16/02/2023
Isang artist ang nag-post sa Facebook ng larawan ng ginagawa niyang komisyon upang aniya'y magbigay ng awareness sa iba pagkaraan na mag cancel ang isang customer sa pinapagawa nitong drawing sa kanya.
"nagpagawa po kasi sya sakin ng fanart ni jennie, binigyan nya po ako ng palugit na 2-3 days para matapos, and nung time po nayan may 2 commision pakong in progress...nakakalungkot lang, pero okay lang naman po sakin, mababawe ko pa po yun," kwento ni Kairo sa PSND.
Nilinaw naman ni Kairo na nagka-ayos na sila ng nagpa-komisyon nito.
"hindi po kami printer, accurate man or hindi, maganda man oh hindi bigyan po nila ng halaga yung pagod,puyat,at dedikasyon naming mga artist para matapos lang po ang isang masterpiece, kase po all arts is a treasure," payo naman nito sa mga netizens.
(Kairo/Facebook)