Jackie Line

Jackie Line In God I Trust.
(1)

Nahiya ka pa humarap ka na
03/09/2025

Nahiya ka pa humarap ka na

28/08/2025

Nagdid!lim na naman , nagbabadya ng malakas na ulan.

Zoyti my palalabz
24/08/2025

Zoyti my palalabz

NAKITA KO ITO SA P0ST! Hindi ako ang nagsasabi nito pero ito rin ang sinasabi ng doctor namin noon, ilang beses na ako n...
22/08/2025

NAKITA KO ITO SA P0ST! Hindi ako ang nagsasabi nito pero ito rin ang sinasabi ng doctor namin noon, ilang beses na ako nakapagpa inject. May mga a*o din akong nangangagat so basahin nyo ito!

GUIDES FOR RABIES.

”Hello po. As a medical professional, I just want to share my knowledge about rabies. Subukan ko po itagalog lahat para maintindihan ng nakararami. Marami na kasi ako nakikita, nababasa or nagtatanong about sa rabies. Hindi lahat pero karamihan o marami narin ako nababasa na nagbibigay ng kanya kanyang opinyon dito na mali. Kung nakagat daw ba sila ano ang gagawin? Kapag nakalmot may rabies ba?

First of all, ang rabies ay hindi innate or inborn. Ibig sabihin hindi lahat ng a*o pagkapanganak ay may rabies. Hindi lahat ng tuta ay may rabies. Hindi rin totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa adult na a*o. Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus). Magkakaroon lang ng rabies ang isang a*o kapag nakagat ito ng rabid na a*o, pusa, racoon, o paniki. Hindi totoo na sa maduming lugar tulad ng basurahan o bulok na pagkain nakukuha ang rabies.

Ang a*o na may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas ng 2 weeks. Kaya namamatay ang a*o na may rabies dahil infected na siya ng virus at umakyat sa utak. Kaya nauulol ang a*o kapag may rabies dahil dito. Walang katotohanan yung kapag namatay ang a*o ay dahil nakakagat siya ng tao at nailipat rabies. Ang a*ong may rabies ay mamamatay at mamamatay kahit makakagat ng tao o hindi. Walang kinalaman ito sa pagkakagat sa tao.

Ano ang dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng a*o? May rabies din ba ang kalmot? Pwede ba bawang sa rabies?
Alamin natin history ng a*o natin. Kapag alaga natin ang a*o at sa bahay lang at hindi a*ong gala, at nakagat o nakalmot dahil sa harutan, most likely wala itong rabies. Tulad ng sinabi ko hindi inborn ang rabies sa a*o at pag may rabies. Ang una dapat gawin ay hugasan at sabunin ang area ng nakagat para maiwasan ang infection. Infection o mikrobyo na maaring puma*ok sa sugat at hindi yung rabies. Kaya usually nagbibigay tayo ng vaccine na anti-tetanus. Yes may rabies din ang kalmot kapag may rabies ang a*o o pusa. Kaya may rabies ang kalmot hindi ito dahil sa kuko, dahil ito kapag dinidilaan ng a*o o pusa ang mga kamay niya. Hindi po macure ng bawang ang rabies. Walang katotohanan ito. Sa buni o an-an baka pwede pa haha.

Kailangan paba magpaturok ng para sa rabies pag nakagat o nakalmot a*o?

Itong sagot na ito ay fact or katotohanan lamang. Kapag ang a*o mo ay alaga mo, kilala mo magulang a*o at san galing, nasa bahay lang, hindi nakagat ng ibang a*o o pusa sa labas, lalo na kung may rabies vaccine, ang sagot ay HINDI na. Most likely walang rabies ang a*o mo. Ang kailangan lang ay anti-tetanus vaccine para iwas infection dahil sa sugat. Kapag Dr sa hayop o vet ang tatanungin at nakita o nasuri na healthy naman ang alagang a*o hindi narin niya ito irerequire. Pero walang masama kung duda ka at wala ka masyado alam sa rabies virus at gusto mo ng peace of mind. Natural lang na kapag pumunta ka saming mga doctor, ay isuggest na paturok first dose then observe a*o. Pag di namatay a*o no need to continue. Pero may mga doctor din na magtatanong about sa a*o kung alaga ba or paano nakagat, kung nauulol ba yung a*o at nangagat or nakagat dahil sa harutan. Yung iba anti-tetanus vaccine nalang. Pag nag insist yung patient wala naman problema kung gusto niya magpaturok para sa rabies. Kapag a*ong gala naman ang nakakagat sayo or sa labas ng bahay ka nakagat at hindi mo a*o, this is the time na dapat ka mag paturok para sa rabies and anti tetanus. Pag namatay a*o, kailangan kumpletuhin shots. Kailangan din madala yung a*o sa RITM. Pinuputol ang ulo nito at sinusuri ng mga specialista for confirmatory.

