
02/08/2025
Kanina, habang nagwawalis ako,
nakita ko yung alaga naming a*o,
may kinakagat na rabbit 😭
naalala ko may alaga palang rabbit yung kapitbahay namin,
kaya lalo akong kinabahan at nagmadali akong lapitan, huhuhu wala na silang mga malay😭 buti nalang walang mga dúgo,
puro dumi lang, mga lupa,
kaya nilinis ko at binalik ko sa kulungan nila. Maya-maya, narinig kong umiiyak at sumisigaw yung kapitbahay namin,
nilapitan ko, kunyari di ko alam,
sabay tanong "anong nangyari te?",
sabi nya "nilibing na kasi yan bakit bumalik sa kulungan"...