๐˜ผ๐™”๐˜ผ. ๐Ÿ“ฃ

Panahon na upang igiit ang ating tinig sa pamamagitan ng matalinong pagpili. Timbangin ang kakayahan, pag-aralan ang kanilang mga layunin, at unawain ang platapormang magbibigay-direksyon sa mas maunlad at inklusibong pamayanan ng SciHigh.

๐Ÿค Makialam.
๐Ÿ“Œ Magnilay.
โœ… Bumoto nang may paninindigan.


๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”Ipinakikilala ang mga lupon ng mag-aaral na handang manguna, makinig, at magsakatuparan ng mak...
15/02/2026

๐Š๐ข๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ง๐ฌ๐ข๐ง! ๐Ÿ”

Ipinakikilala ang mga lupon ng mag-aaral na handang manguna, makinig, at magsakatuparan ng makabuluhang paglilingkod para sa komunidad ng SciHigh. Sila ang mga inaasahang maging bagong mukha ng pamumuno sa ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ง๐™š๐™ข๐™š ๐™Ž๐™š๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™™๐™–๐™ง๐™ฎ ๐™‡๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™š๐™ง๐™จ ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ (๐™Ž๐™Ž๐™‡๐™‚), kasama ang mga dedikadong kinatawan mula sa Partidong ๐™€๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™. ๐Ÿ“ฃ

Panahon na upang igiit ang ating tinig sa pamamagitan ng matalinong pagpili. Timbangin ang kakayahan, pag-aralan ang kanilang mga layunin, at unawain ang platapormang magbibigay-direksyon sa mas maunlad at inklusibong pamayanan ng SciHigh.

๐Ÿค Makialam.
๐Ÿ“Œ Magnilay.
โœ… Bumoto nang may paninindigan.


20/01/2026
๐—˜-๐—ฃ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ || ๐—ฆ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ-๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ปSi Maโ€™am Aleya Lou Reyes, 23, isang Bachelor of Secondary Education Major in Filipino...
10/01/2026

๐—˜-๐—ฃ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ || ๐—ฆ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ-๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

Si Maโ€™am Aleya Lou Reyes, 23, isang Bachelor of Secondary Education Major in Filipino student ng Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo, na kasalukuyang nasa on-the-job training, ay nagsisimula sa simpleng pagmamasid sa kaniyang cooperating teacher upang maunawaan ang aktuwal na proseso ng pagtuturo sa loob ng silid-aralan. Sa bawat obserbasyong ginagawa, unti-unti niyang hinuhubog ang pundasyong magdadala sa kaniya mula sa pagiging mag-aaral tungo sa pagiging ganap na guroโ€”patunay na ang mga pangarap ay nasisimulan kahit sa mga munting hakbang.

Pitik ni: Lovely Elisse Pongase

PABATID. May pahintulot ang publikasyon mula sa mga indibidwal na kabilang upang magamit ang larawang ito. Ipinagbabawal ang anumang paggamit o pagkuha nito nang walang pahintulot.


๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐–๐€ | ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ปBumabagal ang takbo ng oras sa tuwing dumadaan ka sa mga senaryong wala sa iyong...
27/12/2025

๐’๐”๐‹๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐–๐€ | ๐—ก๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป

Bumabagal ang takbo ng oras sa tuwing dumadaan ka sa mga senaryong wala sa iyong plano. At para sa akinโ€”masyadong mabilis ang taong ito. Marami akong nais gawin, gustong tapusin, at inaasam na maranasan ngunit hindi ko kayang maging lahat ng ito nang sabay-sabay sapagkat ang bawat indibidwal ay may limitasyon. โ€˜Yan ang natutunan ko ngayong taon.

Pagtungtong ko ng hayskul, madalas kong naririnig sa mga matatanda na wala na raw ang esensya ng Paskoโ€”hindi na nila dama ang presensya nito. Napaisip tuloy ako sa loob-loob ko, ano nga ba ang diwa ng Pasko?

Noong wala pa โ€˜kong kamuwang-muwang, madali lang ang sagot. Ang Pasko ay ilaw sa kalsada, init ng handaan, at mga regalong kinasasabikan ko noon. Ito ang panahon ng buoโ€”buong pamilya, buong tawanan, buong saya. Ngunit habang tumatanda ako, tila mas kumukonti ang mga buo. May mga upuang nananatiling bakante, may mga ngiting pilit, at may mga katahimikang mas maingay kaysa sa paputok ng bagong taon.

Ngayon, mas malinaw na ang mga araw, ngunit mas mabigat din. Mas maikli ang pahinga, mas mahaba ang mga listahan, at mas marami ang kailangang gampanan. Darating muli ang Pasko tulad ng datiโ€”may ilaw pa rin, may handa pa rin, may mga awiting paulit-ulit kong naririnig taon-taon. Ngunit may kung anong hindi ko na agad maramdaman. At sa halip na tanungin kung nasaan ang Pasko, napaisip ako kung nasaan ako nang dumating ito.