Inuulit ko po. Ang mga nabangit ko ay fact o katotohanan at base sa napagaralan at kaalaman ko. Nasa sainyo parin ang desisyon. Maraming salamat!”

Mention mo na kakilala mo para aware sila.

21/08/2025

20/08/2025

Bata o dalaga ?
19/08/2025

Bata o dalaga ?

Alam Niyo Ba Kung Bakit Bidang Bida ng Mga Tito/ Tita / Daddy at Mommy Niyo Kung Bakit Mas Masaya Sa Panahon Noon ?Class...
19/08/2025

Alam Niyo Ba Kung Bakit Bidang Bida ng Mga Tito/ Tita / Daddy at Mommy Niyo Kung Bakit Mas Masaya Sa Panahon Noon ?

Class suspension - Walang paalala sa TV o radyo. Papa*ok ka kahit bumubuhos ang ulan, tapos malalaman mo lang na walang pa*ok pag nandoon ka na at basang-basa ka na sa ulan. 😂

Research - Dapat alam mo ang sistema ng decimal sa library, at close kayo ni librarian para lagi kang pautangin ng libro. Kakaunti ang computer, at kung meron man, walang internet. Maaksaya sa oras, hindi tulad ngayon na isang pindot lang, nandiyan na ang sagot. Noon, babad ka talaga sa pagbasa ng mga libro.

Report - Kailangan ready ka sa manila paper at pentelpen. Kailangan maayos ang sulat mo para malinaw sa mga kaklase mo. Dapat malakas din boses mo para marinig ka hanggang sa dulo.

Books - Sa public school, palit-palit kayo sa mga libro. Jackpot ka na kung may apat kang libro. Kaya dapat marunong kang makisama para makahiram ka sa iba, kung hindi, wala ka talagang mahihiram! 😂

Exam - Tatlong araw na half day. Review nang todo! Dapat buo ang notes mo. Tapos may kaklase kang "sip-sip" na hindi mag-aaral, pero magagalit kapag hindi mo pinakopya. Pagkatapos ng exam, kayo rin ang magche-check ng papel ng isa’t isa. Tapos ia-announce pa ni ma’am ang grades mo sa harap ng klase. Pag mataas score mo, proud ka! Pero kung mababa, pagtatawanan ka pa, sermon ni ma'am ang bonus! 😂

Secretary ng classroom - Bad trip kapag ikaw ang classroom secretary kasi ipapasulat ni ma’am sa’yo lahat ng nasa libro sa blackboard. Pagod ka na, lahat pa ng chalk powder naamoy mo. Tapos ikaw pa ang walang notes, makikikopya ka tuloy sa iba. 🤣

Subject notes - Kailangan mabilis kang magsulat dahil tatanggalin agad yung nakasulat sa blackboard para magsulat ulit yung secretary. Kasama pa sa grade ang notes, kaya dapat puno ang notebook mo. Kapag mas maraming pahina, mas mataas ang chance na mataas ang grade! 😅

Lunch break - Punuan sa canteen o kaya’t hindi masarap ang luto. Kaya lalabas ka ng school para maghanap ng abot-kayang pagkain. Sobrang layo, parang umuwi ka na rin ng bahay! 😂

Free time - Kung hindi nagchichinese garter ang mga babae, nagsisipa yung mga lalaki. O kung ano man ang patok na laro noon. Lahat ng puno may tao—nagkukwentuhan, nagkakantahan. Sikat ka kung magaling kang tumugtog ng gitara, dagdag points pa kung pogi ka.

