17/06/2026
ALAMIN: ANO ANG NSED?
Makiisa sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Huwebes, Hunyo 18, 2026!
8:00 AM - Simula ng programa para sa Ceremonial Pressing of the Button.
9:00 AM - Ceremonial Pressing at pagpapatunog ng sirena bilang signal para sa sabay-sabay na Duck, Cover, and Hold!
Bilang bahagi ng NSED, magsasagawa rin ang mga opisyal at kinatawan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan ng isang tabletop exercise. Layunin nitong suriin at isailalim sa simulation ang mga nakalatag na plano para sa pagtugon sa isang Magnitude 7.2 na lindol dulot ng paggalaw ng West Valley Fault.
Patuloy na hinihikayat ang bawat isa na maging aktibong kalahok sa mga gawaing nagsusulong ng kahandaan, hindi lamang laban sa lindol, kundi sa lahat ng uri ng panganib at sakuna.
Para sa mga anunsyo at mahahalagang paalala, i-follow ang Civil Defense PH at NDRRMC pages.