Cavite Tambayan

  • Home
  • Cavite Tambayan

Cavite Tambayan TAMBAYAN NG MGA TAGA ETIVAC

Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa posibleng special election sa ikaapat na distrito ng Cavite ...
07/06/2026

Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa posibleng special election sa ikaapat na distrito ng Cavite matapos mapatalsik sa puwesto si Rep. Francisco “Kiko” Barzaga Jr.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, target itong isagawa sa Agosto 22 o 29 at mangangailangan ng humigit-kumulang ₱200 milyon.

Nilinaw din niya na maaari pa ring tumakbo si Barzaga sa naturang halalan dahil ang kanyang pagpapatalsik ay hindi nangangahulugan ng permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong posisyon.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang pat*y sa gilid ng kalsada sa Barangay Alingaro, General Trias City, Ca...
07/06/2026

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang pat*y sa gilid ng kalsada sa Barangay Alingaro, General Trias City, Cavite noong Hunyo 4. Nakabalot sa sako ang ulo ng biktima at may mga bakas ng dug* sa paligid ng pinangyarihan.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang mga pangyayari na humantong sa kanyang pagkamatay. Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kasama ang SOCO.

Nakatakdang pagdugtungin ng Bataan–Cavite Interlink Bridge ang mga lalawigan ng Bataan at Cavite sa pamamagitan ng isang...
06/06/2026

Nakatakdang pagdugtungin ng Bataan–Cavite Interlink Bridge ang mga lalawigan ng Bataan at Cavite sa pamamagitan ng isang 32.15-kilometrong tulay na tatawid sa Manila Bay. Inaasahang magpapalakas ang proyekto ng konektibidad sa Luzon, magpapabilis ng biyahe at transportasyon ng mga kalakal, at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kalakalan, turismo, at pamumuhunan.

Bukod sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko, idinisenyo rin ang proyekto upang maging matatag laban sa mga kalamidad at makatulong sa pagbawas ng greenhouse gas emissions. Inaasahan ding magdudulot ito ng mas inklusibong pag-unlad at mas matibay na ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng mga rehiyon sa bansa.

Sang ayon ka ba na hindi siya nakatanggap ng Maleta?
05/06/2026

Sang ayon ka ba na hindi siya nakatanggap ng Maleta?

Pormal nang pinatalsik si 4th District Cavite Representative Francisco "Kiko" Barzaga bilang miyembro ng Kamara matapos ...
03/06/2026

Pormal nang pinatalsik si 4th District Cavite Representative Francisco "Kiko" Barzaga bilang miyembro ng Kamara matapos makakuha ng botong 265 na sang-ayon (yes), 14 na tutol (no), at 8 na nag-abstain sa plenaryo

Samantala bago ang pagpapatalsik sa kanya, pormal na nagpaalam si Cavite 4th District Representative Francisco "Kiko" Barzaga sa kaniyang mga kasamahan sa Kamara.

Kilala si Barzaga sa kaniyang matatapang na pahayag kung saan paulit-ulit niyang tinatawag ang Kongreso bilang isang "crocodile farm" at pinupuna ang korapsyon sa pamahalaan

Kinilala ang Alfonso, Cavite bilang “Wedding Destination Capital of the Philippines” dahil sa malamig na klima, magagand...
03/06/2026

Kinilala ang Alfonso, Cavite bilang “Wedding Destination Capital of the Philippines” dahil sa malamig na klima, magagandang tanawin, at mga de-kalidad na wedding venue.

Patuloy na dinarayo ng mga magkasintahan ang bayan para sa kanilang kasal, habang pinalalakas naman ng lokal na pamahalaan ang turismo upang mas maipakilala ang kagandahan at natatanging alok ng Alfonso.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na kamakailan ay ikinasal sa Alfonso sina basketball star Kai Sotto at Rere Madrid, gayundin ang aktres na si Carla Abellana at Reg Santos.

IBOBOTO MO BA SI CONG. KIKO BARZAGA SAKALING TUMAKBO SIYANG GOBERNADOR NG CAVITE SA 2028?♥️ Oo😢 Hindi
03/06/2026

IBOBOTO MO BA SI CONG. KIKO BARZAGA SAKALING TUMAKBO SIYANG GOBERNADOR NG CAVITE SA 2028?

♥️ Oo
😢 Hindi

Nagbigay ng karangalan sa General Trias City si Brit Michael N. Alburo, isang Grade 6 student mula sa Sunny Brook Elemen...
03/06/2026

Nagbigay ng karangalan sa General Trias City si Brit Michael N. Alburo, isang Grade 6 student mula sa Sunny Brook Elementary School, matapos masungkit ang Gold Medal sa Athletics Elementary Boys 400M Hurdles sa ginaganap na Palarong Pambansa 2026.

Pinatunayan ni Brit Michael ang kanyang husay, bilis, at dedikasyon sa larangan ng athletics matapos mangibabaw laban sa iba’t ibang batang atleta mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ctto 📸 OneCavite

Isang mananaya mula sa Cavite ang nanalo ng mahigit ₱24.1 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 matapos matamaan ang lahat...
03/06/2026

Isang mananaya mula sa Cavite ang nanalo ng mahigit ₱24.1 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 matapos matamaan ang lahat ng winning numbers. Samantala, walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 kaya lalo pang lalaki ang jackpot na mahigit ₱45 milyon sa mga susunod na draw.

Pinangunahan ni Mayor Jon-Jon Ferrer ang inspeksyon sa San Juan I Bridge sa General Trias matapos itong pansamantalang i...
03/06/2026

Pinangunahan ni Mayor Jon-Jon Ferrer ang inspeksyon sa San Juan I Bridge sa General Trias matapos itong pansamantalang isara.

Sasailalim sa rehabilitasyon ang mahigit 40 taong gulang na tulay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, at inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

May ihahandang alternatibong ruta para sa mga motorista habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cavite Tambayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share