02/04/2026
Kasabay ng paglaki ng budget ng DPWH, lumobo rin ang yaman ng ilang kongresista dahil sa nakukuhang 30% kickback sa bawat proyektong imprastruktura ng pamahalaan.
Sa datos na ibinahagi ng isang source mula sa gumugulong na imbestigasyon ng Malacaรฑang hinggil sa korupsyon sa pondo ng DPWH, makikita kung paano pinaghahatian ng mga kongresista, contractor, at implementing agency ang budget na nakalaan sa bawat proyekto:
30% - kickback ng โBig 6โ ng Kongreso
10% - contractor
5% - district congressman
5% - implementing agency
5% - others
45% - actual project
Ang sistema, upang mapondohan ang proyekto ng isang kongresista, kinakailangan muna nilang magbayad ng 30% ng halaga ng kanilang proyekto kina Romualdez o sa โBig 6โ.
Ito ang dahilan kung bakit sub-standard, bulok, at hindi napakikinabangan ang mga proyektong imprastruktura sa bansa.
Sa loob ng tatlong taon, nakapagbulsa ng mahigit P1.073 trilyon ang mga mambabatas na kilalang malalapit kay House Speaker Martin Romualdez, mula sa P2.563 trilyong pondo ng DPWH.
Dahil dito, lumobo nang mahigit 500% ang yaman ng tinaguriang โBig 6โ ng Kongreso batay sa kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) mula 2022 hanggang 2025:
1. HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ
2025 NET WORTH: PHP 3.465 billion mula PHP 315 million noong 2022 (1,000% increase)
2. FORMER HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE CHAIRMAN & AKO BICOL PARTY-LIST REP. ZALDY CO
2025 NET WORTH: PHP 1.51 billion mula PHP 236.7 million noong 2022 (637% increase)
3. SENIOR DEPUTY SPEAKER & QUEZON 2ND DISTRICT REP. DAVID โJAY-JAYโ SUAREZ
2025 NET WORTH: PHP 2.34 billion mula PHP 287.6 million noong 2022 (813% increase)
4. FORMER SENIOR DEPUTY SPEAKER AURELIO โDONGโ GONZALES JR.
2025 NET WORTH: PHP 1.3 billion mula PHP 136 million noong 2022 (956% increase)
5. FORMER MAJORITY LEADER MANNIX DALIPE
2025 NET WORTH: PHP 1.49 billion mula PHP 203.7 million noong 2022 (733% increase)
6. CONSTRUCTION TYCOON & CWS PARTY-LIST REP. EDWIN GARDIOLA
2025 NET WORTH: PHP 2.2 billion mula PHP 299 million noong 2022 (735% increase)
Sila ang mga taong responsable sa paggawa at pagpapasa ng kontrobersiyal na 2025 National Budget at nasa likod ng korupsyon sa mahigit P811 bilyong flood control budget ng gobyerno mula 2022 hanggang 2025.