31/08/2026
βNASAAAN ANG TRANSPARENCY?β Estudyante, Kinuwestiyon ang Pagpili ng Barangay Scholars sa kanilang komunidad
CAGAYAN β βNasaan ang transparency?β
Ito ang tanong ng isang college student mula sa isang barangay sa Cagayan kaugnay ng pagpili ng mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program, matapos umano siyang hindi mabigyan ng impormasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon para sa nasabing ayuda.
Bahagi ang programa ng Bawat Barangay Makikinabang Program (BBMP) sa ilalim ng Presidential Socio-Civic Projects Fund. Batay sa DILG Memorandum Circular No. 2026-038, tumatanggap ang bawat barangay ng β±200,000, kung saan β±100,000 ang inilaan para sa limang Bagong Pilipinas Barangay Scholars na tatanggap ng tig-β±20,000.
Ano ang pamantayan sa pagpili?
Ayon sa DILG guidelines, ang barangay ang responsable sa pagpili ng limang incoming fourth-year college students para sa School Year 2026β2027.
Dapat ay bona fide resident ng barangay ang mga benepisyaryo at kabilang sa mga pamilyang vulnerable o maaaring mapilitang huminto sa pag-aaral dahil sa problema sa pananalapi.
Binibigyan din ng prayoridad ang mga estudyanteng ang pamilya ay walang miyembrong nakatapos ng tertiary education.
Maaari ring magtakda ang barangay ng karagdagang eligibility criteria, ngunit ang mga ito ay kailangang maayos na dokumentado at ipatupad sa βjust, fair, and transparent manner.β
Estudyante: Walang inanunsyong application
Lumapit ang estudyante sa GuruPress Cordillera noong Agosto 27 upang ihayag ang kanyang mga pangamba sa umanoβy kakulangan ng transparency sa proseso. Hiniling niyang huwag ilabas ang kanyang pagkakakilanlan para sa kanyang proteksiyon.
Ayon sa kanya, walang pampublikong inanunsyong application process sa kanilang barangay kaya hindi nalaman ng ibang college students na maaari silang mag-apply o maisaalang-alang bilang benepisyaryo.
Kinuwestiyon din niya ang pagpili sa ilang benepisyaryo na umanoβy may kaugnayan sa mga opisyal ng barangay.
βSimilar po sa case sa isang munisipyo sa Cagayan, yung mga beneficiaries, mismong kamag-anak ng barangay officials po namin,β aniya.
Kinuwestiyon din ng estudyante kung pasok sa itinakdang qualifications ang mga napiling benepisyaryo, partikular ang pamantayan para sa mga estudyanteng nagmumula sa mga pamilyang may matinding problema sa pananalapi.
βNakalagay po sa qualifications na dapat poorest of the poor pero in their case po sila lahat may kaya, hindi rin po mga first generation college students,β aniya.
Sinabi rin niyang hindi ipinaalam sa mga estudyante na bukas ang scholarship program para sa aplikasyon.
βWala rin pong nangyaring application, sila-sila lang po ang nakaalam sa scholarship program, ni hindi nila sinabi sa amin na open na po ang application, sila-sila lang po ang nagselect na lang,β aniya.
Dahil dito, sinabi niyang maaaring hindi nabigyan ng pagkakataon ang ibang college students na magpahayag ng interes o maipakita ang kanilang kwalipikasyon.
βHindi nga rin po nila pinaalam sa amin na meron po palang scholarship na ganyan para po sana ay nakapag-apply pa ang iba,β dagdag niya.
Aniya, mas mahalaga ang malinaw na impormasyon sa kanilang lugar dahil relatibong malayo ang kanilang barangay at hindi lahat ng residente ay may regular na access sa internet.
β±20,000 para sa scholars
Ang Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program ay nagbibigay ng isang beses na β±20,000 βfinisher fundβ para sa mga kwalipikadong college students upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pagtatapos ng pag-aaral.
Naniniwala ang estudyante na may iba pang college students sa kanilang barangay na maaaring higit na nangangailangan ng tulong pinansyal at dapat ding nabigyan ng pagkakataong mag-apply.
Para sa kanya, hindi lamang kung sino ang nakatanggap ng ayuda ang isyu kundi kung naging malinaw, patas at bukas sa mga kwalipikadong estudyante ang proseso ng pagpili.
Hiniling niya sa mga opisyal ng barangay na tiyaking patas ang pagpapatupad ng mga government assistance program at maayos na naipapaalam sa mga residente ang mga oportunidad na maaari nilang mapakinabangan.
βSana po ay maging mas transparent kayo sa mga mamamayang inyong pinaglilingkuran. Iwasan din po sana ang βpalakasan system.β Tandaan niyo po na kayo ay mga opisyal ng barangay at hindi lamang ng inyong pamilya. Huwag niyo pong kalilimutan na tungkulin niyo po ang maglingkod nang patas at pantay sa lahat ng inyong nasasakupan,β aniya.
Barangay, hinihingan ng panig
Sinubukan ng GuruPress Cordillera na makuha ang panig ng Punong Barangay kaugnay ng proseso ng pagpili ng scholars at mga tanong na inihain ng estudyante. Gayunman, hindi pa nasasagot ang mensahe sa oras ng pagsulat.
Sinuri rin ng GuruPress Cordillera ang pages ng barangay na binanggit ng estudyante upang tingnan kung may inilabas na call for applications, impormasyon tungkol sa selection process o listahan ng mga napiling benepisyaryo. Wala namang nakita ang publication na naturang mga post.
Ang nakita lamang na kaugnay na page ay ang SK page, ngunit hindi rin umano updated ang mga post nito.
Hindi pa personal na nakapunta ang GuruPress Cordillera sa barangay upang masuri ang kanilang physical bulletin boards o iba pang posibleng lugar kung saan maaaring nai-post ang impormasyon. Dahil dito, hindi pa independiyenteng nabe-verify ng publication ang pahayag ng estudyante na walang public announcement o application process.
Upang maprotektahan ang source, hindi inilalabas ng GuruPress Cordillera ang pagkakakilanlan ng estudyante at iba pang detalye na maaaring makapagpakilala sa kanya.
Bukas ang publication sa anumang sagot, paglilinaw o paliwanag mula sa mga opisyal ng barangay kaugnay ng isyung ito.