24/10/2025
𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗦𝗔𝗛𝗘 𝗡𝗜 𝗘𝗠𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗧𝗜𝗘𝗡𝗭𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗡𝗔𝗪 💔
Nag-iiwan ng matinding lungkot sa mga tagahanga ang huling mensahe na ibinahagi ni Emman Atienza sa social media bago siya pumanaw. Sa naturang post, ipinaliwanag ni Emman kung bakit niya piniling i-deactivate ang kanyang TikTok account.
Ayon kay Emman, nagsimula siyang mag-post sa TikTok bilang isang uri ng diary at exposure therapy upang mapaglabanan ang kanyang mga insecurities sa sarili. Sa pagdaan ng panahon, nakilala siya ng maraming tao at umabot sa halos isang milyong followers.
“I started posting on TikTok last year as a little diary & as exposure therapy because I was very insecure of my looks and personality for a long time... along the way, many of you found me. It's been a great journey,” ani Emman sa kanyang post.
Dagdag pa niya, unti-unti niyang naramdaman ang bigat ng p**t at panghuhusga online.
“Every time I post, I feel excited but also anxious and dreadful knowing there's going to be some hate I'll have to force myself to ignore,” sabi pa niya.
Ibinahagi rin ni Emman na hindi siya nagpo-post para sa pera, kundi para sa kasiyahan at self-expression. Gayunman, aminado siyang unti-unti nang nawawala ang sigla at saya sa ginagawa niya.
“My main compensation was always the joy & passion I felt when posting — which has been fading.”
Sa huli, sinabi ni Emman na kailangan niyang magpahinga upang mahanap muli ang kapayapaan sa sarili.
“Maybe I’ll come back in a few days, maybe a few months… just until I can recollect my thoughts, reset my values, & clear my head of the dread,” ang kanyang mga huling salita sa publiko.
Lubos ang dalamhati ng mga netizen at tagasuporta ni Emman matapos lumabas ang balitang kanyang pagpanaw. Marami ang nagpahayag ng pakikiramay at pagmamahal sa kanya online.
🕊️ Paalam, Emman Atienza. Salamat sa inspirasyon at katapangan mong ipinakita.