Sa darating na Pasko, napansin kong mas tahimik ang paligid. Hindi dahil wala nang selebrasyon, kundi dahil ako mismo ang napagod sa ingay. Sa dami ng kailangang tapusin bago matapos ang taon, sa bigat ng mga inaasahanโ€”mula sa sarili ko at sa ibaโ€”unti-unting nawala ang espasyong dapat sanaโ€™y pahingahan. Ang Pasko, na datiโ€™y pahinga, ay naging isa na lamang petsang kailangan lampasan.

Siguro kaya sinasabi ng matatanda na nawawala ang diwa ng Pasko ay dahil natututo tayong magdala ng mga bagay na hindi naman dapat. Mga pangarap na hindi natupad, mga desisyong paulit-ulit nating kinukwestiyon, at mga bersyon ng sarili natin na iniwan sa gitna ng taon. At kapag dumating ang Disyembre, sabay-sabay silang kumakatokโ€”hinihingi ang pansin na buong taon nating ipinagkait.

Marahil hindi naman talaga naglaho ang diwa ng Pasko. Tahimik lang itong nanatili, naghihintay sa parehong lugar kung saan ko ito iniwan. Ako ang naging abala, ako ang natutong magmadali, ako ang natutong punuin ang bawat sandali ng pag-aalala at pagod. At sa dami ng binago ko sa sarili ko para makasabay sa mundo, nakalimutan kong bumagalโ€”nakalimutan kong makinig.

Kaya ngayong Pasko, sinubukan kong huminto kahit sandali. Hindi para hanapin ang dati, kundi para harapin ang kasalukuyan. Doon ko napansin na wala namang umalis. Ang Pasko ay naroon pa rinโ€”parehong ilaw, parehong lamig ng hangin sa gabi, parehong katahimikang handang umupo sa tabi mo.

Nag-iba lang ang tumitingin. At marahil, iyon ang tunay na pagbabagoโ€”hindi sa dumating, kundi sa tumanggap. Hindi pala kailangang ibalik ang Pasko sa dati. Ang kailangan lang ay bumalik akoโ€”sa sarili kong marunong makaramdam, marunong maghintay, at marunong maniwala na kahit nagbago na ako, may mga bagay na nananatili. Paalala ang Pasko na kahit hindi ako naging lahat ng nais kong maging, sapat na ang nanatili ako. At marahil, iyon na ang diwa ng Pasko na matagal ko nang hinahanap.

Panulat ni: Jane Clarese Flores
Kartun ni: Jhynne Xalve Porcioncula


๐“๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ค๐š๐ฆ๐š๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ! ๐Ÿ†Isang malaking saludo sa mga mamamahayag ng Dalumat na muling naghatid ng karangalan sa gin...
02/12/2025

๐“๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐š๐ค๐š๐ฆ๐š๐ก๐ฎ๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ! ๐Ÿ†

Isang malaking saludo sa mga mamamahayag ng Dalumat na muling naghatid ng karangalan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2025! ๐Ÿฅ‡โœจ

Hindi lamang ito panalo, patunay ito ng tapang, talino, at pusong handang magkuwento ng katotohanan. Sila rin ay may boses, may lakas, at may kakayahang magbigay-liwanag sa komunidad na higit pa sa pangkompetisyong pamamahayag. ๐Ÿ—ฃ๏ธ๐Ÿ“ฐ

Itaas ang pluma't panulat, buklatin ang bawat pahina, at patuloy na paalabin ang pamamahayag. ๐Ÿ™Œ๐Ÿปโค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

Mamulat. Sumulat. Dalumat. ๐Ÿ’™โœ๐Ÿป


๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜€ 2025Nagmistulang ๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™๐™–๐™ง๐™ž ang kalangitanโ€” nagpatingkaran, nagsalungatan at nagtagisan kung s...
09/09/2025

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜€ 2025

Nagmistulang ๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™๐™–๐™ง๐™ž ang kalangitanโ€” nagpatingkaran, nagsalungatan at nagtagisan kung sinong kulay ang mangingibabaw. ๐ŸŒˆ๐Ÿ†

๐Ÿซ Matagumpay na tinanghal ang ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™–๐™—๐™ก๐™ค ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™Ž๐™˜๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™„๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™œ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™ƒ๐™ž๐™œ๐™ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก ๐™„๐™ฃ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ข๐™ช๐™ง๐™–๐™ก๐™จ noong ika 5 at 6 ng Septyembre taong 2025. Kung saan ang bawat baitang ay buong lakas na nagtuos upang ipakita kung sino nga ba ang tunay na hari ng palakasan. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‘‘

