DYRK Radyo Kalgara

DYRK Radyo Kalgara DYRK Radyo Kalgara is an FM radio station of Soundstream Broadcasting Corporation in Carigara, Leyte.

29/05/2026

LIBOT KARAHIBOT | MAY 29, 2026
Host: Tor Bibar and Hector Go

BABAENG TULAK, TIMBOG SA BUY-BUST SA PALO; ₱13-K SHABU, NAKUMPISKA!Arestado ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa il...
28/05/2026

BABAENG TULAK, TIMBOG SA BUY-BUST SA PALO; ₱13-K SHABU, NAKUMPISKA!

Arestado ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang joint buy-bust operation ng Palo Municipal Police Station at Leyte Police Provincial Office PDEU sa Zone Saturn, Brgy. Pawing, Palo, Leyte gabi ng Mayo 24, 2026.

Kinilala ang suspek na si alias “Osang,” isang street-level individual at residente ng naturang barangay. Nahuli ito matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang poseur-buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang coin purse, at marked money na nagkakahalaga ng ₱500. Tinatayang nasa 2.01 gramo ang nakuhang ilegal na droga na may halagang ₱13,668.

Dinala na sa Palo MPS ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 (Selling of Illegal Drugs) at 11 (Possession of Illegal Drugs) ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

EMPLEYADO NG DPWH, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA CAPOOCAN, LEYTEArestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na d...
27/05/2026

EMPLEYADO NG DPWH, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA CAPOOCAN, LEYTE

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police sa Brgy. San Joaquin, Capoocan noong Mayo 27, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas “Intoy,” 38-anyos, water gauge keeper ng DPWH at residente ng naturang barangay.

Dinakip ito matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa police poseur-buyer sa operasyon na ikinasa ng Capoocan Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Narekober mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money. Wala namang nakuhang armas sa isinagawang paghahalughog.

Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Ayon kay PCPT Joselito C. Mislos, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

📸 Capoocan MPS

‼️ Eastern Visayas’ iconic dance is about to take center stage! ‼️Get ready for the 💃🕺🌟 KURATSA DANCE SHOWDOWN CONTEST 🌟...
25/05/2026

‼️ Eastern Visayas’ iconic dance is about to take center stage! ‼️

Get ready for the 💃🕺🌟 KURATSA DANCE SHOWDOWN CONTEST 🌟🕺💃

Show your moves, bring the energy, and celebrate our culture with pride! 🎶✨

Happening this June 2026! 🗓

Watch out for more details, mechanics, and registration announcements in our next posts! 👀




BACK-TO-BACK GOLD! EV BET CHRISIA, UNANG NAG-UWI NG GINTO SA PALARO 2026!Nasungkit ni Chrisia Mae S. Tajarros ng Eastern...
25/05/2026

BACK-TO-BACK GOLD! EV BET CHRISIA, UNANG NAG-UWI NG GINTO SA PALARO 2026!

Nasungkit ni Chrisia Mae S. Tajarros ng Eastern Visayas Region ang kauna-unahang gintong medalya sa 2026 Palarong Pambansa matapos manaig sa secondary girls’ 3,000-meter athletics event na ginanap sa Agusan del Sur.

Ipinakita ng incoming Grade 10 student-athlete ang matinding tibay at determinasyon sa karera upang dominahin ang naturang event. Dahil dito, matagumpay niyang nadepensahan ang kaniyang titulo matapos makuha rin ang unang gintong medalya sa kaparehong event noong 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.

Dahil sa back-to-back championship title, patuloy na pinatunayan ni Tajarros na isa siya sa mga umuusbong na bituin sa larangan ng athletics at inspirasyon sa mga kabataang atleta sa bansa.

📸 DepEd

‼️ Something BIG is coming to Brgy. Canal, Carigara, Leyte! ‼️Do you have the voice, the confidence, and the star power ...
25/05/2026

‼️ Something BIG is coming to Brgy. Canal, Carigara, Leyte! ‼️

Do you have the voice, the confidence, and the star power to become the next idol? 👀✨

Get ready for 🎶🎵 CANAL SINGING IDOL: THE CLASH OF THE VOICES 👩🏻‍🎤🎤👨🏽‍🎤

Happening this June 2026!

