27/08/2026
๐๐๐ก๐๐ ๐๐ก, ๐ก๐๐๐จ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐ข๐ฆ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐ฆ๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ข๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐๐
NABUWAL ang isang poste habang nasa ibabaw nito ang isang lineman na nagsasagawa sana ng pagkukumpuni sa linya sa Sitio Cagayon, Barangay Balintawak, Escalante City, Negros Occidental.
Batay sa video ng insidente, makikitang bumigay ang poste na sinasabing mababaw ang pagkakabaon nito sa lupa. Nagkataon namang nasa itaas pa nito ang lineman nang mangyari ang insidente.
Sa lakas ng impact, nahulog ang lineman at napunta sa madulas na bahagi sa gilid ng kalsada.
Agad naman siyang sinaklolohan ng kaniyang mga kasamahan at mga taong naroon sa lugar.
Inaalam pa sa ngayon ang lagay ng lineman matapos ang insidente.
contributed video
.7newbataan