Higit pa sa tropeyo at panalo, nanaig ang diwa ng pagkakaibigan, disiplina at sportsmanshipโ€”isang patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa puntos, kundi sa alaala at aral na bitbit ng bawat manlalaro. โœจ๐Ÿคผ

Kaya't muli nating ๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ž๐™ฃ ang mga mahahalagang ganap sa masigla at makulay na araw na ito. ๐Ÿ“ธ๐Ÿ’ฏ

Pitik nina:
Lovely Pongase | 12 - ร˜rsted
Jabesh Alidio | 12 - Herschel
Nesha Gallivo | 12 - Linnaeus
Kirsten Bentulan | 12 - Curie
Qwncy Sarmiento | 12 - Linnaeus
Moira Selva | 12 - Curie
Atasha Morpe | 11 - Euler
Hazaiah de Silva | 8 - Fibonacci



๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ; ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐˜€ ๐—ป๐—ถ๐—น๐˜‚๐—ด๐—บ๐—ผ๐—ธ!Uuwing kampeon ang Black Ravens matapos pabagsak...
07/09/2025

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ; ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐˜€ ๐—ป๐—ถ๐—น๐˜‚๐—ด๐—บ๐—ผ๐—ธ!

Uuwing kampeon ang Black Ravens matapos pabagsakin ang Red Tamaraws sa naganap na Championship match ng San Pablo City Science Integrated High School Intramurals Women's Volleyball, [25-8, 25-7, 25-17].

Binitbit naman ni Shanelle Aliwalas, Captain Ball ng Black Ravens, ang kanyang grupo matapos ang 25 puntos na nagselyo ng titulong Finals MVP. Ginatungan naman ito ni Katrina Bacani ng 16 pang puntos na siyang tuluyang gumarantisa ng kanilang pagkapanalo.

Sulat ni: Cedrick Gutierrez
Pitik ni: Nesha Gallivo
Dibuho ni: Mikael De Macale



๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ฃ๐—ต๐—ผ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐˜…Simula pa lang ng laban ay ramdam na ang tensyon sa pagitan ng...
07/09/2025

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฌ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ฃ๐—ต๐—ผ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐˜…

Simula pa lang ng laban ay ramdam na ang tensyon sa pagitan ng Black Ravens at Yellow Phoenix. Nangibabaw ang sunod-sunod na malalakas na palo ni Andrew James Arrojo ng Black Ravens. Sa kabila ng pagtatangkang bumangon ng Yellow Phoenix, hindi na sila nakalusot sa matinding depensa at agresibong opensa ng Ravens.

Isang dominante at โ€˜no mercyโ€™ performance na may iskor na 21-1; 21-0 ang ipinakita ng Black Ravens para tapusin ang laban at tuluyang angkinin ang kampeonato.

Sulat ni: Christine Gimena
Pitik ni: Qwncy Sarmiento
Dibuho ni: Mikael De Macale



๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ฅ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑWalang awang pinataob ng tambalang Adao at R...
07/09/2025

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฅ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ธ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ฅ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฑ

Walang awang pinataob ng tambalang Adao at Ramos ng Black Ravens ang Green Vipers matapos nilang tambakan sa dalawang set, 21-5 at 21-9.

Mula umpisa hanggang dulo, hindi pinaporma ang Vipersโ€”agad nilang sinakal ang laro at tinuldukan ang anumang tsansa ng pagbangon. Isang malinaw na pahayag ng lakas at disiplina ng Black Ravens sa court.

Sulat ni: Christine Gimena
Pitik ni: Qwncy Sarmiento
Dibuho ni: Mikael De Macale



๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—ช๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ฏ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผMatinding bakbakan ang nasaksihan sa huling sag...
07/09/2025

๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐——๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”๐—ง | ๐—ช๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ง๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ฏ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ

Matinding bakbakan ang nasaksihan sa huling sagupaan ng Singles Girls Bracket B sa larangan ng Badminton, kung saan nanaig ang White Tigers laban sa Red Tamaraws.

Sa unang set pa lamang, agad nang ipinamalas ni Annie Pacia ng White Tigers ang kanyang gilas at di nagbigay ng pagkakataon kay Malijan ng Red Tamaraws na makabawi. Tinapos niya ang laban sa dominanteng iskor na 21โ€“5.

Hindi naman basta sumuko ang Red Tamaraws sa ikalawang set matapos makabawi at magpakita ng laban. Ngunit sa huli, nanaig pa rin ang tiyaga at bilis ni Pacia, tinuldukan ang laban sa iskor na 21โ€“16 upang tuluyang masungkit ang kampeonato.

Sulat ni: Harvey Aviรฑante
Pitik ni: Qwncy Sarmiento
Dibuho ni: Mikael Andrei De Macale



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dalumat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Dalumat:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share