29/10/2025
Attention! LGU and Hikers/mountaineers.
I'm not here to bash but to remind everyone.
Umpisahan ko sa maikling kwento. I started do exploring/adventure since 2016. And this year, once a month kami umakyat ng bundok. Minor hike, major hike, dagat, trecking, etc.
Ito na nga. Tagalog nalang para hindi ako mahirapan hehe at maintindihan ng Lahat.
Itong napuntahan namin this month, Isa sa masabi Kong nakapagandang lugar na puntahan dahil sa Ganda ng tanawin nito. Ngunit sa ganda nito ay may kumuha ng aking atensyon. Ang mga plastic na nagkalat sa paligid, halong luma at mga bago pa. Halatang tapon rito, tapon roon Lang. Hindi ko na sya kinukuha katulad ng dati kasi marami talaga at maulan sabay ng napakadulas ng daan. Sinabi ko nalang sa aming mabait na tour guide na Kung maari ay isama sa briefing nila ang Kung paano at anong gawin sa basura ng mga turistang pumupunta sa lugar upang mapanatili ang Ganda nito. Ang sabi sa akin any may tagalinis naman daw Ngunit hindi ako nakombinse dahil sa aking mga nakikita. Kung may tagalinis ng bundok na iyon, Nasaan sila? Bakit ang daming nagkalat? Sa mismong summit at sa daan.
Para sa local ng may ganitong aktibidad: Panatilihin po natin ang kalinisan ng ating kalikasan upang mapanatili ang Ganda nito. isama nyo po sa inyong ordinansa. Maghigpit Kung kinakailngan, kasi minsan kahit may ordinansa na, Kung hindi namonitor, hindi gagawin.
Para sa mga hikers/travelrs/mountaineers at Kung ano pa mang tawag sa ating mga umakyat ng bundok, actually dapat nature lovers eh. Kasi kaya tayo umakyat hindi para Lang sa picture umakyat tayo para makita ang Ganda ng kalikasan. Maging responsible naman tayo, siguro naman hindi mabigat bitbitin ang basura natin pababa ng bundok at itapon sa Tamang tapunan. Sana Isapuso natin at mahalin natin ang kalikasan katulad ng pagmamhal sa ating sarili, maging malinis. Huwag nating gawin sa ating inang kalikasan ang ginagawa nyo sa bahay. Dahil ang inang kalikasan ay walang sariling helper para linisin ang kalat ninyo. Para maabutan pa ng susunod na henerasyon ang Ganda ang ating kalikasan.
P. S. Kumuha Lang ako ng konting Larawan.