21/08/2026
๐๐๐ต๐ถ๐-๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ป๐ฎ๐ป.
โLaban sa kamatayan na hindi ko pinagsisihan para lamang sa kalayaan ng mamamayang Pilipino.โ
โIsang walang katumbas na halaga ang mamatay para sa minamahal na mamamayang Pilipino.โ
โHindi ko alam kung ako ba ay ligtas, basta para sa bayanโฆ ako ay lalaban.โ
Mahigit tatlumpung taon na ang nakalipas, at ngayong araw, Agosto 2026, ating ginugunita ang isang taong taos-pusong lumaban para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan at ng bansang kanyang kinalakihan.
Malugod nating gunitain ang Ninoy Aquino Day, sapagkat ito ay nagsisilbing paalala sa katapangan para sa bayan, sa sakripisyo ng sariling buhay, at sa halaga ng kalayaan para sa bawat Pilipino.
Sapagkat ang pagkamatay ni Benigno โNinoyโ Aquino Jr. ay naging daan upang mamulat ang mga Pilipino, huwag matakot sa mga makapangyarihang namumuno sa bansa, at patuloy na lumaban para sa ating mamamayan at bayan.
Hindi man naging madali ang bawat pagsubok na hinarap ng mga Pilipino, mananatili tayong matatag kung tayo ay magkaisa at sama-samang harapin ang mga mapanganib at nakababahalang suliranin ng ating bansa.
Walang Pilipinong dapat matakot, sapagkat ang mga taong lumaban noon para sa ating bayan ay nagpakita ng matatag na loob at tapang para sa kinabukasan ng ating minamahal na bansa.
Kayaโt tayong lahat ay huwag magpapaapi o magpapalinlang sa mga oportunista. Sa halip, piliin natin ang mga bagay na makabubuti at makatutulong sa pag-unlad ng ating bayan.
Kasi bawat hamon na ating hinaharap ay nagsisilbing paalala sa mga taong nagsakripisyo para sa atin at sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Kaya, maligayang paggunita sa Ninoy Aquino Day, mga kababayan!
_____
isinulat ni ๐๐ฆ๐ท๐ช๐ฏ ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ | disenyo ni ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ๐ข ๐๐ช๐ญ๐ญ๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ซ๐ฐ