23/10/2025
Kailangan ba talaga ng Second Session sa Brows or SPMU?
Kadalasan dalawang session talaga ang kailangan sa
PMU (Permanent Makeup) eyebrows dahil:
1. Initial healing stage - Sa unang session, hindi lahat ng pigment ay nagse-settle nang pantay. Mga 30-50% ng kulay ay pwedeng mag-fade habang naghihilom ang balat.
2. Skin type at healing response - lba-iba ang reaksyon ng balat. Yung iba mabilis sumipsip ng pigment, yung iba naman mabilis nagfa-fade o naglalabas ng scabs.
3. Refinement - Sa 2nd session (retouch), kinokorek ang mga:
• parts na nag-lighten o nag-fade
• shape na kailangang linawin o i-perfect
• kulay na dapat i-adjust (mas dark / mas warm / mas cool depende sa skin tone)
4. Longevity - Yung 2nd session ang tumutulong para mas tumagal at mas kumapit ang pigment, kaya mas maganda ang retention ng brows for 1-3 years depende sa skin at aftercare.
Kaya ang unang session ay parang foundation, at
yung 2nd session ay ang finishing at sealing ng results.
CCTO