10/04/2026
I don't agree with this assessment. kahit papaano may advantage ang merong good scholastic record at lalo na pag placer ka.
ung sinasabi sa comment, I think kung nangyari yan ay rare or isolated lang..
dont get me wrong..ang kinumpara ko dito ay pareho fresh grad ha.
now what you do after that ay ibang usapan na yan..lalo na sa western countries, experience na talaga ang basehan, in fact ang license natin ay walang saysay para sa kanila..kahit pa wala kang license, mas lamang ka kung maganda ang experience mo lalo na progressive..
ito experience ko:
noong mag apply ako sa isang US-based na company, 5 ang qualifications ng employer..
1. Licensed Engineer
2. 5 years minimum design experience
3. Familiar with US Codes and Standards
4. Experience with any design softwares
5. Proficient in Autocad
qualification ko? ung #1 lang..pero andun na kasi ako sa office so tumuloy na lang din ako.
ang may ari mismo ang nag interview sa akin na isang puti..d umabot sa 10 minutes ang interview kasi wala naman talaga akong ibang qualifications..
pero naka focus xa sa TOR ko at sa certificate of distinction ko from PRC..
then sabi nya "you can start tonight and I will assign somebody to train you"
may naka assign nga sa akin pero sa drafting, on how to use autocad.
sa design? I was on my own pero may mga resources naman so basa² lang..swerte na lang din kasi may nahanap ako na naging tanungan ko ng technical questions, isang PhD in Structural na taga Singapore..
about a year and a half later, I became the team lead of 9 structural engineers..I guided and trained them.
5 years later, napadpad na ako dito dahil na rin sa asawa ko..
nag apply ako sa kung saan ako nag work hanggang ngayon..maraming applicants din..nakalagay doon ang US-project experience ko pero mas naintriga sila sa nilagay ko na nakuha kung ranking during the licensure exam kasi d nila alam yan dahil wala naman kasing exam dito maliban langvsa ethics exam..so tinanong nila ngayon ang isang pinoy na project supervisor sa kabilang department at pinakita resume ko. He insisted doon sa amo ko na ako na ang kunin at wag na ung nakasabayan ko.
I was given the "senior designer" position kasi wala pa akong license dito at that time..6 months probationary din...pero after a week sinabihan ako na "forget that probationary thing and bring your wife here" kasi nasa ibang city pa..
now tell me na walang advantage ang ranking ko sa exam? kung d dahil doon, I dont think maglakas loob ang isang pinoy na ako na ang ipa hire kasi d naman kami magkakilala..pero dahil na rin sa experience ko at sa naging performance ko within a week, kinancel ang 6 months probationary period.
I wont burn the midnight oil if wala palang silbi yan at pareha lang pala ang magiging resulta..
and I thank you!