Watch out for more details, mechanics, and registration announcements in our next posts! 🔥




TIMBOG SA BUY-BUST! ‘TULAK’ NA KARPINTERO, KALABOSO SA BARUGO!Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga s...
22/05/2026

TIMBOG SA BUY-BUST! ‘TULAK’ NA KARPINTERO, KALABOSO SA BARUGO!

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Poblacion District VI, Barugo, Leyte noong Mayo 21, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Al,” 34-anyos, binata at karpintero na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Philippine National Police, kabilang umano ito sa listahan ng Street-Level Individual (SLI) sa drug watchlist ng bayan.

Narekober mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operasyon. Agad namang minarkahan at inimbentaryo ang mga ebidensya bago isinailalim sa laboratory examination.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Barugo Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 (Selling of Illegal Drugs) at 11 (Possession of Illegal Drugs) ng Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TIMBOG SA BUY-BUST! “MAKMAK” HULI SA SHABU SA SANTA FE, LEYTEArestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa...
21/05/2026

TIMBOG SA BUY-BUST! “MAKMAK” HULI SA SHABU SA SANTA FE, LEYTE

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Santa Fe Municipal Police Station sa Brgy. Zone 4, Santa Fe, Leyte noong gabi ng Mayo 20, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Makmak,” 31-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay. Nahuli ito matapos makabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon habang isinailalim naman sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 8 ang nakumpiskang ebidensya.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Illegal Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TIMBOG SA KANANGA! POT-POT DRIVER, HULI SA ‘BOTSIG’ NA YOSI NA WALANG TAX STAMP!Arestado ang isang lalaki matapos maaktu...
21/05/2026

TIMBOG SA KANANGA! POT-POT DRIVER, HULI SA ‘BOTSIG’ NA YOSI NA WALANG TAX STAMP!

Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta umano ng mga sigarilyong walang BIR tax stamps sa isinagawang joint operation ng mga pulis sa Brgy. Poblacion, Kananga nitong Mayo 20 dakong alas-3:30 ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Natoy,” 38-anyos, pot-pot driver at residente ng Sitio Bagacay, Brgy. Lim-ao, Kananga.

Ayon sa Kananga Municipal Police Station, nakatanggap sila ng sumbong mula sa concerned citizen kaugnay sa pagbebenta umano ng smuggled ci******es na walang tax stamps. Agad rumesponde ang mga operatiba at nakumpiska mula sa suspek ang anim na ream ng King Opens American Blend ci******es na walang BIR tax stamps.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 264 ng Republic Act No. 8424.

ANCHOR SA BACOLOD, BINANATAN NG NUJP DAHIL SA SEXUAL HARASSMENT AT R**E JOKE!Mariing kinondena ng National Union of Jour...
21/05/2026

ANCHOR SA BACOLOD, BINANATAN NG NUJP DAHIL SA SEXUAL HARASSMENT AT R**E JOKE!

Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines ang umano’y sexual harassment at r**e joke ng isang anchor sa Bacolod laban sa isang babaeng reporter habang ito ay nag-uulat ng balita.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Mayo 20, nanawagan ang NUJP sa mga newsroom at workplace na pairalin ang zero-tolerance policy laban sa sexual harassment at tiyaking may mga mekanismo para sa ligtas na espasyo ng mga mamamahayag at media workers.

Nagpahayag din ng suporta ang samahan sa dalawang mamamahayag ng GMA Network na naghain ng reklamo laban sa dating kasamahang reporter dahil sa umano’y acts of lasciviousness at gender-based sexual harassment.

📸 NUJP

TIMBOG SA JARO! SLI NA SI “DEME,” BUKING SA BUY-BUST; SHABU NAKUMPISKA!Nasakote ng mga operatiba ng Jaro Municipal Polic...
20/05/2026

TIMBOG SA JARO! SLI NA SI “DEME,” BUKING SA BUY-BUST; SHABU NAKUMPISKA!

Nasakote ng mga operatiba ng Jaro Municipal Police Station ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Macopa, Jaro, Leyte dakong alas-2:17 ng hapon noong Mayo 20, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Deme,” residente ng Brgy. III Poblacion, Jaro, Leyte, at nakalista bilang Street Level Individual o SLI sa ilegal na droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, isang improvised plastic container at marked buy-bust money.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon habang isasailalim naman sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 8 ang nakuhang ebidensya.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Sections 5 (Selling of Illegal Drugs) at 11 (Possession of Illegal Drugs) ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Address

Carigara
6529

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DYRK Radyo Kalgara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category