10/04/2026
ADVICE PLEASE:
Butch po ako pero long hair, 43 years old.
Nagkita ulit kami ng ex ko after 20 years. Hindi naging maganda ang hiwalayan namin noon, pero nung nakita ko siya last September 2025, nainlove na naman ako sa kanya. Kaya ngayon, nag-live in na kami. Sa bahay niya ako ngayon umuuwi, kaso ang problema ko, bihirang-bihira kami mag-make love.
Kahit kapag nag-check in kami sa hotel, kadalasan walang nangyayari sa amin. Katwiran niya, matanda na siya dahil 50 years old na siya. Nawalan na raw siya ng gana, at saka ayaw na ayaw niya ng kiss at hug. Nakikiusap pa ako sa kanya kung pwedeng i-kiss ko siya.
Nahihirapan ako kasi may needs din ako. Nakakaramdam pa rin ako ng lib*g everyday, lalo na sa ganda, sexy, at puti niya. Kapag tinatanong ko naman siya kung mahal niya ako, sagot naman niya ay mahal niya ako. Pero parang more on companionship lang ang gusto niya. Minsan, parang gusto ko na siyang iwan, kaso mahal ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.