Famous - Sikat ka kung may Game Boy ka. Rich kid ang peg kasi mahal yun. Pwede rin yung brick game. Pero sa akin, Game and Watch lang. 😂

Christmas party - Pagalingan ng suot. Tapos may tig-50 pesos na exchange gift, kadalasan panyo ang makukuha mo. Ako, malas palagi kasi ba*o ang nakuha ko. Sarap itapon! 😂 Masaya rin ang mga games sa classroom. Tapos pag tapos na, gagala kayo—diretso sa bahay ng kaklase niyo kasi wala pang mall na malapit noon.

Ang saya balikan ng alaala noong araw! 😂 Walang gadgets, pero sobrang saya!ayan na explain ko na. Labyu

(ctto)

Sino naka relate? 🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗🤗👋🤚🖐✋️🖖👋🤚🖐✋️🖖👋🤚

"AKALA KO NAGPAHINGA LANG SIYA SAGLIT… PERO HINDI NA PALA SIYA MAKAKAUWI"🥹💔🥹Alas-otso ng gabi, malakas ang ulan. Nag-boo...
18/08/2025

"AKALA KO NAGPAHINGA LANG SIYA SAGLIT… PERO HINDI NA PALA SIYA MAKAKAUWI"🥹💔🥹

Alas-otso ng gabi, malakas ang ulan. Nag-book ako ng Move It papauwi mula sa trabaho. Dumating si Manong driver, naka-raincoat pa, basang-basa pero nakangiti.

“Pasensya na po, medyo traffic sa kanto, may baha kasi,” sabi niya habang inaayos ang helmet para sa akin.

Tahimik lang kami sa biyahe. Paminsan-minsan, kinakausap ko siya para hindi siya antukin. Sabi niya, galing pa siya ng alas-singko ng umaga sa pamamasada. Minsan daw straight na hanggang gabi para lang may pangbaon ang anak niya bukas.

Habang binabaybay namin ang highway, napansin kong lumalalim ang kanyang buntong-hininga. Pinagpawisan siya kahit malamig ang hangin.

“Okay lang po ba kayo, Manong?” tanong ko.
“Oo… baka gutom lang. Hindi pa kasi ako kumakain,” sagot niya sabay pilit na ngiti.

Paglapit namin sa tapat ng bahay, bumagal siya at itinigil ang motor. Pero hindi siya agad bumaba.

“Manong?” tawag ko.

Hindi siya sumagot. Nang tumingin ako, nakayuko siya sa manibela, mahigpit pa rin ang hawak.

Mabilis akong bumaba, tinawag ang mga tao sa paligid. May lumapit na tricycle driver, tinulungan akong tanggalin ang helmet niya. Wala na siyang malay.

Tinawag namin ang barangay rescue. Sinubukan siyang i-CPR… pero wala na. Doon mismo, sa tapat ng bahay ko, natapos ang kanyang biyahe.

Binuksan ng rescue team ang maliit niyang sling bag para hanapin ang ID. Nandoon — isang maliit na wallet, P850 na pera, at litrato ng dalawang bata na naka-graduation toga. Sa likod ng larawan, sulat-kamay:

"Para sa inyo, lalaban si Papa." 🥹🥹🥹

Hindi ko napigilan ang luha. Ilang oras lang bago, buhay pa siya, nag-aabot ng helmet at ngiti. Ngayon, pauwi na siya sa ibang tahanan… ang tahanan na walang sakit at walang pagod.

Ipinagdasal ko siya:🙏🙏🙏

"Ama naming Diyos, salamat sa buhay ni Manong. Yakapin N’yo siya at iparamdam na hindi sayang ang bawat biyahe at bawat pagod na inialay niya para sa pamilya. Sana’y maalala namin na sa likod ng bawat driver, may taong may pangarap, may pamilya, at may kwento."

Sa bawat pasahero — magpasalamat tayo sa mga nagdadala sa atin sa ligtas na destinasyon. Sa bawat driver — saludo kami sa inyo. Hindi lahat ng bayani ay may uniporme, minsan naka-helmet lang at naka-raincoat, patuloy na bumabyahe para sa mahal sa buhay.🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍



Ang buhay ay di tungkol sa nga taong totoo sa harap mo.Kundi sa mga taong nananatiling totoo sa pagtal!kod mo.
18/08/2025

Ang buhay ay di tungkol sa nga taong totoo sa harap mo.
Kundi sa mga taong nananatiling totoo sa pagtal!kod mo.

17/08/2025

Sa mga di makatul0g diyan tara lets go, im following everyone.

Address

Bacoor
4102

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jackie Line posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jackie Line:

Share